PAMANA NI DIREK MARYO J., PINAGPAPATULOY NI MANIX SABERON

 

manix: sugo ni direk maryo j.
manix with kids at direk maryo j.'s resting place
manix puts flowers at the door where direk maryo j.'s ashes are resting

manix: actor, corporate guy, all-around enterpreneur

"Sabi ni direk Maryo J. delos Reyes sa akin nuong nabubuhay pa siya, kapag may sobra ka, matutong magbigay sa kapwa lalo na doon sa mga taong nararapat na tulungan", nasabi sa amin ni Manix Saberon, isa sa mga paboritong artists ni direk Maryo J. (nuong nabubuhay pa ito) nang minsang maka-chat namin siya sa FB Messenger.

Sa totoo lang, sa dinami-dami ng mga artistang natulungan ni direk Maryo at nagabayan niya o na-mentor niya, isa itong si Manix sa nagpapatuloy sa LEGACY o PAMANA ni direk Maryo. Isa siya sa mga tagapag-mana sa mararaming "words of wisdom" ni direk Maryo J. at naka-absorb ng husto sa mga naging wikain nito.

"Lagi rin po akong bumibisita sa puntod ni direk Maryo J.", dugtong na sabi pa ni Manix. "Sobrang miss ko na po kasi si direk Maryo, eh. Kaya every now and then, kapag may libreng panahon ako, talagang nagpupunta ako sa kanya. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nabibisita ko siya sa kinahihimlayan niya ngayon."

Kaya siguro marahil, si Manix ay naging SUGO ni direk Maryo J. (R.I.P.) para matulungan niya ang isang blogger na kaibigan ng direktor. Nagkaroon siguro ng "divine intervention" ang kaluluwa ni direk Maryo para personal na madala ni Manix ang isang sakong bigas sa isang blogger. Isang class-A na sako ng bigas na napakasarap at napakabango! Diamond rice yata ang tawag du'n.

Anyway, ngayon Covid-19 Pandemic, habang hindi pa nagbubukas ang corporate world kung saan nabibilang si Manix, tila yata mas lalo siyang naging madiskarte sa buhay. 

"Lahat ng klase ng pagkakakitaan, basta marangal ay GO ako maski maliit ang kita", sabi muli ni Manix. "Nagtinda ako ng mga itlog, cassava cake, Whey protein para sa mga nagdyi-gym, Slim Bean coffee mix, mga lutong ulam, halos lahat, Tito Robert, pinasok ko na.

"Pati pala mga dumbells and gym equipments ay nagbebenta din ako", dugtong pa niya. "At mas lalo kong pinapalakas ang sarili ko ngayong Pandemya. Mas nagpalaki ako ng katawan. Mas naging health-conscious din ako."

Isa sa mga dream ni Manix ngayon, kung saka-sakali mang matuloy ang movie project na Mamasapano Massacre, ay ang mapasama siya sa movie na iyon bilang isa sa mga sundalo (paging, Ms. Anne Venancio and direk Law Fajardo!)

"Maski maikling-maikli lang ang role, basta ba may impact, tatanggapin ko!", naging tugon pa ni Manix sa isang katanungan namin. "It would be an honor kasi na mapasama sa isang pelikulang nagmarka ng husto sa mga tao ang pangyayari. Kasama na rin sa History ng Pilipinas ang Mamasapano Massacre na iyon, eh. Basta, wish ko lang. Pero sana, magkatotoo ang wish ko na 'yan."

Kaya naman sa ngayon, sa gitna ng Covid-19 Pandemic, sobrang maraming natuklasan pa si Manix sa buhay at sa mundong ito.

"My greatest learning in life now is magbalik-loob sa ating Panginoong Diyos", pagtatapos na wika ni Manix. "Ipaubaya ang lahat sa kanya, pero magpatuloy pa ng mabubuting gawain para sa kapwa. Lagi nating tatandaan na walang permanente sa mundong ito at ang lahat ay puwedeng magbago. Ang makaligtas sa Pandemyang ito, iyon lang, ay masasabi na nating isang BIYAYA at MILAGRO ng Diyos sa atin."

Very well said, Manix. Keep it up!!!



(sinulat ni robert manuguid silverio)

manix shows-off his latest physical form

manix and the coffee he endorses and sells

manix in one cooking task as he prepares cassava cake to sell afterwards





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...