RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY

SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS

SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S.

EARLY CHRISTMAS GOODS FROM SIR RUDY

EARLY CHRISTMAS GOODS FROM SIR RUDY TO BE DISTRIBUTED SOON.

A FRIEND OF SIR RUDY RECEIVES THE AYUDA GOODS.

AYUDA GOODS FROM SIR RUDY

AYUDA GOODS FROM SIR RUDY

A FRIEND OF SIR RUDY RECEIVES AN AYUDA

MORE AYUDA GOODS FROM SIR RUDY

SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS

LUNCH TREAT FROM SIR RUDY JACKSON


CANNED GOODS WITH THE NAMES OF SIR RUDY'S FRIENDS LISTED.

Dahil sobrang higpit pa sa NAIA (Ninoy Aquino International Airpost), lalo na sa mga turista at Balikbayan na Pinoy, hindi pa magawang makauwi muli sa Pilipinas ng pilantropong si Rudy Jackson. Sobrang dami nang nakaka-miss sa kanya na mostly ay mga LGBT friends niya, dahil kapag narito siya sa Pilipinas ay hindi siya nawawalan ng mga activities and social gatherings with friends. Madalas din niyang i-treat for lunch and dinner ang ilan sa mga closest friends niya sa Pilipinas- which spanned for decades and years- magmula pa noong naninirahan pa sa Pilipinas si Sir Rudy at isang sikat na owner ng maraming night clubs and gay bars bansa.
Recently lang, naka-ilang padala ng mga ayuda si Sir Rudy sa mga kaibigan niyang nangangailangan ng tulong na pawang mga grabeng apektado ng Covid-19 Pandemic. Ang mga ayudang ipinadala niya ay pawang mga donated goods - mga biyayang natatanggap din niya sa Amerika na sine-share at binibigay din naman niya sa mga friends niya sa Pilipinas. Ganyan kabuti at katotoo ng nasa loobin ng puso ni Sir Rudy. Lalo na sa mga kapwa niya nabibilang sa ikatlong uri- tunay namang isa siyang dakilang ina-inahan.
Malayong-malayo rin ang pagiging totoo at maka-masa ni Sir Rudy, compared doon sa isa pang bar owner na nakilala din namin na puro awards lang ang gusto pero hindi naman appreciative sa mga kaibigan niyang bakla. Hindi na lang kami magsasalita, basta ngayon, napatunayan naming mas totoo pa rin ang isang RUDY JACKSON! Hindi ba, Pepito Alberto at Neck Moreno? True na true, di ba?
Anyway, habang naririyan pa rin si Sir Rudy, buo pa rin ang tiwala at ang nasa loobin ng mga Gay Impersonators at mga nagtatrabaho sa gay bars. Hindi sila pababayaan ni Sir Rudy na maisulong pa rin ang kani-kanilang mga talento at hindi tuluyang mamatay ang mundo ng live performances and night clubbing. Nakatitiyak kami, ipaglalaban iyan ni Sir Rudy!!!
Go lang ng go, Sir Rudy. Hihintayin namin na makabalik ka ule ng Pilipinas. We love you!!!

SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO
48
People Reached
26
Engagements
You and 5 others
5 Shares
Love
Comment
Share

PART TWO NG Q & A INTERVIEW ON FANNY TF SERRANO AS HE TALKS FURTHER ABOUT SHARON CUNETA, NORA AUNOR, PRESIDENT RODRIGO DUTERTE AND MORE!!!


FABBY TF SERRANO AND HER PET DOG NAMED "AZUZ". LOVELY!

COMEDIAN AIAI DELAS ALAS, FANNY TF SERRANO, AND MEGASTAR SHARON CUNETA IN THE U.S.

FANNY'S NOVUHAIR ADVERTISEMENT

FANNY (LEFT, STANDING) WITH HER DUBAI-BASED FILIPINO FASHION DESIGNERS

FANNY: PASSIONATE SOUL

FANNY AND HER SMILE

FANNY'S MAKEUP ON MEGASTAR SHARON CUNETA IN A MAGAZINE COVER

Kapag nakakatanggap kami ng mga positibong feedbacks from netizens sa isang naisulat namin, sobrang nakakagalak po ng puso dahil bihirang mangyari na ang bagay na iyon ngayon sa sobrang pagiging abala na these days ng mga tao. At lately nga, sa Part 1 ng aming interbyu kay Fanny TF Serrano, hayun, may mga nag-PM sa amin, nag-text, at nag-comment na ang ganda raw nung artikulo namin kay TF. Kaya naman heto, dahil na-uplift kami ay nagdagdag pa kami ng mga interview questions kay TF via his FB Messenger at napakabait naman ni TF na paunlakan pa rin niyang sagutin ang aming mga katanungan, lalo na ang last question namin about President Rodrigo Duterte na iniiwasan ni TF sagutin sa iba, kasi nga, baka may mga magtampo sa kanyang na nasa ibang panig. Anyway, very safe naman ang naging kasagutan sa amin ni TF sa last question na iyon. Kaya huwag na sanang magtampo diyan ang iba.

So there. Nasa ibaba po ang aming Part TWO sa Q & A na ito sa hinahangaan nating celebrity icon! Read on and cherish!!!

ROBERT SILVERIO:  TF, mas naging PASSIONATE ka ba ngayon sa mga tunay na mga artistikong bagay dahil natuklasan mong kapag wala kang ginagawa, doon mas naiipon ang mga artistic inclinations mo, like planting plants, designing clothers, and others more?

FANNY TF SERRANO: Never nawala ang passion ko in creating artistic ideas especially during my senior moments... I read kasi na dapat natin paganahin mabuti ang ating utak sa pagki-create ng iba't ibang artistic ideas para maiwasan ang kinatatakutan natin na dementia. Sa totoo lang, kung nakakapagsalita lang sana ang mga gamit ko sa bahay ay baka minumura na ako everytime na iniikot-ikot ko sila if I am in the mood of changing my interiors🤪.  Like at the moment, biglang busy naman ako sa aking very own creations ng kinababaliwan ngayon ng mga plantitos/plantitas sa small garden ko at sa mga indoors ko. Ang sarap pala talaga ang mag-planting greens. Now I do have time also to spend a moment sa aking  small kitchen and learning to cook with my faithful kasambahay.  Kakatuwa pala ang maghalo lang ng mga niluluto ng cook ko. Aware ka naman for sure na highschool graduate lang ako at para naman madagdagan ang kaalaman ko I also spend my precious time to watch  sa YouTube some informative lessons that would truly give my brain a treasure to keep for a lifetime.

ROBERT SILVERIO:  TF, kumusta naman po ang friendship ninyo ngayon ni Sharon Cuneta? Mas tumitibay ba ito sa pagdaloy ng panahon?

FANNY TF SERRANO: This I want to shout it out... Loud and clear!!! Walang anumang bagay ang puwedeng makasira sa pagmamahalan namin ni Sharon Cuneta!!!  And what's the secret of our long lasting friendship? R E S P E C T with each other!!!

ROBERT SILVERIO:  May ginawa po kayong pelikula ni Nora Aunor recently, sa palagay mo po ba, mas lalo kang naging Noranian buhat nung magka-trabaho kayo sa isang pelikula?

FANNY TF SERRANO: Una kaming nagkasama ni GUY ay nuong gumawa kami ng isang dramatic episode sa ABS-CBN Star Drama Presents Nora Aunor, directed by Joel Lamanga.  Duon ko nakita ang ating  Superstar na totoong supportive sa mga katrabaho nya during our shoot... Super nawala ang mga daga sa dibdib ko nung sabihan nya ako after our first scene ng - 'Magaling ka talaga Tito Fanny.'... Unforgettable moments with the one and only THE NORA AUNOR.  So with our coming new film 'ISA PANG BAHAGHARI', directed again by Joel Lamangan ay naging reunion naming dalawa ni GUY at same pa rin ang nakita kong support nya especially sa mga new breed of stars na kasama namin sa film na ito.

ROBERT SILVERIO:  Ano naman po ba ang mga dreams mo para sa PICA, sa mga kapwa mo kasamahan sa beauty industry na naapektuhan rin po ng Pandemya? Wala po ba kayong naiisip na mga proyekto para sa kanila?

FANNY TF SERRANO:  I will be honest with my PICA family...as their President, I must admit na mahirap gumawa ng isang  project  ngayong Pandemic period pa sa buong mundo. Ang ginagawa ko na lang para sa kanila, I am now sharing to them as their inspirations, by posting my Hair & Make-Up photos from my past to present photo shoots and based sa mga positive reactions nila ay feeling happiness naman ako sIyempre.

Wait lang sila kasi we're meeting with my artistic team to start my- 'IT'S A FANNY DAY' beauty blog-, where I will be sharing to all beauty enthusiasts my very own GOD-given talent in Hair & Make-Up and more. PRAY PRAY and PRAY 💕👏🙏🙌💕

LAST QUESTION: Sa nangyayari po ngayong magaganda naman at positibo sa Gobyerno ni Pangulong Digong, mas lalo mo po ba siyang susuportahan ngayon?

FANNY TF SERRANO: Never nagbabago ang tiwala ko sa ating Tatay Digong at patuloy ko siyang susuportahan sa pamamagitan ng aking pagdarasal na patuloy siyang gabayan ng ating Panginoong Diyos ng Kanyang Holy Spirit of Strength, Wisdom and knowledge that will truly guide him na mapatunayan sa lahat ng naminiwala sa kanya at kasama na rin ang mga hindi naniniwala sa kanya na ang pagmamahal niya sa ating Inang Pilipinas ay bukal sa kanyang puso,

in Christ Jesus name amen 💕👏🙏🙌💕


----end of interview----


INTRO words and questions by ROBERT M. SILVERIO

ANSWERS by FANNY TF SERRANO herself



Q AND A (QUESTION AND ANSWER) WITH RICHARD QUAN!!!

 

PROMO SHOTS OF RICHARD QUAN'S NEW TELESERYE

RICHARD QUAN'S NEW TV TELESERYE

AL ABINAL, TONY LABRUSCA, BERNADETTE ALLYSON AND RICHARD QUAN

BERNADETTE ALLYSON, RICHARD QUAN AND CRIS VILLANUEVA

BERNADETTE ALLYSON, TONY LABRUSCA AND RICHARD QUAN IN "BAGONG UMAGA"

RICHARD QUAN AND THE TWO NEW BOOKS HE READS

RICHARD QUAN: SERIOUS ACTOR

RICHARD QUAN: BONDING OVER COFFEE

Nasa ibaba po ang latest naming panayam sa mabait na aktor na si Richard Quan. Read on and cherish:

Question Number One: Is it hard to be taping your new TV teleserye in a LOCKDOWN way? Sobrang hindi ba kayo nakakalabas outside the set kapag nagte-taping na kayo unlike before? Ano'ng feeling?

RICHARD QUAN: Yes, mahigpit dto. This is my 2nd lock-in taping, kaya mas adjusted na ko... homesick lang nga. Ang mahirap pa, 2 to 3 weeks akong away from home. Pero with everything else, adjusted naman na ako...

Question Number Two: Can you tell us more about your new TV teleserye? Ano ang role mo dito? At ano ang kaibahan nito sa iba mo pang mga nagawa mo nang teleserye?

RICHARD QUAN: I'll be playing the dad of Tony Labrusca, pero merong twist that I can't reveal muna... loud and insecure yung character ko... yun muna ang puede ko mention sa ngayon...Ang kaibahan nito, although youth-oriented sya, pero mas modern ang approach, at yung mga cast na bata, very interesting and exciting na ensemble...

Question Number Three: Isa ka sa mga heroic celebrities na naging Frontliner at talagang all-out ang ginawang pagtulong sa mga Covid-19 affected people. Would you say that the experience made you a better individual?

RICHARD QUAN: Definitely better... it made me realize a lot ofthings... what to prioritize... what really matters... and life is too short!

Question Number Four: Kapag nagkakausap-usap kayong mga artista ngayong Pandemic pa, paano ninyo napaglalabanan ang mga fears and insecurities ngayon sa buhay ng bawat celebrities?

RICHARD QUAN: Ngayon mas adjusted na ang karamihan sa aming mga artista... Pero a few months ago,halos lahat may takot because of the uncertainties... Ako lagi ko lang sinasabi salahat na be well-informed sila dapat para ma-erase ang fears nila... The more information and knowledge you have about a situation, the better you can handle it...

Question Number Five: Sa tingin mo, paano naman ang kahihinatnan ng movie industry ngayon? May mga offers ka ba sa pelikula these days?

RICHARD QUAN: Yup, madami naman offers, pero dahil lock-in taping, isa lang puwede mo tanggapin...

Question Number Six: Sa palagay mo ba, Richard, makakabalik pa o makakaahon muli ang movie industry after the Pandemic?

RICHARD QUAN: Makakabalik pa rin industry, inch by inch... all we needlng naman is the vaccine, then we are on our way to recovery... Let's see...

Question Number Seven: Isa ka sa mga aktor na may malinis naimahen o dating sa mga tao, Papa Chard. Kaya ang tanong ko, paano ba mapapanatili ng mga wholesome celebrities na tulad mo ang adoration o paghanga sa kanila ng publiko?

RICHARD QUAN:  Wala naman akong image, I am just being real and true tomyself...Just be matured enough to think of others... Be mindful of your actions, be responsible... Be a positive influence at all times ... Mahirap gawin minsan, kahit ako- work in progress pa din.

Last Question: Ano ang wish mo para sa lahat ng Pilipino sa darating na Kapaskuhan?

RICHARD QUAN: I wish everyone to have a safe holiday season... healthy sana ang lahat not only physically but mentally too...We will recover from this, it's just a matter of time.


----END OF INTERVIEW-----



QUESTIONS BY ROBERT M. SILVERIO

ANSWERS BY MR. RICHARD QUAN himself.*


THREE QUESTIONS ON FANNY TF SERRANO ABOUT BEING A CHRISTIAN CELEBRITY IN THE HEIGHT OF THE PANDEMIC...

FANNY TF SERRANO WITH BLOGGER ROBERT

THIS PICTURE WAS AMONG FANNY'S INSPIRATIONAL FB POSTS.

FANNY TF SERRANO WITH HIS FELLOW CHRISTIAN CELEBRITIES

FANNY WITH A HUGE GROUP OF FELLOW CHRISTIANS

FANNY: "I JUST DISCOVERED MY BAUL OF MEMORIES"

FANNY: "SOBRANG KAPIT KAMI NGAYON SA ISA'T-ISA NA MGA KAPWA KO CELEBRITY CHRISTIANS"

FANNY: EVERGREEN

FANNY: A HEART OF A 17 YEAR OLD.

His Fb Posts helps ease the pains, the sorrows and hates. Sobrang nakakatulong ng malaki sa mga ordinary NETIZENS na naghahanap ng mga kasagutan sa viral world o kaya, mga NETIZENS na gustong ma-relaks ng kaunti lamang at kapag nabasa ang mga WORDS OF WISDOM ni FANNY TF SERRANO sa kanyang mga FB posts, tunay namang giginhawa ang pakiramdam. With that, mission accomplished si TF in performing his duties and tasks as a Celebrity Christian. Iilan na lang kasi silang mga Celebrities na ganyan. Who goes our of their way and their comfort zones just to reach-out for others. Yung iba, wala nang pakialam, eh. Mas aatupagin daw ng ibang mga celebrities diyan ang pagpapayaman, pakikipaglaban sa buhay, at pakikipag-suntukan just to survive. Kaya lamang, nakakalimutan na nila si JESUS CHRIST. 

Sa tatlong makakahulugang katanungan namin kay FANNY TF SERRANO sa ibaba, natuklasan namin na despite his senior age, his heart is as young as that of a 17-year old LGBT. Totoo siya, busilak at wagas.

 Read on and cherish below our three questions with a celebrity icon named Fanny TF Serrano and his three answers. It will surely melt your hearts: 

ROBERT SILVERIO: TF, ano po ang request mo para sa mga kasamahan mong kapwa artista at Christians sa showbiz ngayong may pandemya pa rin? Hinihiling mo po ba sa kanila na ituwid na ang mga naging pagkakamali nila sa buhay bilang isang nagmamalasakit na kaibigan? 

FANNY TF SERRANO: Sa totoo lang...sino ba ako para pagsabihan ang mga kapwa ko showbiz celebrities na baguhin na ang anumang kamalian na nagawa nila sa kanilang buhay? I must admit na marami pa rin akong dapat ilapit sa Panginoong Diyos ng mga sarili kong kamalian sa aking Christian walk. During this pandemic ay ang dami kong na-realize through my prayers and quiet time na ang dami kong nasaktan na tao, naging judgemental ako sa kapwa ko at nagkakasala pa rin ako sa aking isipan, sa salita at sa aking gawa. Praise God at patuloy na pinanghahawakan ko ang promise ni Lord that He will never forsake me nor leave me. Kaya malaking tulong ang pagbibigay ko ng aking oras sa pag-aaral sa Salita ng Panginoong Diyos (The Bible), attending our Zoom Bible Study with my Legends family and sharing God's Spiritual messages kahit alam ko na nagiging negative na sa iba ang mga FB spiritual postings ko. I am sooo sorry if ever yun ang reaction nila...I am just doing the responsibilities of a Christian bestowed upon me...sharing the Word of GOD. 

 ROBERT SILVERIO: TF, paano po kumikilos sa mga panahon na ito ang mga CHRISTIAN celebrities na tulad mo para makatulong sa kapwa niya Pilipino sa panahon ng Pandemya? 

FANNY TF SERRANO: I realized na lalong tumibay ang kapit namin na mga Christians sa isa't isa, celebrity man or ordinary sister/brother in Christ. Naging supportive kami within our congregation sharing the Word of God, praying with one another and attending Zoom Bible study. Sabi nga ng Panginoong Diyos na: "Magpalakasan kayo sa isa't isa at magpakatibay sa pamamagitan ng pagdarasal." At siyempre naman...patuloy kaming nagsi-share sa mga kaibigan namin na hindi pa tunay na nakakakilala sa puso ng ating Panginoong Diyos na tunay na nagmamahal, nagpapatawad at nagbibigay ng Kaligtasan in Christ Jesus' name. Amen 🙏 

ROBERT SILVERIO: Last question po, TF. Ano po ang mga na-realize mo sa panahon ng Lockdown? Anorin po ang mga nadiskubre mong mga bagay na nagpalugod sa iyo? 

FANNY TF SERRANO: WoW 🤗 Super happiness cuz I amazingly discovered from my 'baul ni TF' a lot of my personal things, memories of my pasts, and a lot more na feeling ko ay nawala na talaga sa sobrang higpit ng pagtatago ko (actually hindi ko lang talaga maalala kung saan ko naitago) or umaatake na ang aking senior moments.🤪And of cors naman, ang family bonding moment namin sa bahay...even yung mga ibang kapatid at mga pamankin ko at friends ko na sharing their expertise sa pagluluto ay nakakapagbigay ng heartfelt happiness sa akin during this pandemic...Truly an 'Ayuda da Gracia' 💕🙏💕 


----end of interview----- 


questions and INTRO words by robert m. silverio answers by ms. fanny TF serrano herself.***


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...