michael pangilinan, todo-todo na!!!


sinxerely, michael
michael: itodo mo na!



Halos mapaiyak ang isang blogger nang makita nitong karga-karga ni Michael Pangilinan ang pinakamamahal niyang baby boy (anak) sa isang pribadong pagkakataon na tanging si Michael at ang blogger na iyon lamang ang nakakaalam. Witness din ang manager ni Michael Pangilinan na walang iba kundi si Jobert Sucaldito sa pribadong "moment" na iyon. Dahil doon namin napatunayan na mahal na mahal nga ni Michael ang kanyang anak. Pero nakiusap ito sa amin na huwag na lang isulat iyon dahil lumalabas na parang ginagamit niya ang kanyang anak para sa publicity. Na hindi naman ganoon talaga. Sadyang expressive lang si Michael sa pagmamahal niya sa kanyang anak.

Anyway, sa pakiusap na rin ng manager ni Michael na si Jobert Sucaldito, mas mainam ngang ang concert niya mamayang gabi sa Music Museum (entitled "Sincerely Yours, Michael) na lang ang isulat namin. Dangan kasi, mas relevant ito at mas interesting.

"Kasama lang naman ni Michael sa concert na ito sina Aiai delas Alas at Arnell Ignacio", sabi ni Jobert. "Kilala n'yo naman kung gaano kagagaling ng mga iyan. Pero sa totoo lang, imbis na talbugan nila si Michael sa concert, nariyan sila to give support on Michael. The concert is a riot, for sure."

Mga bagong set of songs daw ang kakantahin ni Michael sa concert na ito.

"Ako at si Nanay Jobert ang namili", sabi naman ni Michael sa blogger na friend niya. "It took us days and weeks to finally select the repertoire I am going to sing in this concert. At magugulat kayong lahat dahil kay gaganda ng mga napili naming kanta. Tiyak na mage-enjoy kayo."


kiel: guest sa concert ni michael


Guest din ni Michael sa concert na ito ang Balladeer na si Kiel Alo, na kasama ni Michael sa puder ni Jobert Sucaldito.

"I give my all-out support kay Kiel", wika pa ni Michael. "Nakikita ko kasi sa kanya ang sarili ko nuong nagsisimula pa lamang ako. Magaling kumanta si Kiel. More of a Balladeer ang estilo niya, kaya medyo magkaiba kami. Ako kasi, I consider myself more of a RNB artist."

jobert: todo-todo para kay michael!


May mga naulinigan kami na TODO-TODO daw si Michael sa concert niya mamayang gabi. Ano kayang ibig sabihin nu'n, Jobert?

"Basta, manood na lang kayo!", pagwawakas na sagot ni Jobert. "Ibibigay ni Michael lang naman ni Michael ang lahat-lahat sa concert niya tonight sa Music Museum. Suspense muna at hindi ko sasabihin kung ano ang ibig sabihin ng todo-todo. Hahahaha! This is Michael's pambungad na paputok para sa taong 2017!"

Well, see you there at nakaka-curious takaga.


(writeen by robert manuguid silverio)
blogger robert silverio with michael pangilinan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...