rebecca amemita: magaling na produkto ng acting workshops



rebecca with direk arnel

rebecca: cinematic face

rebecca: acting is her craft

rebecca: pretty

rebecca holds her trophy in star magic acting workshop
rebecca in her recent radio guesting at dzrm's youthalks with direk arnel, mommy renee, blogger robert and jojo


Unang nakaranas ng acting workshops si Rebecca Amemita sa Star Magic acting workshop. Bale two years na acting workshops yun sa Star Magic- from 2015 to 2017. Rigid training talaga and all, hanggang sa matapos niya ito.
 After the Star Magic workshops, nagsimula na si Rebecca na mag-audition sa iba't-ibang produksyon, stage productions, teleseryes at iba pa. Hanggang sa makita niya Facebook ni direk Arnel Felix na may gagawin din itong Acting Workshop, pero ang kaibahan sa Acting Workshop na ito ni direk Arnel ay magbibida na kaagad siya sa isang short film na isu-shoot na mismo dun sa said acting workshop in one day. Ang short film na iyon din ang magsisilbing Demo Reel ni Rebecca.

Hindi na naghunos-dili pa si Rebecca pagkatapos niyang mabasa ang FB Post ni direk Arnel (si direk Arnel ay magpo-produce na ngayon ng isang full-length film na ang pamagat ay "kaagaw Ko Ang Langit"). Kaya maski biglaan ang iskedyul nu'ng workshop ni direk Arnel na kinabukasan na agad,  talagang nag-rush si Rebecca.

"Alas-tres ng madaling araw ay bumibiyahe na agad ako papuntang Sta. Maria, Bulacan dahil 8 a.m. ang acting workshop ni direk Arnel", bungad na kuwento ni Rebecca sa isang blogger. "Nanggaling pa kasi ako sa Cavite City nu'n. And good enough, nakahabol naman ako at nakasali sa workshop. Nag-shoot din agad kami nung short film ko na ako ang bida- 'yung Patawad. It was truly a very fruitful experience."

Ano naman ang masasabi ni Rebecca having direk Arnel as her director and mentor in acting?

"It's amazing!", sagot ni Rebecca. "Napakarami ko agad na nattunang mga bago sa kanya. Nag-one take, one shot agad kami doon sa shooting. Buti naman at nagawa ko lahat ang mga hinihiling ni direk Arnel as my director."

At yung character daw na ginampanan ni Rebcca sa short film na Patawad, malayong-malayo sa character niya.

"I haven't done or never been like that in real life, kaya na-challenge talaga ako", sagot ni Rebecca. "It's unbelievable! Buti at naiarte ko ng maayos dahil sa guidance na rin ni direk Arnel."

Good things are now coming on Rebecca's career. malamang na mapasali din siya sa full-length film na gagawin ni direk Arnel- ang "kaagaw Ko Ang Langit". Mayroon din siyang isang stage play na ginagawa ngayon.

Idol ni Rebecca si Angelina Jolie pagdating sa pag-arte. And who knows, maging kasing-galing din niya si Angelina balang araw, bilang isang aktres, di ba?

More power to you, Rebecca!


(sinulat ni robert manuguid silverio)


1 komento:

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...