LIMANG KATANUNGAN PARA KAY XANDER PINEDA...

xander: may dedikasyon sa teatro

xander: miyembro din ng bratboys

xander: slim and sexy

xander: masaya sa teatro



1.) XANDER, PAKI-DESCRIBE NGA ANG NAGING EXPERIENCE MO AS ONE OF THE CAST ENSEMBLE NG STAGE PLAY NA "TSINOY"?

XANDER: "Ang naging experience ko sa binondo a tsinoy musical ay sobrang napakaganda at napakasaya! Dahil panibagong musikal nanaman ang aking nagawa kasama ang mga magagaling na artista  pagdating sa musika. Napakaganda dahil makukulay ang ginamit nilang mga  ilaw at nakadaming mga props na kung saan nakaayon sa isang lugar dito sa maynila at ito ang binondo.. Napakasaya dahil nagkasamasama nanaman ang mga myemro ng maynila sa mga kuko ng liwanag the musical at meron din mga bagong mukha ang  nakilala. Syempre sa dereksyon parin ng napakahusay na si  Direk Joel Lamangan musika ni Sir Von Deguzman at sayaw ni Sir Douglas Nierras.."

2.) HOW WOULD YOU DESCRIBE WORKING WITH DIREK JOEL LAMANGAN, XANDER?

XANDER: "Si direk Joel Lamangan na siguro ang isa sa mga napakagaling, napakahusay at napaka dedikadong direktor na nakilala ko.. Napakagaling dahil napagtagumpayan niya nanaman nagawa ng maganda ang musikal na ito. Napakahusay dahil maraming tao ang napabilib niya dito at napakadedikadong tao dahil pagdating sa rehearsal rehearsal lang dapat.. Tapos si direk joel napaka kwela kung titignan mo siya parang walang mga problema.. Pero wag ka pag kumunot ang kilay niya dahil kailangan mo ng tumahimik at makinig sa mga sinasabi niya.. Basta ang natutunan ko kay direk  joel pag rehearse rehearse walang anumang dapat gawin kundi magrehearse lang pag rehearse"

3.) GAANO BA KAHIRAP MAGING ISANG THEATER ACTOR AND AT THE SAME TIME, MEMBER NG BRATBOYS?

XANDER: "Para sakin mahirap ang ginagawa ko pero kung masaya kanaman dito ipagpatuloy mo lang.. Mahirap ang isang theater actor dahil lahat ginagawa mo mapa kanta sayaw at pag arte.. Pero ako ang ginagawa ko iniisip ko na ito ang daan para mapagtagumpayan ko ang nais kong marating sa buhay.. Iniisip ko na isa ito sa mga workshop na kailangan na kailangan ko kaya gustong gusto ko sa theatro
 Sa pagiging member naman sa isang boyband na bratboys.. Hindi rin madali lalo na pag napagsabayan mo sila. Tulad ng nangyare sakin nung kasalukuyan na may rehearsal kami sa group at sa musical 1pm rehearsal sa group then 6pm rehearsal sa musical.. Nagagawa kong puntahan at makapagrehearse dahil i have a time management.. Yun Kase yung kailangan pagdating sa ganyan.. At naachieve ko naman ito.."

4.) KUMUSTA NAMAN ANG SAMAHAN NINYO SA BRATBOYS NGAYON, XANDER?

XANDER: "Okay naman ang samahan namin ng bratboys dahil kung hindi na okay ito buwag na ang group.. Siguro may mga bagay lang talaga na nagbago na dahil may ibat iba din kaming mga ginagawa. Pero pinapangako namin na kahit anong mangyayari nandyan parin ang bratboys at patuloy na magpapasaya sa mga tao.."

 5.) NGAYONG NA-EXPERIENCE MO NA ANG TEATRO, MAS UMIGTING PA ANG DEDIKASYON MO NGAYON SA MUNDO NG SINING?

XANDER: "Oo mas lalong umigting ang dedikasyon ko pagdating sa sining lalo na't ito ang gusto ko.. At mas lalo ko pang gagalingan para madaming tao ang makapansin sa kung ano ang meron ako.. Ang lahat ng ito ay inaalay ko sa aking pamilya at sa Panginoon Diyos" .



(questions by robert silverio and answers by mr. xander pineda)*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...