KOKO FURFUR: TIPONG ARTISTAHIN!

koko with senator manny pacquiao

koko takes a selfie

koko classy

koko smiles

koko: so pretty

koko in a sexy candid shot


Siya 'yung tipo ng babae na habang tinitignan mo ay lalong gumaganda. Tipong young Vilma Santos ang dating- mestisahin, chinita, balingkinitan ang katawan pero super sexy. Magandang manamit at sweet pang kausap.

Oo, it was a lunch date this pretty girl named Koko. Na sana, nakapag-audition na kamakailan sa isang casting call ng Gantimpala Theater Foundation, pero dahil sa hindi pumuwede that day ang blogger na magsasama dapat sa kanya doon (naaksidente ang blogger), hayun, at hindi nakita ng mga taga-Gantimpala ang kagandahan at kagalingan ni Koko sa pagsayaw at sa pagkanta.

Malamang na sa isang pelikulang gagawin ni direk Arnel Felix, doon na makapag-audition si Koko. But anyway, let's get to know more about Koko sa isang interbyuhan na naganap sa sosyal na restaurant na Pizza Hut sa may Robinson's East Mall:

"I am presently the marketing director for The Voice KTV bar in Timog, Q.C.", bungad na sagot ni Koko sa unang tanong sa kanya ng isang blogger. "It's a family KTV Bar, owned by a rich Chinese clan. Bale ako po ang Marketing Director for Events ng KTV bar na ito. And we will be having a very special fashion show on June 28 entitled A Fashion Show for A Cause, at ang mga magiging beneficiary po namin sa fashion show na ito ay mga orphans at street children at ang Home for the Aged. 

"15 class A female models po will be the main highlight of this fashion show", dugtong na wika pa ni Koko. "Tiyak pong mage-enjoy sila sa panonood at makakatulong pa sila sa kapwa."

Ang The Voice KTV Bar ay located sa Tomar Morato, Creekside Aquare, Q.C. Isa ito sa mga in-demand na mga Family KTV bars sa ngayon.

Pero matanong natin si Koko, how does it feel to be a marketing Director of a KTV Bar? At paano niya maisisingit ngayon ang pangarap niyang maging isang ganap na aktres balang araw?

"Sobrang hirap po, pero exciting!", maagap na sagot ni Koko. "I learn a lot from this job every single day, I learn how to face people and deal with them. Minsan nga, sa isang marketing meeting ko, mismong si Senator Manny Pacquiao pa ang naging ka-meeting ko! Wow! Ang dami kong nami-meet na mga importanteng tao, kaya very rewarding po ang job na ito as aMarketing Director for Events ng isang Family KTV Bar

"Well, doon naman po sa isang tanong ninyo kung paano na ang dream ko na mag-artista, I can say naman na maisisingit ko yun", dugtong pang sagot ni Koko. "Handang-handa na nga po ako last week na mag-audition sana sa isang Musical Play ng Gantimpala Theater, eh, kaso, kayo ang hindi sumipot, Kuya Robert! pero I understand na naaksidente po pala kayo".

Napakagaling kumanta ni Koko, and at the same time, napakagaling din niyang sumayaw. Matagal na niyang talento ang mga ito pero hindi lamang niya nabibigyan ng ganap na panahon para i-pursue totally- we mean, ang larangan ng pagpe-perform.

Maski na ba naging Marketing Director din siya noon ng Dee Girls ni Mr. Jimmy Dee, mas naging busy siya noon sa pagma-market sa performances ng Dee Girls kaya wala rin siyang naging time noon na ipakita sa lahat ang kanyang mga tinatagong talento.

"Kaya po given a chance na mabigyan ako muli ng break to perform, ang sagot ko ay isang malaking OO", pagtatapos na wika ni Koko. "Passion ko kasi ang performing. It's what I really want to do and I am so happy doing it."

Keep it up, Koko. Nasa likod mo lang kami!


(words by robert manuguid silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...