jojo lagudas: ang lakas ng sex appeal...


jojo: BALD BUT SEXY

JOJO: SARAP KAININ

jojo and his cute smile

jojo: a korean actor peg

jojo with direk arnel felix and rebecca amemita


Very charming and unassuming in person itong baguhang si Jojo Lagudas, isa sa mga magagaling na talents ng SpyGlass Films ni direk Arnel Felix. Pero bukod diyan, ubod talaga sa lakas ng sex appeal ng mala-Koreanong look ni Jojo. Kalbo man, tipong over naman sa kaguwapuhan. Para siyang artistang Koreano sa mga Korean Telenovelas. Pero ang totoo niyan, pure-blooded Pinoy si Jojo.

Naka-apat na indie films na si Jojo, at nakagawa na rin ng mga TV commercials. Duon sa mga indie films na nagawa niya, pawang support or nasa background lamang siya. Kaya naman nu'ng malaman niya na sa ginagawang Acting Workshops ni direk Arnel, magbibida agad sa isang short film ang mga sasali dito, hindi na agad nag-dalawang-isip na sumali doon si Jojo.

"Kay direk Arnel, pag-iisipan niya ang role na babagay sa iyo", bungad na kuwento ni Jojo sa isang blogger habang kumakain sila sa Lido restaurant sa may Visayas Avenue. "Kaya hayun, naisipan niya na ako ang kuning bida du'n sa short film na ang pamagat ay Reproach. SAi direk Arnel felix ang direktor nito. Ang sarap makasama ni direk Arnel dahil ang dami mong matututunan."

Yung role ni Jojo sa short film na Reproach, tipong ang hirap i-portray daw dahil hindi naman daw siya ganu'n sa totoong buhay.

"Kuwento 'yun ng isang lalaking nagumon sa sugal at mga bisyo", sabi ni Jojo. "Tapos, magsisisi siya't magbabago sa bandang huli. Hindi kasi ako ganu'n sa totoong buhay kaya medyo nahirapan ako. Buti na lang at nandiyan si direk Arnel para suportahan ako."

And idol ni Jojo sa pag-arte ay si Robin Padilla. pero nung tanungin namn si Jojo kung okey ba sa kanya ang sexy roles, heto ang sagot niya:

"Depende", huling sagot ni Jojo. "Titignan ko pa kung kaya kong gawin. depende rin siguro kung kailangan talaga sa eksena."

Hhhhhhmmmmm. Sa lakas ng sex appeal ni Jojo, hindi malayong malinya din siya someday sa pagbabalandra ng kanyang ka-machohan. Hindi ba, direk Arnel?

Keep it up, Jojo.


(sinulat ni robert manuguid silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...