Ano ang tingin mo?
CINEMA ONE ORIGINALS, MAY HAMON SA MGA MANONOOD NGAYONG 2016
CINEMA ONE ORIGINALS, MAY HAMON SA MGA MANONOOD NGAYONG 2016
Hahamunin ng Cinema One Originals ang imahinasyon at pananaw ng mga manonood sa mga maglalaban laban na mga pelikula para sa naturang film festival ngayong taon.
Gamit ang bago nitong tagline na “Anong Tingin Mo,” ang Cinema One Originals ay muling magtatampok ng iba’t ibang pelikula sa narrative category na sasamahan pa ng tatlong dokumentaryo matapos itong magbigay rin ng grants sa unang pagkakataon sa tatlong documentary film makers.
Kabilang sa tatlong featured documenataries sa film fest ang “Forbidden Memory” ni Ted Mangansakan na kakapanayam ng survivors sa isang mass murder na naganap noong Setyembre 1974; ang “Piding” nina Paolo Picones at Gym Lumbera na babalikan ang kasaysayan ng ornithologist na si Oliver Carlos; at “People Power Bombshell” ni John Torres na bubusisi naman sa isang nahanap na pelikula ni Celso Ad Castillo.
Samantala, tatlo naman sa nabigyan ng grants sa narrative category ay dati ng sumali sa nakaraang Cinema One Originals. Sila ay sina Keith Deligero na idinirehe ngayong taon ang kwento ni “Lily,” isang babaeng pinaghihinalaang kalahating halimaw; si Malay Javier na ipapamalas ang isang quirky love story sa “Every Room is A Planet,” at si Borgy Torres na mapanghamon naman sa basketball crime film niyang “Tisay.”
Apat na baguhang filmmakers din ang magpapakitang gilas kabilang sina Petersen Vargas sa kanyang dark high school comedy na “2 Cool 2Be 4gotten,” si Samantha Lee sa kanyang millennial love story na “Baka Bukas,” si Jose Abdel Langit sa kanyang ethnographic mystery na “Malinak Ya Labi,” at Jules Katanyag sa ganyang geriatric action film na “Si Magdalola at Ang Mga Gago.”
Tampok rin sa Cineme One Originals ngayong taon ang ilan sa acclaimed foreign films tulad ng “The Salesman,” “Slack Bay,” “It’s Only The End of the World,” “Embrace of the Serpent,” “Swiss Army Man,” “I, Daniel Blake,” “Fuocuoammare,” “De Palma” “Close Encounters with Vilmos Szigmond,” “The Wailing,” “Goodnight Mommy,” “The Witch” at “Creepy” at restored classic Filipino films na “Tatlong Taong Walang Diyos” ni Mario O’Hara, “Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi” ni Danny Zialcita, “Cain At Abel” ni Lino Brocka, and “Pagdating sa Dulo” ni Ishmael Bernal.
Mayroon ding special screenings ang Golden Lion award winning film ni Lav Diaz na “Ang Babaeng Humayo” at found footage horror film ni Sherad Sanchez na “Salvage.”
Ang Cinema One Originals ay mapapanood mula November 14 hanggang 22, 2016. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento