LANCE RAYMUNDO, IPIPINTA NG NUDE SKETCH NG DAKILANG PINTOR NA SI POPOY CUSI....

lance raymundo, robert silverio, popoy cusi (photo by: ms. beni saunders)


ms. nora aunor with popoy cusi

lance raymundo

lance raymundo with robert silverio (photo by: ms. beni saunders)

ms. marie cusi with cousin rafael "popoy" cusi

Nagkita't nagkausap ang actor-singer na sina Lance Raymundo at ang dakilang pintor na si Rafael 'Popoy' Cusi sa naganap na TEAM (the Entertainment Arts Media) concert sa Historia bar last May 5. Maski sa maikling sandali ay nakapag-bonding ang dalawang nilalang na mahilig sa mga artistikong bagay. Ito ay dahil sa "intercession" ng isang common friend nilang isa ring blogger.

Noon pa gustong makipag-meeting ni Lance sa dakilang pintor na si Popoy Cusi at balak ni Lance na isama sa meeting na iyon ang Art Dealer ng yumao niyang ama na si Danilo H. Raymundo na mahilig talaga sa mga paintings. Balak ituloy ni Lance ang legacy ng ama niya, kaya through Popoy Cusi, na alam niyang kilala sa buong mundo bilang isang dakilang Pintor at tinaguriang Watercolor Master of the Philippines, balak ni Lance na mas maging malalim pa ang partisipasyon niya sa mundo ng Sining. At alam niya, tiyak na matutuwa naman ang kanyang ina na si Mrs. Nina Zaldua-Raymundo.

"Minsan, mag-session din tayo, Lance", pang-iimbita pa ni Popoy Cusi kay Lance. "Gusto kitang i-sketch. Nakaka-challenge na ipinta kita."

Sumabat naman ang isang blogger na kaibigan nina Lance at Popoy ng ganito: "Gusto ko, nude sketch. Para manonood ako!"

Hahahaha. Hindi naka-imik pareho sina Lance at Kuya Popoy. Natawa na lang ang kaibigan ni Kuya Popoy na si Ivan Irinco sa nasabi nu'ng blogger.

Anyway, ang collaboration na ito na magaganap soon nina Lance at Popoy ay isang ka-abang-abang na pangyayari sa mundo ng sining. Feeling namin, maraming proyektong gagawin ang dalawa at hindi na muna namin sasabihin ito.

The model and the artist.

The actor-singer and the painter.

What a nice partnership, indeed!

SOON.






(sinulat ni robert manuguid silverio)
photos by: ms. beni saunders, ms. marie cusi, mr. lance raymundo & mr. popoy cusi & ivan irinco***

lance raymundo

popoy cusi with friends

ms. marie cusi, popoy cusi and robert slverio

lance raymundo


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...