zernan in naked form |
zernan and his bigger "other self" |
zernan sees things in a deeper meaning |
"Bata pa lang ako, may Sixth Sense na talaga ako", bungad na sabi ni Zernan Mataya sa isang kaibigang blogger. "May mga regular visitors ako nu'ng bata pa ako. Kung anu-ano ang mga nakikita ko. Kung napanood mo ang Hollywood film noon na may pamagat na Sixth Sense na ukol sa isang batang nakakakita ng mga multo, ganu'n na gano'n ang naging karanasan ko rin nuong bata pa ako."
Ang pinaka-lolo o grand father kasi ni Zernan ay isang albularyo. Tinuruan siya nitong magdasal o mag-orasyon para sa mga espiritu. Ganu'n din ang isang tiyuhin niya na tila pareho silang nagmana sa kapangyarihan ng kanilang lolo.
Kung HERO man siya o hindi, ang makapagsasabi na lamang ay 'yung mga taong natulungan at napayuhan na niya. 'Yung mga taong nagbago ang mga buhay dahil sa mga bagay na ginawa niya sa mga ito. Isa na dito ang BLOGGER na nagsulat ng artikulong ito.
"Nu'ng bata ako, puro spirits lang na dumadaan ang nakikita ko", sabi pa ni Zernan. "Puro mga visions lang at hindi sila nagtatagal. Pero lately, karamihan sa mga spirits na iyon, nagpapakilala na sa akin. At iba na 'yun. Nakakatakot na talaga. Pero kaya ko naman.
"I promised to my lolo na gagamitin ko sa kabutihan ang special powers ko", dagdag na sabi ni Zernan. "Hindi ko ito gagamitin sa masamang paraan. Iyan ang kasunduan namin ng lolo ko."
Taga- Marinduque ang mga Mataya, ang apelyido ni Zernan. May mga pagkakataon noon, 'yung mga wild birds, hindi na umaalis sa tabi niya. At kung anu-ano pang mga signs and visions.
"Kaya nu'ng lumaki ako, I researched a lot about this paranormal talent and great psychic abilities of mine", sabi muli ni Zernan. "Kasi, dumating na sa point na hindi nila ako pinatutulog sa gabi. Naging makukulit na sila.Na-experience ko na rin na napagalaw ko ang isang pendulum at automatic writing- yung nagsusulat ako na hindi ko naman kusang ginagalaw ang mga kamay ko. When one time, I tried na mapagalaw ang mga libro sa book shelf, that's the time na may sumapi sa aking espiritu... Pati po levitation, nagawa ko na rin."
Pero isang insidente sa buhay ni Zernan ang hinding-hindi niya malilimutan. Ito 'yung punto na NASAPIAN na siya ng isang kaluluwa.
(Hindi na lang po namin isusulat ng detalyado ang pangyayaring iyon sa buhay ni Zernan dahil baka pati ang writer na ito ay "bisitahin" pa nu'ng kaluluwang iyon. Pero talagang kinilabutan kami nu'ng ikuwento sa amin ni Zernan ang nakakatakot talagang ekspiriyensya na iyon--- rms.*)
Lahat na ay ginawa ni Zernan nuon para umalis sa kanya 'yung kaluluwa. Hanggang sa isang araw ay nagpunta na siya ng isang Katolikong simbahan, nagdasal ng taimtim- at nu'ng puntong isusubo na sa kanya nung Priest ang Holy Communion, that's the time na nadama niya ng husto na umalis na 'yung kaluluwa sa katawan niya.
"Biglang may naramdaman ako na parang umalis paitaas sa loob ng katawan at gumaan ng husto ang pakiramdam ko. Tuluyan nang umalis at that point 'yung sumapi sa katawan ko", kuwento ni Zernan.
Nadi-distinguish naman ni Zernan kung 'bad spirit" o 'good spirit' 'yung nagpapakita't nagpaparamdam sa kanya.
"Kapag good iyong spirit at angelic in nature, iba 'yung pakiramdam ko, parang mangiyak-ngiyak ako, tumatagos sa damdamin ko 'yung very beautiful emotions", dagdag na kuwento ni Zernan. "Pero kapag masama 'yung spirit, ang sama rin ng pakiramdam ko! Para akong magkakasakit at nagsusuka ako! Mabigat sa pakiramdam."
zernan by the beach |
zernan in an acting job as a Priest |
zernan in cnn philippines |
Sadya nga sigurong may mga taong inilaan ng Diyos Na Maykapal para sa mga bagay na tulad nito dahil alam ng Nasa Itaas na kakayanin 'yun ni Zernan. Napakarami nang karanasan and encounters ni Zernan sa Paranormal World, at ang maganda pa kay Zernan, pinag-aralan din niya ng maige ang mga bagay-bagay ukol sa Paranormal. Kaya scientific din ang approach niya at hindi basta hula-hula lang o bola-bola. Isang grupo sila ng mga tao na ang layunin ay makatulong lamang at makapag-payo sa mga taong nangangailangan ng advices ukol sa Paranormal Life.
Ang kaibahan pa kay Zernan, bukod sa pagiging Scientific niya, siya din ang Psychic na may PUSO. Naobserbahan ito nu'ng blogger nang minsan silang magkaroon ng isang "coffee-bonding" session...
Nu'ng minsang ngang mag-guest si Zernan sa CNN Philippines nu'ng nagdaang Undas, napakaganda ng mga naging sagot niya, and very accurate in nature. Duon pa niya mas higit na napahanga ang mga taong nakakakilala na sa kanya.
Ang blogger na ito (ako po iyon, si Robert Silverio---*) ay nag-a-attest na napakalaki ng naitulong ni Zernan upang mabiyak ang isang "never-ending cycle" ng buhay niya. Kung ano man ang ginawa ni Zernan para ma-break iyon ay tanging SIYA LAMANG ang nakakaalam.
Maraming salamat sa iyo, Zernan. maraming-maraming salamat!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS COURTESY OF MR. ZERNAN MATAYA
(PAHABOL: Si Zernan Mataya po ay naging isang indie film actor din at may background din sa teatro. Maraming salamat po).*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento