ms. nancy sipat and son karl sipat: "karl's talents are God-given" |
karl: looking deeper |
karl smiles |
karl on radio program "sama-sama, salo-salo" of tessie lagman at dwdd radio station |
karl, mom nancy and a baby relative |
karl with his mom and aunt |
karl holds his little guitar |
corazon garcia, nancy sipat, blogger robert and tessie lagman |
ms. nancy sipat and blogger robert: friends forever |
Balitang-balita ngayon ang pagbabalik ng "F-4". Ibinalita na sa isang news program ng channel 2 na may remake ang naging number TV hit series nuon na Meteor Garden, which launched the career of F-4 at naging trend-setters sila sa musika, fashion at Asian telenovelas.
Pero hindi ba ninyo alam, may mga naging 'F-4' babies nu'ng height ng kasikatan ng mga ito? At isa na nga rito si Karl Sipat, na miyembro ng 4-S Pamilya ni Tessie Lagman sa programang Sama-Sama, Salo-Salo every Sundays 11 a.m. to 1 p.m. sa DWDD radio station.
"Since birth, musically-inclined na si Karl", pagkukuwento ng butihing ina ni Karl na si Nancy Sipat. "And when he was already 3 years old, he could already sing the songs of the famous F-4 members ng hit teleserye nuong Meteor Garden. Ganu'n katindi ang love for music ni Karl."
Hindi kaya nasa sinapupunan pa lang ni Ms. Nancy Sipat ang anak niyang si Karl, eh, panay na ang kanta niya dito ng mga kanta ng F-4?
"Hahaha", sabay napatawang tugon ni Nancy Sipat. "Naging fan din ako ng F-4, pero I guess, hindi iyon ang dahilan kung bakit talagang inborn ang pagiging musically-inclined ni Karl. God-given na talaga siguro ang talents niya for music.
"At age nine years old, Karl could play na the piano, then later on, the guitars. From electric guitar, he shifted to accoustic guitars. Ganun, until he reached the age of ten, he continued on singing and playing those intsruments.
"Pero nagkaroon ng 3-year gap", dugtong ni Nancy. "From 10 years old to 13 years old, medyo natigil si Karl sa music. Bumalik muli ang hilig niya sa Musika nu'ng 13 years old na siya. And from there, panay na ang upload niya sa Youtube.Com ng mga covers niya sa mga rap songs, pop songs, even classical songs. Kaya ngayon, he gained many followers na."
After that, na-involved na ang mag-inang sina Nancy at Karl sa Parish Church nila sa Novaliches. Naging miyembro ng choir doon si Karl- ang pangalan ng choir group nila ay Dakilang Pastol.
"Five years ding naging member si Karl ng choir namin sa church. At doon naman namin na-meet si Dolly Favorito Cruz na isa sa mga original members ng 4-S Pamilya ni Tessie Lagman. It was Tita Dolly who introduced us to Tita Tessie.
"And then, after two Sundays of Karl's guesting sa radio program ni Tita Tessie, ay pinabalik na niya kami ng pinabalik doon. And hayun, Karl became one of the Millenial young members ng 4-S Pamilya."
Sa kantang Despacito song-cover ni Karl unang na-impress si Tessie Lagman kay Karl, ayon pa kay Ms. Sipat.
"Nagustuhan po ni Tita Tessie 'yung pag-awit ni Karl ng kantang Despacito", anya pa. "At mula din noon, madalas na rin kaming isama ni Tita Tessie sa mga events at concerts ng 4-S Pamilya."
Nu'ng makausap naman namin si Karl kung ano ang image na gusto niya as a singer, narito ang sagot ni Karl sa amin:
"I want to become a versatile singer po", sagot ni Karl. "I can sing Ballad, Jazz, Pop, Kundiman songs, and the rest. I don't limit myself to one brand of music. I feel more satisfied to be versatile."
Ang favorite singer naman ni Karl ay si Ed Sheeran. And why?
"He is very creative and sentimental kasi", sagot ni Karl. "I love his kind of music, too."
Sa totoo lang, pinaiyak ni Karl ang isang blogger ng awitin nito sa radio program na Sama-Sama, Salo-Salo ang kantang Wag Ka Nang Umiyak na theme song ng TV teleseryeng Ang Probinsyano. Paki-explain nga, Karl?
"'Yung mindset ko kasi, nung inawit ko ang kantang 'yun, ang mindset ko ay todo-todo talaga", pagwawakas na wika ni Karl. "Kaya lumabas po na bigay na bigay ako habang inaawit ko yung kanta. Salamat naman po at nagustuhan ninyo."
More power to you, Ms. Nancy Sipat at Karl Sipat. Tinitiyak namin, malayo ang mararating ni Karl!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento