isang hindi malilimutang gabi sa konsiyerto ni gerald santos sa THE LIBRARY....



GERALD EMBRACES A SPECIAL FRIEND.






Damang-dama mo. Kitang-kita mo. Akap na akap mo.

Sa napakasasayang mukha ng mga taong nakapanood sa konsiyerto ni Gerald Santos, makinang pa sa sikat ng araw na talagang kuntento sila, sobrang natuwa, naligayahan, naaliw... Masayang-masaya lahat ang mga mukha na iyon. Sobrang saya.

Bigla, nawala ang pagod mo. Naibsan ang antok mo. Nakigulo ka sa mga taong iyon. Humalo sa damdamin mo ang sobrang kasabikan na rin. Lahat tuloy ng mga taong nakita mo ay inakap at hinalikan mo. Pati ang nanahimik na si Mr. de Guzman ay walang mukat mong inakap at hinalikan na halos ikagulat niya ng husto. Hiyang-hiya ka tuloy sa asawa nitong si Mrs. Charyl Chan de Guzman (Hihihihi. Kakahiya.*)

Oo, isang hindi malilimutang gabi iyon sa konsiyerto ni Gerald Santos sa THE LIBRARY.

Petsa: Nobyembre 16, 2016. Oras: Alas-otso hanggang alas-dose ng gabi.

ANDREW DE REAL


"Napaka-sosyal na mga reportoire, napakagaling na performance, sa totoo lang!", narinig naming sinabi ni Mr. Andrew de Real, ang may-ari ng The Library, habang kausap niya ang mga direktor sa teatro na sina Frannie Zamora at Jun Pablo. "Gerald's voice did capture my soul."

JUN PABLO


"I am proud to have him as a Gantimpala artist", sabi naman ni direk Jun Pablo. "I am proud na ipinakita niya sa madla na ang training niya sa poise and projection ay mula sa amin dito sa Gantimpala Theater Foundation. I am proud na ipinagmamalaki rin niya kami. And tonight that I saw him perform, I almost cried because of his greatness as an artist!"

FRANNIE ZAMORA


Nganga pa. Iyon ang naging reaksyon ng isang blogger sa mga salitang tinuran ni direk Jun Pablo. But there's more! Heto naman ang mga nasabi ni direk Frannie Zamora:

"He's so gifted, At sa mga kantang kinanta niyang lahat sa konsiyertong naganap, he simply proved to everybody that he could render all types of songs- mapa-pop, mapa-classical, mapa-ballad!", sabi naman ni direk Frannie. "I will never forget Gerald's performance tonight for the rest of my life."




Sumang-ayon din ang veteran movie scribe na si Pilar Mateo at ang kaibigan niyang si Ms. Sarah Maria (one of the sponsors ng concert) sa mga nasabi ng mga respected theater directors na iyon sa naging performance ni Gerald sa konsiyertong GERALD SANTOS: FULL FORCE. And some media people, like Mr. Ibarra Mateo, were anchoring for more performances soon. Kaya naman biglaang nagkaroon ng meeting that night sina Mr. de Real, direk Jun at direk Frannie kung paano maisasakatuparan iyon. Kasi, alam nilang magiging super busy na si Gerald sa mga darating buwan at araw.


GEAN ALLAIN DE LEON


Ayon din sa ibang mga nakapanood, sobrang galing din daw ng Supremos, at lalong hindi rin daw maipagkakaila ang sobrang kagalingan din sa pag-awit ng The Voice finalist na si Timmy Pavino. Pero teka, teka, teka,.... Marami ring pinahanga ang mga GTF artists na nagsipag-perform din that night sa napakagagandang Broadway "excerpsts" nila. Grabe. Bow kami sa iyo, Mr. Gean Allain de Leon for making the concert the best one we've seen this year among all concert shows! Sobra.

Indeed, Gerald Santos, na kilala rin bilang San Pedro Calungsod, HAS ARRIVED.

AND NEED WE SAY MORE?




(sinulat ni robert manuguid silverio)
CONCERT PHOTOS BY: MS. LHYNNE IMPERIAL

(*YOUNG GERALD SANTOS ON THE VIDEO ABOVE).


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...