isang luha ng PAGMAMAHAL para kay kuya boy abunda (na naganap sa kanyang book launching)....





Gusto ko sanang tanungin nung hapon na yun si Kuya Boy Abunda...

Gusto ko sana siyang makita ng malapitan man lang...

O kaya makamayan at madampihan ng halik.


Gusto ko sanang tumayo at agawin ang mikropono sa mga non-media people na pawang nagsitanong sa kanya at naagawan ng eksena ang talagang mga media people na hindi na nakabuwelo...

Gusto ko sanang pumila para magpa-pirma ng personally-signed authograph sa libro nya...

Gusto ko sanang magpakuha ng litrato o makapanayam din sya...

Gusto ko sanang sabihin sa kanya, mismo sa puwang ng mga teynga nya para marinig nya ng klaro at malinaw:

Ang mga katagang- "SALAMAT PO, KUYA BOY."



May mga tanong pa sana ako, pero hindi ko na naitanong... Mga tanong na may sensibilidad naman at hindi nagpapa-impress lang...

Mga tanong na marahil ay matatawa rin siya, o kaya, mapapamangha.

Mga tanong na tulad ng: "Kung sakaling gumalaw ang malaking poster o tarpaulin ng book cover ng aklat mo na nasa likod mo lang at biglang kumilos. Ano ang sasabihin mo sa kanya?"

O kaya, "Kung biglang sumulpot ngayon TWIN BROTHER mo, if ever lang, Kuya Boy, ano ang sasabihin mo sa kanya?"

At heto pa: "Kung mabubuhay ka ulit, pipilin mo pa bang maging Boy Abunda ulit?'

At isang huling tanong pa: "Kuya Boy, bakit mo po nasabi sa libro mo na- ALL IS FAIR IN LOVE AND WAR- NO, IT ISN'T"?

Yun ang tanong na pinaka-curious sana ako na masagot niya. Pero hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na maitanong pa sana sa kanya ang mga iyon-

Dahil, tila ata mas papaboran lamang ang IBA pang mga taong naroroon nung hapon na iyon sa kanyang book launch.



"IT'S LIKE THIS".

Yan ang pamagat ng newly-launched na libro ni Kuya Boy. Isang librong very inspirational, unorthodox, uncensored.

Sa mga quotations ni Kuya Boy sa librong ito, tipong very candid siya. Tipong siya na mismo ang naghubad sa kanyang sarili at buong kaluluwa.


******************


May mga taong pilit na inilalayo sa iyo dahil alam nilang mahal mo ang taong iyon.

May mga taong sumasapat na lamang sa malalayong tingin, mararahang ngiti at hindi maabot na mga kaway.

Pero habang naniniwala ka

Na mahal ka pa rin ng taong iyon- bilang isang kaibigan at isang nilalang na tinulungan ka...


Isang luha ng PAGMAMAHAL ang madarama mo.



Para sa iyo,


KUYA BOY-




HABAMBUHAY.





(words by robert manuguid silverio)




kuya boy with his FOREVER

kuya boy with his mom

kuya boy with robert manuguid silverio



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...