DIREK JOSE JEFFREY CAMANAG, NAIINTRIGA DAHIL SA FRIENDSHIP NIYA SA ISANG BLOGGER...

direk jeffrey: iniintriga dahil sa isang blogger

direk jeff: sincere
direk jeff in an empty cinema house
direk jeff: more projects after the covid-19 pandemic
direk jeff with his closest friends in the theater world

Gusto lang naming ipagtanggol si direk Jose Jeffrey Camanag sa mga taong lumalayo ngayon sa kanya dahil sa friendship niya sa isang blogger. First of all, wala namang kinalaman si direk Jeffrey sa mga tampo ng ilang tao na iyon sa isang blogger, heto ngayon at nadadamay siya dahil panay ang sulat sa kanya nu'ng blogger na iyon, at iniisip ng ilan, nakiki-kampi na si direk Jeffrey sa blogger na iyon.

MALI PO.

Kung panay man ang sulat ng isang blogger kay direk Jeffrey, ito ay dahil tunay namang nagagalingan ang blogger sa mahusay na talento ni direk Jeffrey sa pagdidirek. At 'yung last nga ay 'yung ukol sa sinulat niya sa TAGUAN, isang quickie musical mula sa Artist Playground Theatrix (or better known as Artist Playground).

Karamihan naman kasi sa mga taga-showbiz ngayon ay hindi na ganu'n ka-objective sa mga criticisms sa kanila. May napuna lang 'yung isang blogger na mali sa make-up ng isang play na ukol sa Philippine History, masyado na siyang pinersonal at sobrang nagtampo na sa kanya ang ilang mga taga-Teatro na miyembro ng dula na iyon. Samantalang objective lang naman 'yung criticism na iyon na nanggaling din sa ibang kapwa-blogger niya na nakapuna nu'ng mali.

Hayan na, nag-kampanya na 'yung mga taong involved sa play na iyon ng laban sa isang blogger. At dinamay pa si direk Jose Jeffrey, na naiintriga na rin dahil sa friendship niya sa isang blogger na "on fire" lately sa paningin ng isang anonymous theater director!

IT SO UNFAIR.

Bakit kailangang idamay si direk Jeffrey sa galit nila sa isang blogger? At ano naman ba ang malaking kasalanan nu'ng blogger? Dahil lang sa isang objective na komento? Bakit siya laging pinag-iinitan???

Opinyon po ng blogger na iyon na mas nagandahan siya sa isang play ni direk Jeffrey. At minsan, naidaing na rin ni direk Jeffrey sa isang blogger ang mga hinaing niya. Na nilalayuan siya ng ilang mga kaibigan, ilang mga ka-Teatro lately. Buti na lang, hindi pumayag si direk Jeffrey na lumayo doon sa kaibigan niyang blogger.

Honest ang isang Blogger na iyon sa adbokasiya niya na tumulong at sumuporta sa mga taga-Teatro. Wala siyang tinatanggap n suweldo o anuman mula sa mga taga-Teatro. Malinis ang kanyang konsiyensya.. Basta ang alam lang niya, MAS NAGUSTUHAN NIYA ANG ESTILO NG PAGDIDIREK NI DIREK JEFFREY! 'YUN LANG PO.

Ilang beses na rin naming napatunayan ang sinseridad sa pakikipag-kaibigan ni direk Jeffrey Camanag. Kaya naman, hindi siya nawawalan ng mga gawain sa karera niya. Ika nga, GOOD KARMA siya.

Sa ngayon, busy si direk Jeffrey sa mga acting workshops online under Artist Playground. Katatapos lang din niya na gawaan ng lyrics ang kantang pang-Covid-19 na entitled "Let the Light of Heaven Shine" na composed naman ni Lawrence Calderon.

Kung matapos na ang Covid-19 soon, marami pa ring nakatenggang projects si direk Jeffrey sa mundo ng Teatro. Kaya abangan natin.

Laban lang po tayo, direk Jeffrey!!!!




(sinulat ni robert manuguid silverio)
photos courtesy of direk jeffrey camanag



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...