mr. dave macariola with meyor ferdinand bote of papaya, nueva ecija |
Saksi ang blogger na ito kung gaano ka-effective na Meyor si Mayor Ferdinand Bote ng Papaya, Nueva Ecija. Maka-ilang bese na kasi kaming naka-attend sa mga iba't-ibang charitable projects nito and activities sa kanyang bayan sa Papaya. Siya 'yung tipo ng Meyor na kumikilos talaga at tumutulong sa kanyang mga kababayan at constituents. Kitang-kita ito ng dalawang mga mata namin sa tuwing dadalo kami sa kanyang mga events sa Papaya, sa pag-iimbita ni Ginoong Dave Macariola, isa sa mga kaibigan ni Meyor Ferdinand.
Ang isa sa hindi namin malilimutang okasyon sa Papaya, N.E. ay 'yung Christmas Party ni Meyor Bote para sa more than 1,000 scholars niya sa bawat barangay sa Papaya. Mga kabataang magkakaroon na ng magandang kinabukasan dahil napag-aral na sila ni Meyor. Oo, isang libong estudyanteng pinapag-aral ni Meyor ng libre, at wala siyang hinihiling na kapalit sa mga ito kundi ang tapusin ng mga ito ang kanilang mga pag-aaral at maging proud na kababayan niya someday.
Nagbigay pa nga si Mayor Bote ng mga aguinaldo o "pamasko" sa lahat ng mga kabataaang nandu'n sa naganap nang event na 'yun, and to think, ang mga ito pa nga ang dapat mag-regalo kay Meyor dahil pinapag-aral nga niya ng libre. Still, out of being kind-hearted, siya pa ang nagpamasko sa mga ito nung holiday season ng December last year of 2016.
Bukod doon sa mga scholars ni Meyor, mayroon pa siyang Medical and Dental missions, in coo[rtstopn with some groups, para sa mga less-fortunate people ng iba't-ibang mga barangay. At sa mga misyon na ito, laging sinasama ni Meyor Ferdinand ang mga Dumagats, isang grupo ng native aboriginal Filipinos na hindi pinababayaan ng Meyor.
Sabi nga ni Dave Macariola, one of Meyor Bote's most trusted friends: "Ang mainam sa kaniya, walang taong naka-screen, walang frontline people na pagdadaanan mo para makausap siya. Siya na mismo ang haharap sa iyo sa bahay niya pag naroon siya. Hindi ka pababalik- balikin pa. At hindi siya itinatago ng mga kasambahay. Ituturo pa sa iyo kung saan mo dapat puntahan. Ang pinakamaganda, walang umeepal sa buhay niya!
"At hindi na nila pinapapirma sa papel ang mga taong tinutulungan sa bahay nila!", pagpapatuloy pang sabi ni Dave. "Lalong hindi siya nagsasayang ng pera sa mga irrelevant strategists, who lord it over the disenchanted yet voiceless coordinators, para lamang maisulong ang kandidatura niya. He deals directly with his supporters and he gets to know the pulse of his townmates by allowing them an open access to him."
Korek talaga si Dave sa mga nasabi niya. When this blogger met Meyor Ferdinand Bote in person, napakagandang impresyon talaga ang maibibigay o makukuha mo sa kanya. Hindi siya plastik, totoong kausap, sincere at may kakaibang charm. Para siyang artistang pang-"action films" in person.
Mas lalo pa ngang uunlad ngayon ang Papaya, N.E. sa leadership ni Mayor Ferdinand Bote. Kaya nga, "idaan na lang po natin sa ma-Boteng usapan ang lahat. Dahil tiyak niyan, malaki naman talaga ang maitutulong ni Mayor Ferdinand sa kanyang mga kababayan!
Mayor Bote, may your tribe increase!
(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)
WITH MORE PHOTOS BELOW, BY: DAVE LEODONES MACARIOLA
A DUMAGAT MAN BEING TAKEN CARE OF MEDICAL HISTORY AT MAYOR BOTE'S RECENT MEDICAL MISSION |
THE DUMAGATS, NATIVE FILIPINOS |
MAYOR BOTE GIVES A SPEECH ON HIS MEDICAL AND DENTAL MISSION IN PAPAYA, N.E. |
THE PEOPLE BENEFITING FROM MAYOR BOTE'S CHARITABLE PROJECTS |
MAYOR BOTE'S MEDICAL AND DENTAL MISSION, IN COOPERATION WITH DEPT. OF HEALTH |
MAYOR FERDINAND BOTE WITH HIS STAFF |
THE "DUMAGATS": HINDI PINABABAYAANG NI MEYOR BOTE |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento