reverend father marc ocariza: a full dedication to God |
father marc: handsome |
father marc with fellow church workers |
father marc in a singing gig |
father marc with his favorite Saint- Padre Pio. |
father marc with fellow young priests |
father marc with pet dog |
father marc with a fellow priest during noon break |
father marc with bishop ambo david |
father marc contemplates... |
(WRITER'S NOTE: In case you don't know, ginawaan namin ng blog feature itong si Father Marc Ocariza dahil humanga kami sa kanyang mga FB Posts na kung saan ay kumakanta siya. Isa siyang singing priest, pero minsan din sa kanyang nagdaang buhay, pumasok din siya pasumandali sa mundo ng pag-arte sa telebisyon. Kaya lamang, tila mas malakas ang hatak ng tawag ng Priesthood sa kanya. At ngayon, siya na ang Parochial Priest ng Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Maysan, Valenzuela City.
Matagal nang kaibigan ng blogger na ito si Father Marc. At naisip namin na i-feature siya dito sa SWORDSHINES10 blog site at marinig ang tinig ng isang ordinaryong kabataan na Pare.
Sana, magustuhan po ninyo ang aming Q & A kay Father Marc. Salamat.---BY ROBERT SILVERIO).*
the late film director- maryo j. delos reyes was the one who adviced father marc ocariza to pursue his calling in Priesthood at a time that Father Marc was wanting a career in showbusiness. |
ROBERT: Father Marc,
isa ka sa mga taong nakilala ni direk Maryo J. (R.I.P.) at nu'ng nabubuhay pa siya,
pinayuhan ka niya na ipagpatuloy mo na lamang ang Priesthood mo keysa
pag-aartista. Na sinunod mo naman. Ano ang masasabi mo sa napakagandang payo na
iyon ng yumaong si direk Maryo J.?
FATHER MARC: Mapalad
po ako na makilala at makasama kahit saglit si direk maryo at masasabi ko po na
isa siyang mabuti at may takot sa diyos na tao. Naalala ko po nung ipinakilala
ninyo ako noon sa kanya bilang talent ninyo at ng malaman niyang seminarista
ako na nakabakasyon ang sabi niya "magpari ka. Marami ng artista.
Kailangan natin ng mga pari." Pakiramdam ko nung mga oras po na iyon
nagpadala ng mensahe ang Diyos sa akin. Kaya isa po yun sa mga pinanghawakan ko
noon nung hinahanap ko pa ang aking sarili kung ipagpapatuloy ko pa ba ang
pagpapari o ipursue yung acting and singing career dream ko.
ROBERT: Hindi ba mahirap maging
Priest? Ano ang mga sacrifices mo at ano ang mga bagay na ikinalungkot mo buhat
nung maging Priest ka?
FATHER MARC: Sa
buhay naman po walang ibang madali kundi ang sumuko. Kapag sumuko ka sa mga
pagsubok sa buhay, tinakbuhan o iniwasan mo, wala agad ang problema. Pero ang
tanong may napagtagumpayan ka ba? Ang buhay din po ng pari ay araw-araw na
pagharap sa iba't-ibang uri ng pagsubok. Nandiyan yung malayo ka sa pamilya mo.
Nandiyan yung gumagawa ka na ng mabuti mamasamain pa ng iba. Nandiyan din yung
pakikipaglaban sa iba't - ibang uri ng tukso sa buhay. Kasi sabi nga nila
habang nagsusubok magpakabanal ang isang tao lalo pa siyang nilalapitan ng
tukso dahil itong ang gusto mangyari ng kalaban ng Diyos, ang hindi tayo
magtagumpay sa buhay pagpapakabanal. Subalit sa isang positibong pagtingin,
kinakailangan naman din natin ng pag- "suko". Pagsuko sa Diyos na mas
makapangyarihan at mas nakaaalam ng lahat. Dahil ang katotohanan hindi naman
talaga natin kaya ng tayo lamang. Kaya napakamakapangyarihan ng pananalangin.
Pinalalakas tayo sa tulong ng biyaya ng Diyos.
ROBERT: Ano-ano naman ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo bilang isang Priest?
FATHER MARC: Bukod
sa hirap at struggles ng pagsunod sa Diyos bilang pari, ang mga tao na
pinaglilingkuran ko ang isa sa pinagmumulan ng aking kasiyahan. Yun bang makita
ko ang mga mananampalataya na may kakaibang saya dahil sa naibahagi ko sa
kanila ang pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng mga sakramento.
Ikalawa, pinagmumulan din ng aking kasiyahan ang mga kaibigan kong pari na
kaisa ko sa paglilingkod. Ang magkaroon kasi ng mga tunay na kaibigan ay isang
napakagandang biyaya sa atin ng Panginoon. Sa kanila ko nababahagi ang mga
lungkot at saya, kabiguan at tagumpay ng aking buhay.
ROBERT: Mahirap bang maging guwapo and at the same time, isang Priest?
FATHER MARC:Haha. Guwapo po
ba ako sir? Alam ko malakas lang loob ko... Haha ang joke nga sir lahat naman
nagiging gwapo kapag naging pari... Pero ang totoo po niyan kaya lumalapit ang
tao sa amin ay hindi naman dahil sa guwapo kami kundi dahil gusto nilang
mapalapit at Diyos sa pamamagitan ng aming tulong panalangin at minsan makita
ang Diyos sa pamamagitan ng pakikisama at pakikipagusap nila sa amin. Kaya nga
ito ang dapat laging tandaan ng isang pari hindi ka pinupuri o nilalapitan ng
mga tao dahil pogi ka o "star" ka kundi dahil pari ka, isang alagad
ng Diyos.
ROBERT: Given a chance to act again, tatanggapin mo pa rin ba, Father Marc, kung
sakaling may offer na umarte ka sa TV man o sa pelikula?
FATHER MARC:Sa tingin ko po
hindi na po ito bahagi ng buhay ko ngayon sir. Depende nalang po kapag
nagkaubusan na ng mga artistang aarte sa Tv at pelikula... Haha pero sabi nga
po ni direk maryo marami ng artista let them do their job at ako bilang pari ay
masayang maglilingkod. Actually nagagawa ko pa naman din po ang ilan sa mga
kong gawin kahit na pari na po ako like singing. May banda po kami ngayon ng
ilang batang pari ang pangalan po ng grupo namin ay ang "Cumpadres".
Nagcoconcert po kami for fund raising ng iba't - ibang parokya o anumang
proyekto sa Diyosesis ng Malolos at usually free po ang performance namin.
Isang pamamaraan ng pagpapakita namin ng brotherhood sa kaparian at pakikiisa
sa sambayanan ng Diyos sa paglilingkod.
ROBERT: Ano ang pinaka-dream mong marating bilang isang Priest?
FATHER MARC:Ang makarating
ba sa Vatican City o makapag-pilgrimage journey sa Israel? Answer: Siyempre po
ang lugar kung saan nabuhay si Hesu-kristo. Sa Vatican para makamayan ang sto
papa at sa lugar mo ng favorite saint ko na si st. Pio of Pietrelcina sa San
Giovanni Rotondo.
ROBERT: Last question po, Father Marc, ano ang gusto mong ipaglaban sa mga kabtaan at mga tao ngayon, Father marc, sa
pamamagitan ng mga Sermon at Wisdom na sine-share mo tuwing may misa ka?
FATHER MARC: Lagi ko
po ipinapaalala ang dakilang pag-ibig ng Diyos. Ito naman po ang tungkulin
nating lahat lalo naming mga pari ang ipahayag ang mabuting Balita ang Pag-ibig
at Awa ng Diyos sa ating lahat. Habang umuunlad kasi ang mundo unti - u ti ring
nakakaligtaan ang katotohanang ito. Masyado na tayong nagiging abala sa
iba't-ibang bagay. At nandito kami para matuloy na maging tinig na nagpapalala
na may mas higit pa sa mga bagay dito sa mundo. Mayroon tayong dapat mas
naisin... Ang makapasok sa kaharian ng Diyos. Sabi nga ni Hesus "walang
makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko..." Sa pagsunod natin kay
Kristo makakamtan natin ang buhay na walang hanggan. Sa mga kabataan, hindi
masamang mangarap subalit tatandaan natin na may pangarap rin sa atin ang
Diyos.
PHOTOS COURTESY OF FATHER MARC OCARIZA'S FB PAGE.*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento