SA IYONG MAHABANG PAGLALAKBAY SA BUHAY, NAGKAROON NG BIGLAANG HANGGANAN.
SA ENTABLADONG MINSAN MONG KINABILANGAN, ANG ILAW AY NAHIMLAY NA SA DILIM, ANG KURTINA'Y NAGSARA, AT, ANG MGA PALAKPAKAN AY HUMUPA.
ANG AGILANG LUMIPAD MINSAN SA KALAWAKAN AY NAPAGOD, NALAGLAG, SUMADSAD...
PERO ANG INIT NG IYONG PAGMAMAHAL-
ITO'Y PATULOY NA MADARAMA.
GINAWA KO ANG LAHAT NG ITO PARA SA ISANG KAIBIGAN-
SA IYO,
SA KANYA.
DAHIL SA GITNA NG MGA HALAKHAK MO, MAY LUHA.
AT SA LAKAS NA IPINAKITA MO, MAY KAPALIT.
SA LAHAT NG MGA NAGING PAGBIBIGAY MO-
MAY KIROT.
WALA NA PO ANG ENTABLADO,
ITO AY NAGSARA NA.
PERO,
ITO'Y MULING MAGBUBUKAS....
HABANG PATULOY PA RING MAY ISANG BERNARDO
NA MAGMIMISTULANG KATULAD MO
KATULAD NIYA
AT KATULAD NATING LAHAT
MAGPAKAILANMAN.
PAALAM, BB. PAALAM.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
photo credits: jun basas esturco |
thank you so much to IGOLWAN for the lyric video of "minsan ang minahal ay ako" above.*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento