si avid razul kasama ang yumaong direktor na si maryo j. |
AVID RAZUL: BIDA NA SA "LUKAS"! |
avid with a friend |
si avid kasama ang isang child actor sa shooting ng "LUKAS" ng Magic V productions |
si avid sa isang espesyal make-up sa isang eksena sa pelikulang "LUKAS" |
AVID: SEXY KAPAG NAKA-SANDO |
Sa dinami-dami ng mga naging "anak-anakan" ni direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.), ang dakilang direktor na yumao last year, ang sobrang pinahalagahan niya ay ang kanyang MARYO J. BROTHERS. ito ang kanyang grupo o kuwadra ng mga magagaling na aktor na nagkikisigan at nagma-machohan talaga.
Hindi na namin mabilang sa mga daliri namin ang dami ng mga taong tinulungan ni direk Maryo J. na makamtan ang tamis ng pagiging isang artista nila. Sa dami nga nila, sadyang araw-araw nu'ng lamay niya nu'ng mamatay siya last year, laging puno ang Loyola Memorial Chapels sa may Commonwealth Avenue last year, at karamihan duon ay 'yung mga artistang natulungan na niya.
Pero sa bawat mga "anak-anakan" niya, naging espesyal talaga ang MARYO J. BROTHERS, dahil ang mga ito ang paboritong mga ANAK ni direk Maryo. Halos araw-araw sila bahay ni direk Maryo, at sila rin palagi ang kasa-kasama ni direk Maryo nu'ng nabubuhay pa ito.
Sa mga naging kabilang sa "Maryo J. Brothers", isa dito ang lubos na pinuri ang kinalugdan ni direk Maryo J. dahil hindi ito nagbago sa pag-uugali at palagi siyang pinasasaya. Isa sa masisipag na regular talent din sa channel 7 na tinahak ang sarili niyang karera. Siya'y walang iba kundi si AVID RAZUL.
Kung sa bawat kuwadra man ng mga managers at mga istasyon sa telebisyon na nag-aalaga ng mga regular artists/talents nila, hindi naman iilan lang ang mga naging matino, at sa kuwadra noon ng yumaong si direk Maryo J, marami din naman ang hindi sinaktan ang damdamin ng yumaong direktor. 'Yung mga naging pasaway na talents ni di direk Maryo J. noon, huwag na nating ungkatin ngayong wala na siya, dahil tapos na iyon, eh.
'Yun din ang mga panahon na naging saksi ang isang blogger, na totoong si AVID RAZUL, isa sa mga original na 'MARYO J. BROTHERS', at ilo-launch na ngayon sa advocacy film na may pamagat na "LUKAS" at prinodyus ng Magic Five Productions-, oo, kailanman, si AVID RAZUL ay hindi naging ISANG PRODIGAL SON para sa paningin noon ni direk Maryo J (R.I.P.).
"Naku po, Tito Robert, nagkataong ang istorya pa naman ng launching film ko ngayon para sa Magic Five Productions ay inspired sa istorya ng isang Prodigal Son sa Bible, pero ito 'yung istorya nu'ng kapatid ng Prodigal Son, kaya talagang nakakaiyak ang istorya", bungad na buweltang sabi ni Avid sa kaibigan niyang blogger. "Ang pangalan nu'ng karakter ko dito ay Lukas, na hango du'n sa sumulat nung parable na iyon sa Bibliya, si Lukas. Bale madrama ang buhay ko dito, kaya mapang-hamon talaga ang papel na ginagampanan ko sa pelikula. Nagpapasalamat nga ako ng lubos kay Mam Che, ang prodyuser namin, sa pagbibigay niya ng tiwala sa akin, at saka sa direktor naming si Lester Dimarananan at sa mga co-producers ko sa pelikula.
"Kaya sobrang saya ko ngayon, Tito Robert, ngayon ko lang nalaman sa iyo na never pala akong tinuring na PRODIGAL SON ni direk Maryo J.", dugtong na sabi ni Avid. "Nakakataba ng puso na malaman iyan. Alam n'yo po, napakabait ni direk Maryo sa akin. Sa tuwing bertdey ko, may regalo iyan sa akin, kukunin ko na lang kay Heidi, yung secretary niya sa opisina niya. Kung minsan pa nga, may sobre pa na may lamang cash ang ibinibigay na regalo sa akin ni direk Maryo. Ganyan siya ka-thoughtful sa akin. Dahil siguro, naging mabait na anak ako sa kanya."
Naaalala pa ni Avid 'yung naging una nilang pagkikita ni direk Maryo J.
"Nagsu-shooting sila sa lugar namin, galing ako noon sa paghahanap ng trabaho at naki-usyoso ako doon sa shooting", kuwento ni Avid. "Habang nanonood ako, biglang lumapit sa akin si direk Cloyd Robinson, may gusto raw kumausap sa akin. Laking gulat ko, 'yung mismong direktor nung pelikula pala ang gustong kumausap sa akin. Siya po ay si direk Maryo J. delos Reyes. At doon na nag-umpisa ang lahat- sa pagsabak ko sa mundo ng showbiz.
"Tinanong kasi ako noon ni direk Maryo kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko", dugtong na sabi ni Avid. "Sagot ko kay direk, gusto ko lang magka-trabaho, maski taga-buhat ng mga props sa shooting. Sagot ni direk sa akin, ang liit naman daw ng pangarap ko sa buhay. Kaya sabi niya, gagawin na lang daw niya akong artista."
Sa pelikulang LUKAS ng Magic 5 Productions, isinama ni Avid ang mga kapwa MARYO J. BROTHERS niyang sina Poppo Lontoc, Orlando Sol at dalawa pang miyembro sa Masculados. Kaya parang reunion movie niya ito kasama ang iba pang kapwa-Maryo J. brothers niya.
"Mahal na mahal ko po si direk Maryo, kaya nu'ng nawala na siya, sobrang umiyak ako at nalungkot", pagwawakas na sabi ni Avid. "Gusto kong gantihan ang lahat ng mga kabutihang ipinakita niya sa akin. Kaya naman isinama ko dito sa pelikula sina Poppo, Orlando at Enrico. Gusto ko pa ring buhayin ang mga gunita nuong Maryo Brothers pa kaming lahat."
Goodluck sa launching film mo, Avid!
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento