CINEMALAYA ON MY MIND (a personal muni-muni of robert silverio)....







May mga taong MALAYA pero pilit na ikinukulong, marahil, dahil sa kakaiba nilang mga kaisipan at kamalayan....

May mga taong umiiwas pero pilit na hinahabol...
mga taong nagmamahal pero pilit na inaagawan,
o kaya, mga taong NANINIWALA SA PUSO, pero pilit na pinapatay.

Sa modernong konsepto ng lipunan, pera ang umiiral at nagpapagalaw sa bawat bagay. Pero bakit hindi na lang natin hayaan na magmahal ang isang puso? Bakit hindi na lang natin pansinin ang isang taong nagtatago kapag gusto niyang magtago? Dahil doon sa pagtatagong iyon, doon lamang niya nakikita ang kanyang sarili?

Huwag mo siyang hanapin dahil buhay pa naman siya, Huwag mong pairalin ang TAKOT at mga agam-agam... huwag kang mag-alala, dahil alam naman niya ang kanyang ginagawa.

Sa puso ng isang nilalang, ang SINING ang tanging konsuelo niya. Ang sining na nagpapalaya sa kanya at sa KALULUWA niya.

Matagal na niya itong natuklasan. Dahil doon lamang ang nag-iisa niyang tahanan at wala nang iba pa. Doon lamang ang takbuhan niya, doon lamang siya nakapagtatago, doon lamang siya nabubuhay.


CINEMALAYA ON MY MIND.

Oo, ito ang Cinemalaya sa kanyang kaisipan. At sa taong ito ng 2017, na sadyang pinakamahalagang taon ng kanyang buhay, alam niya na dito lamang titigil ang daloy ng ORASAN.

Parang mga picture frames lamang na hindi gumagalaw, hindi kumikilos, hindi tumitinag.

At, aayusin niya iyong ISA-ISA, pagagalawin, paiibigin....

Sa gitna ng kanyang mga nailikhang imahinasyon- ang SINING ng puting katsa ay kikislap sa kanyang mga paningin...

Lalapatan ng mga kakaibang MUSIKA...

Tutusukin ng mga paldibre't sinulid ang mga maliliit na detalye ng mga disenyo, damit at mga tanawin...

Paapuyin ang mga bigkas, pagluha at paggalaw ng mga ANINONG GUMAGALAW na iyon sa puting katsa.

Dahil doon, kahit papa'no, alam niyang may nagmamahal pa rin sa kanya.


Anumang klase ng putik ang itapon at iitsa sa kanya,

Mga paninirang nanggagaling mismo sa mga kadugo niya,

mga panlalait na tila ata wala nang katapusan...

Mas higit pa rin niyang kilala ang SARILI niya.


Hindi siya iyong taong sinasabi nila.

Siya ay tinatapunan lamang ng mga basura nila.

Isang malinis na ilog na dinumihan at sinaktan.


*****************


Sa parating na isang linggong CINEMALAYA 2017,

Marahil ay naroon muli siya sa kanyang tahanan- ang Cultural Center of the Philippines.

Mag-isang aakayat at bababa sa red-carpet stairs ng main lobby...

Mag-isang iinom ng kape sa canteen basement at kakain ng masasarap na ulam sa Barbara's...

At kung puwede pa ring manigarilyo, magbubuga ng usok sa gilid ng side entrance sa ibaba ng CCP.


Kung papalarin man, lalapitan siya ng ilang artistang laging ngumingiti sa kanya,

iiwas sa ilang film artists na may mayayabang na porma

Pero lalapit sa mga Film Artists na TOTOO AT MAPAGKUMBABA ang dating sa kanya.


Kung minsan ay tatawa din siya...

Hahalakhak kapag maganda ang mood niya.

Iiikot-iikot at pilit na lalapit sa mga celebrities,

maski walang kamera o walang cellphone siyang dala-dala...

Iyon kasi ang mas nagpapababa sa kanya. At iyon ang mas gusto niya...


Sabi nga nila, weird daw ang mga maka-sining na tao. May topak daw.

Hindi naman kasi Komersyalismo o pagpapayaman lamang ang lahat ng mahalaga sa buhay ng tao...

May mas malalim na dahilan pa bukod doon.



Minsan, sinabi ng YUMAO KONG AMA: NA WALA DAW AKONG "REDEMPTION".

Na, wala raw "redeeming value" ang buhay ko.

Pero para sa akin, meron naman.

Dahil totoo ang puso ko kapag nagmamahal.

Totoo itong nag-aalay, tootoong nagbibigay, totoong nambobola at totoo rin kapag pumupuri.


Sa gitna ng mga kawalan at mga pagsubok ng buhay,

isa na lang ngayon ang NATITIRA.



ITO ANG CINEMALAYA.



CINEMALAYA ON MY MIND....


JUST THE THOUGHT OF IT-


WILL MAKE ME LIVE...




FOREVER.





BLOGGER ROBERT WITH jm de guzman


(sinulat ni robert manuguid silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...