janah and her ALIW award |
janah: professional |
Napaka-supportive ni Janah Zaplan, kasama na ang guwapo niyang ama na si Dencie Zaplan, sa mga miyembro ng Entertainment Press. Kasi, sa tuwing may mga special projects ang entertainment press, isa si Janah sa madaling maimbita o mag-participate sa mga projects na iyon like concerts, mall shows, out-of-town shows and the likes. Maski sa mga espesyal na okasyon rin ng mga movie press people, hindi ka iisnabin ni Janah at lagi siyang naka-suporta talaga.
Tulad nuong nagkaroon ng Christmas Party last year ang T.E.A.M. (The Entertainment Arts & Media) press group last year sa Music 21 Plaza, isa si Janah sa mga female singers na nagpaunlak ng isang libreng awitin para mapasaya ang mga members ng TEAM. Nagpa-raffle pa si Janah at ang dad Dencie niya ng mga bonggang raffle prizes. Napaka-koboy kasi nilang mag-ama, napaka-natural, at napakabait. Kaya naman talagang mahal na mahal ng Entertainment Press si Janah.
Ngayong mukhang magtatagal pa ang ECQ o ang mga epekto ng Covid-19 Pandemic sa Pilipinas, isa si Janah sa mga nanalangin na sana'y tuluyan nang masugpo ang nabanggit na health cris.
"May mga concerts, and other projects pa na nabinbin at hindi ko po nagawa dahil sa Covid-19 Pandemic", nasabi ni Janah sa isang blogger. "Singing kasi is really my passion. At saka po, I miss schooling din, parang ang tagal ng naging bakasyon ko. Kaya right now, naghahanda na ako as of this early, sa August 24 start of schooling. At hindi ko rin naman nalilimutan ang magpraktis ng mga kanta ko palagi. Alam ko kasing kapag um-okey na ang lahat, kaliwa't kanan muli ang mga magiging singing engagements ko."
May inihahanda na ring bagong recording single si Janah (marami-rami na rin ang mga nagawa niyang recording singles), at isa pang major concert sana sa pagtatapos ng 2020. Kung hindi man sila matuloy this year, rest assured, by 2021 ay tiyak na gagawin ni Janah ang lahat ng mga iyon. Isa kasing nagustuhan ng mga movie press people kay Janah ay ang pagiging professional nito bilang isang artist.
"Isa po iyon sa mga natutunan ko sa father kong si Mr. Dencie Zaplan", sey pa ni Janah. "Dapat daw ay maging professional ako. Kapag may commitment ako, dapat gawin ko. Kapag may nasabi ako, dapat panindigan ko."
Ipinagdarasal ngayon ni Janah ang mga kababayan niyang Pilipino na masyadong naapektuhan ng Covid-19.
"I always include them in my prayers", pagtatapos na wika ni Janah. "I ask God to find a cure for the sickness. And I do have faith na matatapos din ang krisis na ito sa lalong madaling panahon."
Aabangan din namin ang pag-iibayo ng pagka-ningning mo bilang isang bituin at singer, Janah.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento