richard quan and sharon cuneta: bagay, di ba? |
richard and sharon in "ang pamilyang hindi lumuluha" |
physical contact with sharon made richard nervous |
a scene from "sharon-richard" tandem film |
richard: a durable actor |
Hindi talaga inaasahan ni Richard Quan na magiging katambal niya sa isang pelikula ang Megastar na si Sharon Cuneta. And to think, sa isang Cinemalaya film entry pa niya ito makakatambal- na bale ba, unang indie film din ng Megastar.
Nagkainteres kasing mag-audition si Richard a couple of months back para sa isang indie film na isasali daw sa Cinemalaya. Pero hindi niya alam na yun na nga ang movie ni Sharon.
"Pagdating ko sa auditions, ang daming tao", kuwento ni Richard sa isang blogger. "Tipong hindi na ako aabutin dahil sa dami ng tao. Buti na lang, nakita ako ni Rhea de Guzman, wife siya nu'ng direktor na si Mes de Guzman. I simply left her my calling card and my cp contact numbers. Doon ko inilagay sa table niya. Then, I left na. I wasn't expecting anymore na mapapasali pa ako doon sa film dahil ang dami talagang naga-audition para du'n sa part na magiging asawa ni Sharon."
Pero laking gulat ni Richard, after barely a month or so, he received a call from Rhea de Guzman.
"Sinabi niya sa akin, ako ang gusto nilang gumanap sa papel nu'ng asawa ni Sharon", sabi ni Richard. "Laking gulat ko, hindi na kasi talaga ako umaasa. Pero mismong sila na ang nagsabi at hayun, nagtuloy-tuloy na."
Richard haven't met the Megastar in person in his entire life. Maski pareho sila ng mundong ginagalawan, hindi pa nag-cross ang mga landasin nila sa showbiz. Kaya laking nerbyos ni Richard nu'ng first time niyang ma-meet ang Megastar nang magkaroon na sila ng pre-production meetings before the shooting started.
"I saw Sharon from a distance at ninerbyos ako, I admit that", kuwento muli ni Richard. "But her smiles and laughters and very charming ways made me feel comfortable afterwards. Lumapit pa siya sa akin at kay Rhea, sabay sabing: 'O, nakuha mo na pala si Richard!' (maybe referrring to another Richard- Richard Gomez, maybe?---r.s.) Pagkasabi niya nun, para akong naging very relaxed. Sharon has a way of making you feel at ease with her."
Hindi rin inaasahan ni Richard na magkakaroon pa sila ng mga physical contacts ni Sharon sa pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Nakiusap pa si Richard sa direktor niya na sana ay wala na lang physical contacts, pero hindi siya napagbigyan dahil kailangan daw talaga sa istorya. Mag-asawa kasi sila ni Sharon- yun ang mga papel na gagampanan nila. Wala namang mag-asawa na hindi nag-aakapan o naghahalikan, di ba? Hehehe.
"Naku po, nung malaman ko yun, ninerbyos na naman ako!", sabi muli ni Richard. "Nahihiya ako sa Megastar. In case you don't know, laking Sharon Cuneta ako. I mean, sabay na sabay kami sa pagpasok sa showbiz, kaya lahat ng mga pangyayari sa buhay niya ay alam na alam ko."
But anyway, very challenging ang papel na gagampanan ni Richard sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, na isa sa mga film entries sa darating na Cinemalaya 2017. May pagka-misteryoso daw ang karakter dito ni Richard at ayaw pa niyang i-reveal kung ano yun. Basta daw, may laman at may dating.
"All I can say now is, I'm honored to be the Megastar's husband in this film", pagtatapos na wika ni Richard. "This is one of the biggest challenges of my career. I just hope I can deliver it the way the Megastar would want me to."
Kaya 'yan, Richard!
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento