vincent: model look |
vincent in yellow |
VENCENT, SHOWING HIS BARE UPPER TORSO AS FELLOW BRATBOYS DANCES DURING THE MEDIA LAUNCH OF "FACE OF THE YEAR" |
Siya 'yung nagpakita ng hubad at napaka-kinis niyang katawan sa nagdaang Media Launch ng FACE OF THE YEAR 2018, kung saan naging panauhin ang Bratboys (an all-male sing and dance boy group) na kinabibilangan niya. Halos hindi makahinga ang mga media writers na sina Alwyn Ignacio at Fernan de Guzman nang makita ang very flawless niyang chest and upper torso. Maloka-loka sila.
Anyway, hindi naman pala suplado itong si Vincent. At first glance, iisipin mong iisnabin ka niya kapag kinausap mo siya, pero hindi naman pala. Very sweet and charming pa nga siya nu'ng makapanayam siya ng isang blogger sa opisina ng Philmoda office. Very impressive.
Mestisuhin si Vencent, mayroon ba siyang Spanish blood?
"Opo meron po", bungad na sagot ni Vincent sa isang blogger. "Sa father side ko po. Bale 'yung lolo ko po ay isang Spanish. That's why I inherited the mestizo looks from him."
Vencent is only 19 years old. He grew up in the Mindanao region.
"Nu'ng nasa Mindanao pa ako, I have my own Boy Band there", kuwento ni Vincent. "I also dance and sing there. It's called Boys In Town. Hanggang sa mapadpad kami ng Manila. Sa isang event sa isang mall show, it so happened na nanonood pala du'n si mr. Jojo Veloso. Pinuntahan niya ako sa backstage and he gave me his calling card. The next day, pumunta ako sa office niya and from thereon, nagkaroon na agad ako ng set card at naging miyembro na rin ng Bratboys."
In case you don't know yet, magaling magluto itong si Vincent. All kinds of dishes, alam niyang lutuin. That is his other talent aside from dancing and singing. Graduate siya ng Culinary course sa Culinary Arts of Magsaysay.
"Kaya lang, first love ko po kasi talaga ang dancing, eh", hirit pa ni Vincent. "I was in second year in high school when I discovered my love for dancing. It's my greatest passion."
Kasama rin si Vincent sa isang movie ng Star Cinema kung saan makakasama niya sina Jason Gainza, Lance Raymundo at ang dalawa pang miyembro sa Bratboys na sina Victor Rosales at Xander Pineda. Ito bale ang magiging first movie niya.
"Wala po muna akong dialogues sa pelikulang ito, puro crowd scenes lang ako", sabi ni Vincent. "Makikita akong nag-iigib ng tubig, nagwawalis sa garden, ganu'n. Okey lang po, exposure din po iyon sa akin", anya pa.
liza soberano: crush ni vencent |
Sino naman ang crush niya?
"Crush ko si Liza Soberano", mabilis niyang sagot. "Kasi maganda talaga siya."
Hhhhhmmmmm. Abangan na lang natin ang pagbulusok sa kasikatan nitong si Vincent. He's got the talents, the looks and the sweetness to make it in showbiz.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento