mark pagas: ang kaibigan nina direk maryo j. (r.i.p.) at bernardo bernardo (r.i.p.) sa amerika na labis na nagluluksa sa pagyao nila....

MARK'S HANDSOMENESS CANNOT BE HIDDEN. 

A "WACKY & TRICKY" FUN SHOT WITH BLOGGER ROBERT (LYING DOWN) AND YOUNGER MARK, WITH THE OTHER SEXY BOYS. (THROWBACK. HEHEHE).*



Ang lahat ng tao ay may iniiwang mga ala-ala sa kanilang paglisan. Pero paano kung mga buhay na tao ang pinag-iwanan nila ng mga ala-alang iyon? Paano kung may isang nilalang na sadyang naapektuhan at na-'involve' sa mga ala-alang iyon na pinag-iiwanan nila? At paano rin, kung ang isa sa mga taong iyon ay isang mabait na lalaking nasa Amerika na ngayon?

Mga ala-ala. Oo, mga alaala. Nakapagtataka kung bakit pareho pa silang mga kasama sa mga alaalang iyon, gayung...., gayung WALA NA SILA.

Napakasakit kung tutuusin. At magkasunod pa sila. Magkasunod pa silang nawala!

Sa puso at diwa ng isang kaibigang lalaki nila sa AMERIKA, ang sobrang hinagpis ay hindi na makakayanan pa.

SI MARK SALCEDO PAGAS, at ang kanyang mga alaala, kasama pa ang isang blogger na buhay- sa piling ng mga yumaong sina MARYO J. DELOS REYES at BERNARDO BERNARDO:

"Mahirap para sa akin at very heart-breaking- napakasakit", bungad na sabi ni Mark sa isang video call mula sa Amerika. "Kasi, hindi ko lang sila basta mga kaibigan. They were also my MENTORS. Oo, pareho silang mentors ko."

Maraming mga alaala si Mark kina Maryo J. at BB. Napakarami, kung tutuusin. 

"Kay BB, hindi ko malilimutan 'yung minsang inimbita ko siya to spend Christmas with my family", muling sabi ni Mark. "Kasi nu'ng mga panahon na 'yun, nasa Pilipinas pa kami pareho nu'n. At nasa Cebu kami pareho nu'ng malaman kong mag-isa lang siya. Kaya inimbita ko siya na sa amin na lang mag-Pasko- du'n sa bahay namin sa Cebu. Naging napakasaya niya nuon.

"May pag-aaring Comedy Bar kasi kami at that time sa Cebu", paglilinaw ni Mark. "Kami ang mga magkakasama sa Comedy Bar na iyon. Doon kami naging close ni Tito Bernie. At nu'ng umalis kami papuntang Amerika, isang araw lang ang naging pagitan ng pag-alis namin. Sa Amerika, nagkasama pa kami ng matagal. Sabay kaming pumupunta sa immigration lawyer dahil nagkataong pareho din ang immigration lawyer namin sa Amerika."

Kay direk Maryo J. naman, heto ang masasabi ni Mark:

"Si direk Maryo J., kasama ang partner niyang si kuya Jake Tordesillas, sila 'yung mga taong tumulong talaga sa akin when I was just starting my career in showbusiness", kuwento ni Mark. "Opo, nag-artista din po ako for a while. Fresh from Ginoong Cebu pageant, pinaluwas ako ng writer na si Robert Silverio na pumunta ng Maynila. At dahil din kay Robert, nakilala ko sina direk Maryo J., and the rest was history.

"Laging sinasabi sa akin nuon ni direk Maryo J. kailangan ay tiyaga lang at pagbutihin ko raw", dagdag ni Mark. "Very stiff daw kasi ang competition."

Paano naman made-describe ni Mark ang pagiging mga dakilang tao at mababait na kaibigan nina direk Maryo J. at BB?

"The good thing with them, maski ano pa ang mga narating na nila sa buhay at na-achieve, pareho silang mga down-to-earth individulas", maagap na sagot ni Mark.

Matagal na ring panahon ang ginugol ni Mark sa Amerika. Wala ba siyang naging pagsisisi at sa Amerika siya napunta at hindi sa mundo ng showbiz?

"Hindi naman po", sagot ni Mark. "Bago kasi ako umalis nu'n papuntang Amerika, ay nagtrabaho muna ako sa advertising and production agency ni direk Frannie Zamora, doon ako medyo na-fulfill dahil showbiz-related din naman 'yung work. Napunta rin ako sa mundo ng Teatro dahil kay direk Frannie", sey ni Mark muli. "At pagkatapos nga nu'n, duon naman ako nag-work sa Cebu- sa Comedy Bar nina BB."

Since nu'ng March 2002 pala ay nasa Amerika na si Mark. He's now happily married, with two healthy kids. He works in the hospital industry.

"May mga challenges din ako dito, pero nalalampasan ko naman", sabi ni Mark. "Normal lang naman 'yun sa lahat ng aspeto ng buhay."

Wala na daw planong mag-comeback sa pag-aartista si Mark, pero given a chance to work behind the cameras, baka daw na pag-isipan niya.

"Nakaka-miss din kasi, eh- ang showbiz", pagtatapos na wika ni Mark. "Pero mas grabe ang pagka-miss ko ngayon kina direk Maryo J. at Tito Bernie. Mahal na mahal ko silang pareho at hindi ko sila malilimutan sa buong buhay ko. Na-shock talaga ako sa pagkamatay nila. Nagda-drive ako sa freeway nu'ng malaman kong wala na si Tito Bernie kaya tumigil muna ako sa pagmamaneho at umiyak. Nu'ng si direk Maryo J. naman, hindi ako makapagsalita, natulala ako...., I know, masaya na sila pareho sa kinalalagayan nila sa langit. Rest In Peace, direk Maryo J. and Bernardo Bernardo!"

Sa buwan ng Agosto daw ay magbabakasyon sa Pilipinas si Mark. Muli silang magkikita ng kaibigan niyang blogger, at papasyalan nila ang isa pang direktor na buhay pa- si direk Frannie Zamora. Pagkatapos ay papasyalan din nila ang pinaghimlayan ng mga ashes nina direk Maryo J. at Bernardo Bernardo Bernardo.

Hanggang sa muli nating pagkikita, MARK.


Habambuhay.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

MGA LARAWAN, HANGO SA FB PAGE NI GINOONG MARK PAGAS, AT ANG IBA'Y MULA SA GOOGLE.COM.
ISANG LARAWAN, HANGO SA LUMANG ALBUM NI ROBERT SILVERIO.*



MARYO J. DELOS REYES (R.I.P.): MARK'S GREAT FRIEND AND MENTOR, TOO.

BERNARDO BERNARDO (R.I.P.): MARK'S GREAT FRIEND AND MENTOR

MARK WITH A MALE FRIEND (LEFT) AND HIS PRETTY WIFE (RIGHT)

MARK WITH HIS CO-WORKERS IN THE U.S.

MARK WITH HIS BABY GIRL

MARK'S OTHER "LIVING" FRIEND: DIRECTOR FRANNIE ZAMORA

MARK'S FB POST, THE LAST TIME HE AND BERNARDO BERNARDO (R.I.P.) WERE TOGETHER IN THE U.S.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...