direk frannie zamora, Kl Dizon, carlo manalac, jansen aguilar and francis matheu inside the radio booth of "mismo" |
direk frannie zamora with KL Dizon and Carlo Manalac inside the radio booth. |
Sobrang saya at walang aberyang nangyari sa radio guesting na nangyari kahapon ng gabi, - sa DZMM's MISMO radio show nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz- ng major cast ng dulang KANSER ng Gantimpala Theater Foundation.
Present nu'ng gabing iyon sina Carlo Manalac (as Crisostomo Ibarra), KL Dizon (as Maria Clara), Francis Matheu (as Elias), Jansen Aguilar (as Padre Salvi), at siyempre, si direk Frannie Zamora na siyang direktor ng nasabing dula.
Uupo rin sana sa guest panel sina Norman Penaflorinda (as Padre Damaso) at Jovito Bonita (as Kapitan Tiyago) pero hindi na kasya sa microphone space at mga upuan. Kaya nanood na lang sila ng live inside the radio booth of Jobert, kasama ang blogger na si Jobert Sucaldito.
Enjoy na enjoy ang baguhang si Jansen Aguilar habang nakipag-selfie siya kina Jobert at Ahwel (look at the photos na lang taken by blogger Robert), at sina Carlo at KL, tunay na pinahanga sina Jobert at Ahwel nu'ng kumanta sila ng live - ang "Awit Ng Pamamaalam" nina Maria Clara at Ibarra. Pinatunayan nina Carlo at KL sa buong madla na "tunay at de-kalidad" silang mga alagad ng teatro!
"Iba talaga ang mga tunay at totoo!", tili pa ni Ahwel Paz habang off-air ang programa dahil tunay siyang na-mesmerized sa galing ng pag-awit nina Carlo at KL.
"Agree ako diyan, Ahwel", tili din ni Jobert. "Mga Gantimpala artists 'yan. Hindi basta-basta na tulad ng iba diyan!"
Panay lang ang ngiti ni direk Frannie Zamora sa mga remarks nina Jobert at Ahwel. Si Francis Matheu naman, tahimik lang palagi pero hindi rin nakatiis na nakipag-selfie kina Jobert at Ahwel.
"Mataas ang respeto ko kay direk Frannie", naibulong pa ng isa sa closest friends ni blogger Robert na si Jobert Sucaldito. "Kaya I feel so honored na narito kayong lahat tonight sa radio show ko. Mga tunay kasi kayong ARTISTS".
Nangako pa si Jobert kay blogger Robert na manonood siyang muli ng KANSER sa media premiere nito sa darating na September 9 sa Star Theater near CCP Complex. Last year kasi ay ang alaga niyang si Michael Pangilinan ang gumanap na Crisostomo Ibarra sa dulang ito.
"I am so happy with all the outcome of our rehearsals, castings and promotions", huling sambit naman ni direk Frannie kay blogger Robert. "I've made the right choices- mula sa pagpili ng mga gaganap sa cast, sa schedules ng rehearsals and production team namin na very efficient, at pati na rin sa magandang suporta ng blogger na si Robert Silverio. Sabi niya, very curious na raw ang mga media people na dadalo sa media premiere namin sa September 9. I guarantee them na it's gonna be worth their time and efforts'.
Hindi mananalo si direk sa last Aliw Awards ng Best Director for a Musical para sa dulang ito kung hindi talagang de-kalibre ang kanyang paggawa. More power, direk!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
MORE PHOTOS, BELOW (PHOTOS COURTESY OF JANSEN AGUILAR, FRANCIS MATHEU & DIREK FRANNIE).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento