michael: a birthday concert |
ISANG PASASALAMAT. ISANG LIBRENG KONSIYERTO. ISANG MICHAEL PANGILINAN.
Bukas, Nobyembre26, sa ganap na alas-kuwatro ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi, ay muling aawit ng marami ang singer na si Michael Pangilinan. Ito na rin bale ang kanyang birthday celebration, dahil sa petsang iyon ay beinte uno anyos na siya.
"It's my payback time", sabi pa ni Michael sa harap ng mga media people sa isang mini-presscon (wala ang blogger na ito sa prescon na iyon). "Dahil sa loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it’s time for me to give back. Sabi nga, it’s payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, ‘di ba? Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin—ang pagiging singer/performer. And I’m truly grateful to all of you—to my manager (Nanay Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one – I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy. Thanks too to my audience, sa Michael’Overs na nagtitiyaga sa akin, my producers, my sponsors, members of the media na palaging nandiyan sa tabi ko and to my family—to my mom and dad and siblings – Kuya Sam and Peter, whew! To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minute—one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko. And of course, to Almighty God na sobrang bait hindi lang sa akin kundi sa ating lahat. Kaya dapat magkita-kita tayo sa Rajah Sulayman Park sa November 26 at magkantahan tayo"
Bali-balita pa, makikipag-duet daw si Meyor Erap Estrada kay Michael sa araw na iyon. Ibinigay kasi ni Meyor Erap ng libre ang Rajah Sulayman Park kaya super-"touched" si Michael at ang manager niyang si Jobert. Kasamang pinasalamatan ni Michael si Laarni Enriquez, ang ina ni Jake Ejercito na nag-aartista na rin ngayon.
Darating sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Kuya Boy Abunda, Kiel Alo, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana, Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowie Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana, at President/Mayor Joseph Esrada, hosted by DJ Chacha and Romel Chika.
Mayroon pang big names who pledged to drop by and jam with him pero inaayos pa ang schedules nila. Musical director is Ivan Lee Espinosa with Marnie Jereza and Sam Gaddi as back-up vocals for Michael.
This concert serves as a milestone in Michael's singing career. Kaya tiyak niyan, ibibigay lahat ni Michael ang kanyang kagalingan sa konsiyertong ito.
Tara na at manood tayo! Libre naman, eh.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento