reymond agbada: isa pang IIBIGIN, sa larangan ng pagkanta....


reymond: so handsome in person

reymond agbada with blogger robert. (PHOTO CREDITS: TRIXIE DAUZ)


REYMOND WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO (PHOTO CREDITS: TRIXIE DAUZ) 



Kung regular kang nakikinig na radio program na "Sama-Sama, Salo-Salo" sa DZRM tuwing Sabado, may mapapakinggan ka doon na isang young and handsome guy na lagi nilang pinapakanta. Na kadalasan, pawang mga Elvis Presley songs ang kinakanta niya. Napakaganda ng timbre ng boses, at talaga naman pong KAIBIG-IBIG.

Lalo na siguro kapag makikita mo siya IN PERSON. Ubod ng guwapo sa personal, hindi lang tinig niya ang maganda, kundi pati na rin ang buo niyang personalidad, plus the fact, very charming siya- laging nakangiti at laging positive ang ways and manners.

Siya'y walang iba kundi si REYMOND AGBADA.

"Ang idol ko po ay si Martin Nievera, maski ba madalas nila akong mapakinggan na umaawit ng mga kanta ni Elvis Presley sa radio program ni Tessie Lagman", bungad na sabi ni Reymond. "Siyempre po, 'yung kapwa-Pilipino ko po ang mas iidolohin ko. I love the songs kasi of Martin Nievera. Talagang tumatagos sa puso. Damang-dama ko. Kaya siya talaga ang idol ko pagdating sa pagkanta."

Maski "millenial kid" si Reymond, mas gusto niya at mas na-appreciate niya ang mga lumang kanta o awitin. 

"Yes po, mas gusto ko talaga ang mga old songs", paninigurong sabi pa ni Reymond. "Kaya dream kong ma-revive ang ibang lumang kanta. Gusto kong kantahin sila para mapansin uli. In my own little way, it's my tribute to old classic songs- ang kantahin sila muli kapag nagka-pangalan na ako bilang isang singer."

18 years old na ngayon si Reymond. And since he was 16 years old at tumutugtog at umaawit na siya sa mga 4-star and 5-star hotels all-over Metro Manila, playing the piano while singing. Kaya masasabi nating malawak na rin ang karanasan dahil nahasa na siya ng husto sa mga gigs and shows niya sa mga hotels.

"I play jazz music, bossa music, and of course, love songs", muling sabi ni Reymond. "In one of my gigs, may nakapansin na kahawig ko raw si Elvis presley, and that's the time I started singing his songs. Hanggang sa mabansagan akong Elvis Presley look-alike. Actually, six years old pa lang ako, talagang mahilig na ako sa music."

Related si Reymond sa veteran radio icon na si Tessie Lagman, na nakilala rin bilang isang magaling na recording artists in 1970's. Kaya may pinagmanahan talaga si Reymond pagdating sa galing niya sa pag-awit.

"Hindi ko muna po iri-reveal sa ngayon kung paano kami related ni Ms. Tessie Lagman", pagtatapos na wika ni Reymond. "Suspense muna po. Pero proud ako sa kanya. Dami kong natutunan sa kanya pagdating sa pag-awit na dadalhin ko po sa habampanahon."

Keep it up, Reymond.


(sinulat ni robert manuguid silverio)


REYMOND PLAYING HIS GUITAR (PHOTO CREDITS: TRIXIE DAUZ)

REYMOND WITH HIS "YOUNGER" BARKADAS AT "SAMA-SAMA, SALO-SALO" PROGRAM

REYMOND WITH MR. EDDIE SUAREZ ON GUITARS


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...