isang gabi, sa piling ng mga fans ni gerald santos...


THE TEAM GERALD AS SINGERS

gerald: mamahalin mo hanggang wakas

ms. maritess soguilon, gerald's secretary- with mr. cocoy ramilo, gerald's manager



Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pangarap. Mga pangarap na kung minsan ay natutupad, at kung minsan ay hindi rin. Mga pangarap na siyang nagbububuklod-buklod sa bawat nilalang upang mabuhay at magpunyagi. Mga pangarap na kahit isang saglit lang, maramdaman mo sana.

Isang gabi, ang mga pangarap na iyon ay natupad. Isang gabi, sa piling ng mga fans ni Gerald Santos.

Oo, iyon ang gabi na kung saan ang mga fans na ito ay ipinakita ng lubos-lubos ang kani-kanilang pagmamahal para sa kanilang idolo. Ikinuwento nila at inilahad sa gitna ng entablado ang matinding pagmamahal na iyon. At ang matapat nilang pagsubaybay sa singer-actor na naging inspirasyon nila sa kanilang buhay. At higit sa lahat, ipinakita nila sa madla na lahat sila'y nangarap ring maging isang singer. Kaya naman isa-isa rin silang nag-awitan ng solo.

Damang-dama mo. Tumatagos. Ang iba sa kanila ay nakakaawit namang talaga, ang iba, pawang mga frustrated singers lamang na kailangan munang bumalik sa voice lessons- pero ganunpaman, ang ipinamalas nilang kakayahan ay kahanga-hanga. Ginawa nila ito para sa kanilang idolo.

Yun ang gabi ng KONSIYERTO nila, ng konsiyerto ng mga fans ni Gerald Santos- ang Team Gerald. Idinaos nila ang konsiyertong ito para makatulong sa mga kapus palad. At para na rin maipamalas nila na may kakayahan din sila sa pagkanta. Ang pamagat ng konsiyerto: IT'S OUR TURN: THE DREAM TEAM GERALD SANTOS CONCERT.

Idinaos ang konsiyerto nila sa isang napakagandang venue- sa PBA Cafe ng Metrowalk, Ortigas Avenue. Naganap nuong October 27 sa ganap na alas-nuwebe ng gabi. And take note, napuno nila ang venue! Sosyal talaga ang mga fans na ito ni Gerald. Mga hindi basta-basta...

Si kuya Cocoy Ramilo, ang manager ni Gerald, ang siyang naging host ng mini- program/concert. Masayang-masaya siya nuong gabing iyon dahil very cooperative and supportive ang mga fans. At natuwa siya ng husto nu'ng isa-isa nang nagkantahan ang mga ito. He's so proud of them.

Ang pinaka-nakakaiyak na parte ng concert ay nuong gawaran ang mga loyal fans ni Gerald ng Certificate of Recognition because of their unending love for Gerald. Ang tatlong fans na ito rin ang pinakamalapit sa puso ng isang blogger. Sila ay sina Maritess Soguilon (who's also the official secretary of Gerald), Nanay Bebot Santiago (the President of Team Gerald) at si Lhynne Imperial (ang fans ni Gerald na forever nang nagpo-post sa Youtube.Com ng mga events ni Gerald at laging kumukuha ng pictures).

Sa bandang huli, iisang tao lang ang pinakahihintay ng lahat. Ang taong naging sanhi para magkaisa sila, magmahalan, magtulungan, at, MABUHAY NG MAY PANGARAP. Dahil ang taong ito ang kanilang inspirasyon.

Si Gerald Santos.

Oo, sa pag-awit ni Gerald sa kabuuan ng concert, muling humanga ang lahat ng kanyang fans na naroon ng gabing yaon.

Dahil, nag-iisa lang siyang pinakamabait na singer at aktor na nakilala namin.

MAGPASA HANGGANG....

WAKAS.



(sinulat ni robert manuguid silverio)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...