"ANG PAGPINTA NG PAGTATANIM NG PALAY SA BUKID AY HINDI DAPAT NAKASUOT NG SPANISH GOWN!"--- POPOY CUSI


MASTER WATERCOLOR PAINTER RAFAEL "POPOY" CUSI GIVES A SERMON TO YOUNG PAINTERS


POPOY CUSI WITH COUSIN MARIE CUSI (in eyeglasses) and a friend

popoy cusi with German nationals and other friends at the exhibit

tribal music at popoy cusi's exhibit, shown here with tribal musicians

foreign nationals at master popoy's exhibit at the German Club

popoy cusi explains the meaning of his painting to a German national





popo cusi with German and foreign nationals, friends, visitors and other younger painters at the exhibit





Sa isang ginanap na exhibit ng Master Watercolor Painter na si Popoy Cusi sa German Club of the Philippines (na pinamagatang "Grains of Life") more than a month ago, may isang nagtanong sa Open Forum na ginanap pagkatapos ng opening ng exhibit kung bakit daw makaluma pa rin ang estilo ni Sir Popoy sa pagpinta ng mga taong nagtatanim sa bukid. Lumang approach na daw 'yung ipakitang reyalismo na mga nakasuot-mahirap ang mga Pilipinong nagtatanim. Sa puntong iyon, na-highblood ng husto si Sir Popoy at nag-deliver siya ng isang napakahabang Sermon sa lahat ng mga young student painters na dumalo sa kanyang exhbit. Heto ang mga sinabi ni Sir Popoy:

"Dapat lang na ipinta ko ang dapat at ang makatotohanan!", bulalas na sabi ni Sir Popoy. "Ang mga ipininta nina Amorsolo at Juan Luna na naka-baro't-saya ang mga nagtatanim sa bukid o kaya naman, nakasuot ng damit Kastila ay sadyang mali!

"Kay init-init dito sa Pilipinas, eh, magsusuot ka ng baro't saya habang nagtatanim, kung hindi ka ba namang hunghang! Maganda ngang tignan sa larawan, pero mali pa rin iyon. Bibubulag mo lang ang mga tao. Ngayon, iyan namang si Juan Luna, ginawang mga Kastila ang nagtatanim sa bukid. Mga nakasuot Espanyol na makakapal at mahahabang damit habang nagtatanim! Hindi ba malaking kagaguhan iyan?

"Ang ipinipinta ko lamang ay ang katotohanan", dugtong na sabi ni Sir Popoy. "Because Art imitates Life. How can you imitate the beauty of life kung ang gagawin mong larawan ay hindi makatotohanan? Ang katotohanan, kapag nagtatanim ka sa bukid, ang suot mo ay suot-mahirap lang dapat. Dahil napakainit sa Pilipinas at dapat naka-working clothes ka lamang habang nagtatanim. Tayo'y mga Pilipino. Hindi tayo mga Kastila o kaya, mga Amerikano. Tayong mga Pilipino, mapagkumbaba. Nagtatrabaho tayo ayon sa klima at panahon.

"Tapos na ang age of Romanticism na naging period noon nina Amorsolo at Juan Luna", anya pa. "Ang panahon ngayon ay panahon na ng Realismo. Binibigyan ko lamang ng buhay ang bersyon o series ko sa Grains of Life na exhibit ko. Ang ipinakita ko ay mga tunay na Pilipino!"

Nanahimik ang lahat ng mga nakarinig sa mahabang Speech o Sermon ni Master Popoy Cusi para sa mga kabataang naroon sa exhibit. Pinalakpakan siya ng husto sa naging Speech niya. Naglapitan sa kanya ang lahat ng mga kabataang Pintor na naroon at inakap siya ng mahigpit ng mga ito.

Lalo ding humanga sa kanya ang mga German nationals at foreigners na nagsipagdaluhan din sa nabanggit na exhibit. Dahil hindi ikinahiya ni Master Popoy ang pagka-Pilipino niya. Kaya hayan, nasundan pa ngayon ng isa pang exhibit si Master Popoy sa German Club na pinamagatan naman ngayong "Art In Community Identity". Ongoing na ang nasabing exhibit sa buong buwan ng Setyembre sa German Club. Tara na kayo, tignan ninyo ang mga likha ng isang World-Class Pinoy painter na pinuri ng lubos at hinangaan din sa ibang bansa. Malapit na ngang ipasok sa pagiging National Artist si Sir Popoy. Mabuhay!!!



SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO

MGA LARAWAN, KUHA NI MR. MARK NILO ODIAMAN
mr. mark nilo odiaman, photographer


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...