"NIKKI CO, NAPAIYAK SA KANYANG GRAND FANS' DAY"
Kitang-kita sa dalawang mata ng movie scribe na si Throy Catan kung gaano kamahal ng mga fans si Nikki Co nu'ng nakaraang Grand Fans Day nito na ginanap sa rooftop ng Barangay Laging Handa sa may Quezon City. Kaya naman "napaiyak at lumuha ng lubusan" si Throy, dahil hindi niya akalain na ganu'n katindi ang pagmamahal ng mga fans kay Nikki. Si Nikki na isang contract artist na nga ng GMA Talent Center at isa na sa mga mainstays ng teleseryeng Sa Piling Ni Nanay, isang afternoon show sa channel 7.
Napaka-perfect host naman that afternoon ni Mr. Feliz Christian Zepeda na isa sa mga organizers din ng event along with the other Niksters fans club. At siyempre, hindi rin magkanda-ugaga si Mr. Martin Bellosillo para istimahin isa-isa ang mga fans. Napakaraming games nu'ng hapon na iyon na ikinatuwa ng mga fans. nariyang dila-dilaan pa nila ang mga marshmallows na nakasabit sa dibdib ni Nikki. Nakaka-el tuloy panoorin. Hahahaha.
Si Nikki Co ay napakabait na bata, tahimik, desente at masunuring anak. Kaya naman duon sa isang portion ng programa, na kung saan ay tinanong ng host si Nikki kung ano ang masasabi niya sa kanyang ina na naroroon din nung araw na iyon, tuluyan nang umiyak si Nikki.
"Mommy, marami pong salamat sa lahat ng tulong at suportang ibinigay mo sa akin", anya pa. "Mahal na mahal po kita."
Hindi pa rin iniwan ng kanyang mga fans si Nikki hanggang nu'ng gabi na sa Christmas Dinner party ng The Elites. Sinamahan pa rin nila si Nikki hanggang dito. Kaya naman lubus-lubusan ang pagkaaliw ng mga fans kay Nikki dahil nakasama nila ito ng matagal.
SINULAT NI ROBERT SILVERIO
mr. carlo viajero |
MGA EKSKLUSIBONG LARAWAN AY KUHA NI: MR. CARLO VIAJERO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento