HARK WILL CAPTURE YOUR HEART. |
Sabi ko na nga ba, eh. Mapapansin at mapapansin ka.
Alam ko iyon- nuon pa man.
Nuon pa mang mapanood ka namin nina direk Frannie Zamora, Peter Flores Serrano at Emmanuel dela Cruz sa isang horror play na ginanap two years ago sa Philippine Stagers Foundation.
Agad kong sinulat yung aktor na yun na napaka-galing sa pagganap bilang isang ENGKANTO o nagti-trip lang na drug addict at biglang kinain ng mananangggal. Hanep, ang galing. Yan ang sabi ko sa rebyu ko sa blog site ko.
Tapos, hayan. Napansin ka rin ni Vince Tanada pagkatapos. Ibinigay niya sa iyo ang role na Hector sa dula nilang Troy Avenue. Muli, hindi ako na-disappoint. Napakagaling mo sa dulang iyon. Sabi ko pa sa sarili ko: "Hintay lang ako, may makakapansin sa aktor na ito".
Iniiwasan kita noon. Ewan ko ba kung bakit. Mataas kasi ang respeto ko sa iyo, hindi kita malapitan.
Pero sana Hark Montillana.... sana.
Sana, nakita na kita- noon pa.
Lumipas ang dalawang taon, nakikita na kita sa mga showbiz functions. Tila papasok ka na yata sa mundo ng pelikula. Naramdaman ko 'yun.
At, nakita ko na lamang sa mga FB statuses mo at posts, may dalawa ka nang pelikulang ginawa- mga indie films na kung saan ay ikaw na ang BIDA - AGAD. WOW. Katambal mo pa ang mga kaibigan kong sina Ms Chanel Latorre du'n sa isa, at si Ms. Arian Golondrina naman du'n sa isa pa.
*****************
At, sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkita muli tayo. Para bang sinadya ng TADHANA.
Kay tagal nating nagkuwentuhan- halos tatlong oras, habang naghihintay tayo ng call mo at ng call ng bagets kong kasama sa auditions ng Cinemalaya 2018.
Duon ko nakita ka.
KITA NA KITA.
Kaya para sa iyo, Hark Montillana, heto rin ako ...,
Para makita mo.
KITA- KITA, HA?
(sinulat ni robert silverio)
hark: wow, HEAVY. :-) |
hark: true artist |
hark: angelic |
hark's first film. bida agad! |
hark's second film na bida siya. a romantic film. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento