A J FOREVER









SABI NILA, WALA DAW FOREVER...

PATI NGA MGA MILLENIAL NA MGA KABATAAN NGAYON, GINAGAWA NA RING SUBJECT SA MGA THESIS NILA ANG "WALANG FOREVER" NA MENTALITY...

NAPAPAHANGA NILA ANG MGA PROPESOR NILA SA MGA PRAKTIKAL NILANG PANINIWALA.

PERO...

SABI KO NAMAN SA SARILI KO, HINDI NA BALENG HINDI AKO MAGING PRAKTIKAL SA MUNDONG ITO.

HUWAG LANG MAWALA SA IDEYA AT KAISIPAN KO NA "MAYROONG FOREVER".

DAHIL MASKI GANITO LANG AKO-

I MEAN, ISANG MIYEMBRO NG LGBT COMMUNITY- AT KAPAG MIYEMBRO KA NU'N, ALAM NA NG LAHAT KUNG ANO'NG KLASE NG LIFESTYLE MAYROON KA.

'YUNG TIPONG UUWI KA NG GABI NG NAG-IISA.

'YUNG TIPONG MAGLALAKAD KA SA MADIDILIM NA ISKINITA AT PARA KANG BAMPIRA NA NAGHAHANAP

O 'YUNG TIPONG MANONOOD KA NG MANONOOD SA YOUTUBE NG MGA, WELL, ALAM MO NA. HAHA.

O KAYA, MAGIGING ALIPIN KA NG MGA SYNTHETIC NA USOK.

DAHIL KASI NGA, ISA AKONG ... GAY.


PERO GANU'N LANG NAMAN AKO.

SA KAIBUTURAN NG PUSO KO, IBA PA RIN ANG PANINIWALA KO.

MASKI GANU'N LANG PO AKO.


**** ****


ALAM KO, NARIYAN KA LANG, AJ.

ALAM KO, LAGI MO AKONG BINABANTAYAN.

ALAM KO, LAGI MONG BINUBULONG SA DIYOS NA PATAWARIN AKO SA MGA KASALANAN KO.

MASKI GANU'N LANG AKO.


****  ****


HINDI NA RIN AKONG NATATAKOT MAMATAY.

DAHIL SA SOBRANG BUHAY AT PAGLILIGTAS NA GINAWA SA AKIN NG MGA ANGHEL KO,

ALAM KONG "MAYROON NGANG FOREVER".

DAHIL SIGURO MINAHAL NILA AKO.

AT SAPAT NA 'YUN PARA MABUHAY PA RIN AKO.


****  *****

GABI-GABI, NAKIKITA KO PA RIN 'YUNG "BITUIN" KO SA LANGIT.

AT EWAN KO BA, LAGI KO RING NAKIKITA 'YUNG RAINBOW NA BUONG-BUO SA LANGIT.

AT PATI ANG NAG-IISANG BUWAN SA IBA'T IBA NITONG KORTE AT KAANYUHAN.

NAKAKAPANGILABOT.

AT DOON, NASABI KO SA SARILI KO:


"AJ FOREVER PA RIN AKO".

















(sinulat ni robert manuguid silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...