young El Maestro (Elwood Perez) |
'EL MAESTRO" |
El Maestro's film credentials are breath-taking! |
El Maestro: The orginal "Bad Boy" |
Siya ang original na TRENDSETTER sa history of Filipino movies...
Binago niya ang mga rules, konsepto, mga patakaran, at imahen ng Philippine Cinema.
Kung wala siya, hindi siguro nakapag-TRANSFORM ang kaurian ng mga pelikula dito sa ating bansa.
Kung tutuusin nga, siya ang unang nabansagang "Bad Boy" ng Philippine Cinema...
Kasi, pawang mga SHOCKING at SCANDALOUS ang mga unang pelikulang ginawa niya. Sobrang BAD, ika nga.
Just take a look sa FILMOGRAPHY niya sa IMDb.Com. Mapapamangha ka sa tindi at bigat ng kanyang credentials as a Film Maker.
Kung Millenial ka, dapat mong malaman at ma-research ang malalaking naging kontribusyon ng taong ito sa history ng Philippine Movies.
SIYA AY WALANG IBA KUNDI SI "EL MAESTRO"!
A.k.a. Elwood Perez.
The last living MASTER of Philippine Cinema (opinyon lang po namin ito, walang dapat mag-contest, ha!)
Dahil sa kategorya ng edad at level as a Film Maker- kahanay ni El Maestro ang mga yumao nang sina Maryo J. delos Reyes, Marilou Diaz-Abaya, Celso Ad Castillo, Gil Portes, Lino Brocka, Ishamehl Bernal, Eddie Romero at Gerry de Leon.
Opo, si El Maestro na lamang ang natitira. At pasensya na po sa ibang pasable rin sana sa pagiging MASTER. Pero para sa amin, kulang pa ang MAGNITUDE of POWER nila as a Film Maker para masabi naming Master sila. Samantalang si EL MAESTRO, buong-buo at kumpleto! Opinyon po namin ito at pasintabi lang sa iba pang buhay na "Masters" din ng Film Making. Hihihihiiii....
Anyway, heto ang aming OWN CHOICES OF EL MAESTRO's MOST BEAUTIFUL FILMS.
Sana, ma-restore pa ng ABS-CBN Film Restoration Group (headed by Mr. Carlo Katigbak, with Ms. Meliza Oca as among the staff and Mr. Eric JohnSalut as Publicist) of people ang mga klasikong pelikula ni EL MAESTRO. Kasi, alam naming kakagatin pa rin ng mga Millenials of today ang mga pelikulang 'yun na nagawa na niya. He is way ahead of his time kasi.
Enjoy and cherish El Maestro's most beautiful films sa aming panlasa! List below:
1.) LOLLIPOS AND ROSES AT BURONG TALANGKA- Sa telebisyon namin unang napanood ito. Sa Amerika ang setting. Pinagbidahan nina Ms. Nora Aunor at Cocoy Laurel. Ukol sa isang babaeng witness sa isang crime sa Amerika. Maski highly-suspenseful ang film, naisingit pa rin ni El Maestro ang "romanticism" aspect sa pelikula at ang Filipino identity sa Amerika. Our number one most beautiful film of El Maestro!
2.) BILANGIN ANG MGA BITUIN SA LANGIT- Isang modern-day film classic na puwede mong ihambing sa "Gone With The Wind". An epic tale of love, hate and redemption. Napakagaling ni Nora Aunor sa pelikulang ito!!!
3.) ANG TOTOONG BUHAY NI PACITA M. - A highly-dramatic film na muling naipakita ni El Maestro ang versatility niya as a film maker. Kakaibang estilo o formula ang atake niya sa pelikulang ito na hindi komersyal ang tema kundi tipong pang-"indie film" lang.
4.) TILL WE MEET AGAIN- Ito ang balik-tambalan ng Guy & Pip tandem na kinasabikan ng marami nilang mga fans. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta naging "fan-based" ang pelikula, kasi isang klasikong pelikula na naman ang nabuo at nagawa ni El Maestro.
5.) MASIKIP, MALUWANG, PARAISONG PARISUKAT- Saan ka ba naman nakakita ng isang sex film na pinuri, pinalakpakan, sinamba at naging isang FILM CLASSIC din? Na tanging ang alindog lamang ng napakagandang batang Alma Moreno ang selling point o naging bentahe ng pelikula? Pero tunay namang naging "gem of a film" ang pelikulang ito!
6.) ZOOM, ZOOM SUPERMAN!- Ito ang unang fantasy film na nagustuhan talaga namin nu'ng bata pa kami. At unang Pinoy fantasy film din na ALL STAR CAST. Dito namin unang nakita ang "complex of styles" ni El Maestro bilang isang dakilang alagad ng Sining. Si Ariel Ureta ang gumanap na Superman dito, imagine that? Ibang klase talaga ang utak ni El Maestro.
7.) MIRACLE OF LOVE- Tatlong bese naming inulit-ulit panoorin ang pelikulang ito nu'ng nagbibinata pa kami. Na-capture ni Elwood Perez ang very virginal beauty and character dito ni Snooky Serna. Isa itong Love Triangle film at na-introduce dito si Roxanne Abad Santos na isang real-life Cancer victim. Punong-puno ng rhythm and style ang pelikulang ito. Very cinematic din.
8.) SILIP- The biggest trend-setting film of all time in El Maestro!
9.) SHAME- Nakuha ni El Maestro ang pagka-DARK ng concept ng pelikulang ito na pinagbidahan ni Claudia Zobel.
10.) I CAN'T STOP LOVING YOU- Ito ang commercial film na atake ni El Maestro na nagustuhan naming talaga. Bravo!
************** ************** **************
So there. Sa panahon ngayon ng Covid-19 Pandemic, tunay namang kay sarap magmuni-muni. Kay sarap gunitain ng magagandang pelikulang napanood na namin.
Salamat, EL MAESTRO, for bringing those beautiful films back to our memories.
Mabuhay ka, EL MAESTRO!!!!
(as compiled and written by robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento