"si gerald ay maihahambing sa isang saranggola, at mula sa ibaba, siya'y patuloy nating hahawakan"- MELLANY ZAMBRANO of Media Biz Entertainment Productions

mellany: a very pretty concert producer

(from left to right: rommel ramilo, gerald santos, mellany zambrano and mr. nestor cuartero

(from left to right: mr. rommel ramilo, mr. ricky lo, mellany and gerald santos)


Gustong-gusto namin ang mga nilalang na may malawak at malalim na pananaw at pagtingin sa buhay. 'Yun bang tipong mga POETIC na tao, na nabibigyan ng mga kakaibang mga sari-saring kulay ang katotohanan at masalimuot na buhay at pagibig.

Kaya naman nu'ng minsang makapanayam namin si Ms. Mellany Zambrano ng Media Biz Entertainment Productions, ang producer ng homecoming concert ni Gerald entitled Gerald Santos: The Homecoming Concert, napahanga kami ng usto sa kanyang matalinhagang mga pananalita ukol kay Gerald Santos.

Heto po ang mga nasabi ni Ms. Zambrano ukol kay Gerald:

"Like everybody telling to someone he or she cares for, sana ay maabot pa ng husto ni Gerald ang kanyang mga pangarap", nasambit pa ni Mellany. "I just hope that Gerald Santos will stay grounded for years, I mean, his foot on the ground. Na patuloy pa ring nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa na siyang pinapakita pa rin niya ngayon sa madla. Naroon pa rin ang kanyang outmost humility sa pakikitungo sa mga tao. Hindi siya nagbago.
Isa pa, huwag sanang kalilimutan ni Gerald ang roots niya", pagpapatuloy na wika pa ni Ms. Mellany, na napakagandang producer para sa isang blogger. "Huwag sanang pumasok sa utak niya ang salitang 'success' na ikalalaki ng ulo niya. Si gerald ay maihahambing sa isang saranggola, at mula sa ibaba, patuloy natin siyang hahawakan at ang paglipad niya sa ere ay patuloy din nating masasaksihan."

Hindi na rin kasi iba ang turing ni Mellany kay Gerald, sa manager ni gerald at sa pamilya nito.

"I've seen Gerald grew-up since his Pinoy Pop Superstar days sa channel 7", pagpapatuloy na wika ni Mellany. "Hanggang sa umalis siya sa channel 7, nagsarili, gumawa ng mga concerts, plays and until mapunta siya sa Miss Saigon UK Tour cast as Thuy. Nabasa ko lahat ang nga good rave revies sa kanya sa Miss Saigon. Grabe. Bilang isang Pilipino rin, sobrang proud ako kay gerald!"

Dahil sa matagal na kaibigan ni Mellany sina Gerald (maski ang blogger na ito ay matagal na ring FB friend si Mellany), siya ang napaunlakan ng manager ni Gerald na si Mr. Rommel Ramilo na mag-produce ng Honecoming concert ni Gerald na gaganapin sa Solaire Theatre sa May 4, 2019, at ito ay pinamagatang Gerald Santos: The Homecoming Concert.

"And I am so happy na ako ang napili nilang mag-produce at ako ang naging priority nila", sabi pa ni Mellany. "Ang Media Biz Entertainment lang talaga dapat ang magpo-produce ng homecoming concert na ito, pero dahil kaibigan din namin si Mr. Mario Marcos, I agreed that he also came-in as part of the people producing the concert. Pero ang Media Biz ko talaga ang siyang main producer ng concert.

"Maraming bago na ipapakita si Gerald sa concert na ito", dugtong na wika ni Mellany. "So expect the unexpected. And the highlight of this concert is Gerald singing with other Pinoys na naging cast din sa Miss Saigon, like Leo Valdez and Aicelle Santos. He will be singing with them some original broadway songs."

Masaya rin si Mellany na magbabalik na siya ngayon sa kanyang FIRST LOVE, at ito ay ang pagpo-produce niya ng mga major concerts na siyang na-miss niya dahil na-busy siya sa mga corporate shows.

"That's why this homecoming concert of Gerald is so sentimental for me", pagtatapos na wika ni Mellany. "Dahil hndi lang sa kadahilanang si Gerald ang bida sa concert na ito, bale it will also rekindle my affair to concert producing. Sobrang na-miss ko. At mas masaya ako sa mundong ito."

May your tribe increase, Miss Mellany Zambrano.




(sinulat ni robert manuguid silverio)

mellany: a passion for concert producing



mellany: her close-up smile




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...