ISANG ENGRANDENG SELEBRASYON NG BUHAY AT MGA ANINONG GUMAGALAW SA AWARDING CEREMONIES NG 2017 TOFARM FILM FESTIVAL



Nu'ng biglang sumambulat sa apat na sulok ng Rizal Ballroom sa loob ng Makati Shangrila Hotel ang awiting "Hindi Kita Malimot", alam ng isang kaluluwang naro'n, na NAKAUWI NA SIYA.

Sa gitna ng mahabang paglalakbay, walang hanggang paghahanap at pagsusumamo- OO, naro'n na nga siya- kasabay ng mga aninong gumagalaw na iyon sa puting katsa ng Sinema, at sa engrandeng selebrasyon at pagtatanghal ng buhay at pagsasaka, ng pelikula at iba pang mga adbokasiya.

Nalaman ng kaluluwang iyon- doon nga pala talaga siya nabibilang at hindi sa madidilim na sulok ng eskinita't mga kalsadang madalas niyang pinupuntahan. Oo, doon nga siya. Doon ang kanyang tahanan, at wala nang iba pa. Sa matatamis na mga ngiting ibinigay sa kanya ng mga aktor na sina Biboy Ramirez, Orlando Sol, Tom Rodriguez at Ruru Madrid. Ang mariing titig at pagbati sa kanya ng magaling na aktor na si Ronnie Lazaro. Sa marahang pakikipag-kamay sa kanya ng magaling na theater actor na si Robert Sena- o ang banayad na pagdampi sa kanyang mga kamay ang mga kamay ng aktres na si Cherry Pie Picache. At higit sa lahat, nu'ng gabing iyon, muli siyang inakbayan, inuyayi at inakap ni Yul Servo Nieto.


yul servo

biboy ramirez

robert sena

ruru madrid
ronnie lazaro


O dili kaya, ang biglang pagtabi sa kanya sa upuan ng direktor na si Maryo J. delos Reyes, ang sinseridad na pinakita sa kanya ni Dra. Milagros How at ng staff nito para makapasok siya sa loob ng venue at makisalo sa isang engrandeng hapunang inilaan para sa lahat.


direk maryo j. and dr. milagros how


Pero may mas higit pa roon, ang makapiling at makasama ang kasamahan niya sa mundo ng pelikula. Mga batang direktor na puno ng pagasa at mga pangarap, mga artistang nagmarka na sa kaisipan at puso ng bawat nilikha, mga Film Artists na naghahangad pang ma-i-uplift ng husto ang movie industry.


OO, ITO ANG GABI NG 2017 TOFARM FILM FESTIVAL'S AWARDING CEREMONIES. Ito rin ang gabi, marahil, na hindi ka na muling aalis pa.

"TARA, DUMERETSO NA NGA TAYO!"


FAST FORWARD:

Nu'ng makita ko nu'ng gabi na iyon ang direktor ng programa na walang iba kundi si direk Jorge Sales, sabi ko: "I am expecting another Hollywoodish, totally enchanting and captivating clean and wholesome program na nasaksihan ko na rin sa dinirek mong TOFARM Songwriting contest a few months back. O, marahil mas higit pa."
Napangiti lang si direk Jorge Sales, sabay sabing: "I hope I won't fail your expectations this time. Bukod sa mga awardings at speeches, may mga song numbers. Pinili ko ang mga kantang mabibilis na naging finalist sa Tofarm Songwriting contest. I want this night to be upbeat ang feeling, para lahat ay masaya. Kaya puro fast songs ang mga musical numbers namin."

"TARA, DOON TAYO!"

Sa isang di-kalayuan, nakita namin ang direktor na si Jason Paul Calma Laxamana, na isa sa mga competing directors ng gabing iyon sa Tofarm. Heto ang sabi niya: "Binababaan ko ang expectations ko ngayong gabi", sabi ni direk Jason. "Basta ang mahalaga, manalo man ako o matalo, nakagawa ako ng isang Sci-Fi picture na matagal ko nang pangarap gawin. At dito ko lamang nagawa sa Tofarm Filmfest. 'Yun lang, malaking accomplishment na sa akin."

Sa dako pa roon, lumibot pa ng husto sa lahat ng dako ang mga mata ng isang nilalang. Lahat ay abalang-abala na. Unti-unti nang napupuno ang bawat mesa ng Rizal Ballroom. Napaka-sosyal, napaka-engrande. Mahigit yata sa limampung mesang malalaki na pinapaligirian ng sampung mga silya bawat isang mesa ang nasa loob ng Rizal Ballroom.

Naroroon din ang mga magasakang pinag-aalayan ng okasyon nuong gabing iyon. May espeyal ding mga bisitang mga madre at religious people, media people, bloggers, at kung anu-ano pa. Lahat sila, one way or another, may kinalaman din sa okasyon na iyon. Lahat sila, mga kaibigan nina Dr. How at ng Festival Director na si Maryo J. delos Reyes.

Isa-isa na ring nagsidatingan ang mga espesyal na bisitang sina Aiza Seguerra, Liza Dino, Edu Manzano, Christopher de Leon, Laurice Guillen, Racquel Villavicencio, Jake Macapagal, Oliver Ochanine, Ana Capri, Luz Valdez, Paul Cabral, Frannie Zamora, Isay Alvarez, Ronnie Lazaro, Fifth Generation, Sue Prado, Star Orjaliza, Lou Veloso, Moira Lang, Junjun Quintana, Shandii Bacolod, Byron Bryant, Tara Illenberger, Segfred Barros-Sanchez, G.A. Villafuerte, Arman Reyes, Dexter Macaraeg at napakarami pang iba.


cherry pie picache

edu manzano

liza dino and aiza seguerra

paul cabral


AT NAGSIMULA NA ANG "HARANA".





Habang nagkakagulo ang mga artista't celebrities, biglang bumulusok sa himpapawid ang melody ng awiting "Harana". Bigla nang nag-iba rin ang mood ng isang kaluluwang naroroon. From being melancholy, nagkaroon na ng kakaibang sigla at saya. Kumilos na siya ng kumilos. Umikot sa bawat mesang may nakikilala siya. Bumati. Humalik. Umakap.

Tila bagang kasabay ng awiting iyon, ang mga anghel sa kalangitan ay humaharana na sa lahat.
Ilang minuto bago magsimula ang programa.

AT SAKTO. NAGSIMULA NA NGA ANG PROGRAMA PARA SA AWARDING RITES NG 2017 TOFARM FILM FESTIVAL.

Ang mga magagaling na hosts ng programa: sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Pareho silang epektibo at mas higit pang nagpasaya sa lahat.

Sa isang engrandeng selebrasyon ng buhay at mga pangarap- ng mga adbokasiyang nabibigyan ng katuparan- at sa mga mata ng magsasakang naghirap makamtan ang ani ng lupa-

Ang gabing ito

ay

sapat

na


upang mabuhay muli ang puso ng isang kaluluwang


matagal nang


NAGLALAKBAY-


HABAMBUHAY.




(sinulat ni robert silverio)






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...