ROBINSON ANDRES: BAGONG IDOLO NG MGA KABATAANG RUNNER!

robinson andres: the new idol of youth runners


"Masaya, I feel so proud", bungad na wika sa amin ng aming kapitbahay and longtime friend na si Robinson Andres, ukol sa pagkaka-land niya ng second place (sa 40 years old above category) sa nagdaang Sierra Madre marathon run.

"Actually kasi, matagal na akong hindi nananalo, eh", anya pa ni Robin. "The last time na nanalo ako, that was year 2011 pa- sa Mizuno Infinity Run (5km run). It took five years bago ako manalo ule dito sa Manila to Sierra Madre 65km Ultra Marathon Run namin."

Imagine, at 59 years of age, nagawa pa ni Robin ang tumakbo ng walang humpay for 65 kilometers- from Manila City Hall to Sierra Madre mountains. Kakaloka, di ba? Kaya naman mas marami na siya ngayong tagahanga - most especially young admirers na pawang mga marathon runners din. Ano'ng masasabi ni Robin ukol dito?

"Ang sarap ng pakiramdam na namo-motivate at nai-inspire ko ang ibang runners na mas bata sa akin", sagot ni Robin. "Alam kong may mga tagahanga na talaga ako. Yung iba, vocal sila sa pagsabi sa akin na tagahanga ko sila, pero mas maraming tahimik lang at malalaman ko na lang na fan ko sila kapag nag-p.m. na sila sa akin sa Facebook.

"Even though 50 plus years old na ako at my late 50's, nakakapag-inspire pa rin ako sa ibang mga runners", sey ule ni Robin. "Lalo na sa mga begginers. Ako raw ang idolo nila."

Ano namang maipapayo ni Robin sa mga baguhang runners?

"Basta tumakbo lang sila at their own pace", sagot ni Robin. "At kailanga, thrice a week ay nagte-training sila para nasa kondisyon palagi ang katawan nila. Just keep on running."

Idol. Alamat,. 'Yan kalimitan ang bansag ng iba pang mga runners kay Robin. isa siyang alamat dahil nakakapag-achieve pa rin siya ng major things despite his age.

"Napapangiti na lang ako kapag sisigaw sila sa akin ng- Isa kang alamat, Robin!", muling sabi ni Robin. "Ang sarap ng samahan sa aming mga runners. Lalo na kapag may takbo kami. Along the way, may mga magbibigay sa iyo ng pagkain at drinks habang tumatakbo ka. Galing din sa ibang mga runners o mga kaibigan nila. At yung push factor na maski hinang-hina ka na, sasabihin nilang- kaya mo yan, Robin! Doon ako mas lumalakas sa tuwing tumtak bo ako."

Sa darating na January 22 ay may takbo muli si Robin. Ito ay maikling takbo lang na 21 kilometers. Para sa yearly Bull Run sa Bonifacio Global City.

With more than 145 medals for winning and finishing special runs and more than 30 trophies for winning and finishing different kilometer runs, Robin feels he's not yet contented.

"I gained more friends, I encountered adventures and I travelled", pagwawakas na sabi ni Robin. "Kaya ipagpapatuloy ko ang pagtakbo. Tatakbo at tatakno pa rin ako habambuhay."


(sinulat ni robert silverio)
robin's latest medal: 65k run

robin's medal for landing second place (at 40 years old above category)

robin: proud athlete

robin: not too old for winning

robin with his running team mates

robin and the people at the finishing lines

robin receives his medals and prizes

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...