SI LANCE, ANG TANGHALANG STA. ANA, ANG CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES, AT SI HESUS...

LANCE RAYMUNDO AS JESUS CHRIST IN " MARTIR SA GOLGOTA"




Ang lahat ng mga nagaganap sa mundong ito ay may mga kadahilanang tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam. Mga bagay-bagay na mahiwaga. Mga pagsasama-sama, at pagsasanib-puwersang sadyang kahanga-hanga. Mga dedikasyon ng mga tao at ng mga espirituwal na bagay na tunay namang nakakamangha.

Dahil sa mundong ito, hindi lamang ang kislap ng salapi at sarap ng tinapay ang mahalaga. Sa mundong ito, may higit pa roon.

Marahil, iyon ang mga bagay na hindi mo nakikita, pero tunay na nadarama. Mga bagay na mas malalim, mas mahiwaga, mas may saysay.

Isang lugar na tahanan ng mga maka-sining na tao, isang grupo ng mga artistikong nilalang sa Maynila, isang aktor na singer din na nakaranas ng kakaibang kahulugan sa buhay, at isang anak ng Diyos.

Nagsama-sama para sa isang "common cause". Ang mas palaganapin pa ang pagmamahal na ibinigay ni Hesus para sa lahat, Sa isang mas artistikong presentasyon at mas lehitimong tahanan ng pagtatanghal.

SI LANCE RAYMUNDO.

ANG TANGHALANG STA. ANA.

ANG CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES.

AT,

SI HESUS.


******************   ***************  ****************


It's like a MERGING of great souls, spirits and places. Na ang dedikasyon at sinseridad ay damang-dama mo. Ipakikita nilang lahat ang kani-kanilang tingkad, kaganapan, kagandahan, at pagmamahal. Ilalahad ang buhay ni Kristo, ang mga mensahe, ang mga leksyon at turo sa pinaka-artistikong venue at tahanan ng mga maka-sining na tao- ang CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES, sa mismong Sabado de Glorya pa magaganap iyon.

Isang Senakulo na mula sa mga modernong tao ng Maynila, isang lugar na makaluma na Sta. Ana, pinaghalo man ang komersyalismo at pagiging natural ng mga taga-Maynila- ang PUSO naman ay tunay na madarama. At, ang dedikasyon sa kani-kanilang mga gawain. Mula sa TANGHALANG STA. ANA.

SI LANCE RAYMUNDO. Nakaranas ng mga divine interventions and healings nu'ng siya ay magkaroon ng aksidente mga ilang taon na ang nakakaraan. Nabasag ng malaking barbell ang mukha niya. At himalang nakaligtas siya. Sa kanyang pakikipaglaban sa buhay at kamatayan, nakita niya ang tunay na kahulugan ng buhay. Nadama niya ng buong-buo si Kristo.

Oo, si KRISTO. Ang buhay ni Kristo ay buhay din nating lahat. Dahil sa mundong ito, ang buhay nating lahat ay hiram lamang, Alam na nga nating mahal na mahal tayo ni Kristo, pero tayo'y nagmamalaki pa rin sa Kanya. Ang lahat ng kanyang naging mga paghihirap, muli nating damhin, masakit man, pero kayanin natin. Sa darating na Holy Week.


************   *****************   ****************


"Ginagawa ko ito hindi dahil sa karera ko, kundi dahil sa mga personal at espirituwal na kadahilanan", nawika ni Lance. "Ang pagganap na Kristo ay inilalaan ko sa mas malalim na mga kahulugan ng aking buhay. Ito'y isang sinserong dedikasyon. Tumatagos mula sa puso ko."

Sa pagwawakas, tila may sinasabi nga ang kalangitan. Tila iginuguhit ng Diyos ang lahat ng mga kaganapan. Parang may Direktor, manunulat at prodyuser na bumuo sa isang natatanging presentasyon.

Ang MARTIR SA GOLGOTA, mapapanood sa Cultural Center of the Philippines, mula sa Tanghalang Sta. Ana, pagbibidahan ni Lance Raymundo bilang Kristo.

Tara na.

Manood tayo.


Damhin nating lahat ang pagmamahal na ibinigay Niya-



sa kaibuturan ng ating mga puso

at,



HABAMBUHAY.





(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS, COURTESY OF MR. WILSON FERNANDEZ, LANCE RAYMUNDO AT TANGHALANG STA. ANA FB PAGE.**

"ANG MARTIR SA GOLGOTA"
• Tanghalang Sta. Ana’s Pearl Anniversary Presentation •

Directed by Lou Veloso

April 2019 :

• April 13 - Cultural Center of the Philippines (Matinee & Gala 12 noon and 7 p.m. : Tickets Available beginning this date - P800.00 @ - Visit Tanghalang Sta Ana FB Page for more information)

• April 15 - Tarlac : 7pm Free Admission

• April 17 - Plaza Hugo Sta. Ana : 7pm Free Admission
• April 19 - Concert at the Park, Luneta : Free Admission
• April 20 - Greenfield District : 7pm Free Admission




THE THEATER ACTORS OF TANGHALANG STA. ANA

THE CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...