blogger robert embracing a cute Aeta boy |
Bihira mo lamang makikita ang tunay na LARAWAN ng buhay. Hindi 'yung larawang naipinta at naging gano'n dahil sa kagagawan ng mga tao. Kundi 'yung larawang NATURAL, kaparte ng kalikasan. Kabahagi ng malilinis na ilog at kulay-berdeng mga bulubundukin...
Salamat kay Mr. Armando C. Giron, ang Chairman ng Nueva Ecija's Council for History, Culture & the Arts, dahil nasaksihan ng isang blogger sa personal ang NATURAL NA LARAWAN NG BUHAY.
Ang natural na mga Aetas (much better termed as Native Filipinos) sa mga bulubundukin ng Sierra Madre sa side ng Bongabon, Nueva Ecija.
Sa isang pamamasyal, nakita ng blogger ang napaka-simpleng buhay ng mga Native Filipinos doon and how they adapt with nature. Napaka-tahimik, napaka-simple. Nandu'n lang ang mga Native Filipinos at nagtatanim sa paligid. Ang mga maliliit na bata'y naglalaro lang sa paligid, ang mga binatilyo't dalagitang babae naman ay tumutulong sa kani-kanilang mga magulang pagdating sa mga gawaing-bahay. Ang mga malalaki na, hayun at nangangahoy sa may bundok o kaya nama'y nagtatanim ng mga gulay.
Sila ang mga Aetas, kapatid natin. Mga mapagkumbabang tao, pero mararangal, at may malilinis na puso. Ibang-iba sa mga tao sa Maynila na kailangan pang mantapak ng kapwa-tao nila para lang mabuhay.
Hanggang sa makilala namin 'yung little Aeta boy na napaka-cute. Anak ng isang manggagawa ni Sir Armando. Sumama pa 'yung little Aeta boy sa pamamasyal namin sa kaloob-looban ng Sierra Madre mountains.
"Now you see that wealth is not equally distributed sa mundong ginagalawan natin, Robert", sabi pa ni Mr. Armando Giron. "Look at them, how poor they are. Pero masaya naman sila."
Sumagot naman ang blogger kay Mr. Giron ng ganito: "I do not think that these Aetas are poor, sir Armando. I guess, mas okey na gamitin ang term o salitang SIMPLE. Napaka-simple po ng pamumuhay nila. Mamitas lang sila ng mga gulay at prutas sa paligid, mabubuhay na po sila. Hindi tulad sa Maynila, 'yung iba, papatay pa ng tao para lang makakain."
At habang umiikot ang Pick-Up truck ni Mr. Armando Giron sa kaloob-looban ng Sierra Madre mountains, tinignan ng blogger ang mga mata nung little Aeta Boy na kasama nila sa loob ng sasakyan.
Nasa mga mata nu'ng little Aeta boy ang pagasa ng buhay. Ang paghihikayat na muling magbalik sa NATURAL NA BUHAY, sa berdeng kapaligiran, sa lupang kulay-brown- sa pagiging isang tunay na Pilipino....
Magpasa-walang hanggan.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
the sierra madre mountains |
mr. armando giron (chairman of nueva ecija's council for history, culture and the arts) with blogger robert in barangay labi river inside the sierra madre mountaiuns |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento