bago lumitaw si XANDER FORD, may isang LANCE RAYMUNDO ring nakaranas ng kakaibang "face transformation"!
Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil ang VIRAL CONTROVERSY ukol kay Xander Ford. Pag magbubukas ka ng Facebook at pupunta sa Home Page mo, naku po, walang humpay na Posts on Xander Ford ang makikita mo. Iba't-ibang reaksyon- may nagagalit, may natutuwa, may naiinggit, may naaawa. Walang katapusan. Sari-saring opinyon. Hindi matapos-tapos...
At hayan, nadadamay na rin ngayon ang mga taong nagkataong kapangalan lamang ni Xander Ford. Kasi, may isang stage actor na nagngangalang Xander Pineda ang nadadamay na rin sa controversy na ito sa viral world. Nagkataon lang na kapangalan niya si Xander Ford. Eh, ibang tao naman siya- si Xander Pineda siya. Hahahaha!!!
Pero hindi ba alam ng lahat na bago si Xander Ford, may isang Lance Raymundo na ring nakaranas ng isang great "facial transformation"? Ang kaibahan lang nga, si Xander Ford ay ipinanganak na pangit, at ito namang si Lance ay ipinanganak na talagang guwapo na!
Kaso lang nga, more than a couple of years back, nagkaroon ng malaking aksidente sa mukha ni Lance. Isang napakabigat na weight barbell ang bumagsak sa kanyang mukha. At halos madurog na ang mukha niya at nagmukha siyang ZOMBIE!!!
Kung makikita ninyo ang isang larawan sa itaas- before and after na maaksidente si Lance, hindi ninyo aakalaing maibabalik pa ng face surgeon ang mukha ni Lance- and surprise of all surprises, mas lalo pa ngang gumuwapo at mas nagmukha pang 10 years younger si Lance after the facial operation! Iyan ang himala ng SIYENSYA at magagaling na kamay ng mga facial surgeons.
Kaya yung mga pains na nararanasan ngayon ni Xander, naranasan na rin 'yun ni Lance noon. Yun lang nga, mas matindi ang BASHING ngayon kay Xander Ford sa viral world dahil talagang pangit siya noon at hindi matanggap ng mga naiinggit na magiging ganu'n siya ka-guwapo ngayon!!!
Nakatakdang magpaunlak ng isang eksklusibong panayam si Lance Raymundo sa blogger na ito by the weekend. Nangako siya na mauuna ang blogger na ito sa mga mahahalagang opinyon at mga bagay-bagay na sasagutin niya sa mga katanungan ng blogger na ito- (ako po, si robert silverio*).
Mahalagang makuha din natin ang opinyon ni Lance ukol sa viral controversy na kinasangkutan ni Xander Ford. At tiyak na makakatulong iyon para maintindihan ng lahat ng NETIZENS ang sitwasyong kinasadlakan ngayon ni Xander Ford. Palagay namin, ipagtatanggol naman siya ni Lance.
Kaya abangan na lang ninyo ang mga sasabihin ni Lance bago matapos ang linggong ito!!! Only here at SWORDSHINES10 blog site!!!
(sinulat ni robert silverio)
Mga etiketa:
lance raymundo,
xander ford

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!
SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...

-
(BLOGGER's NOTE: Heto pa ang dalawang lovely female candidates ng FACE OF THE YEAR 2018. And their names are LIZA CARILLO and MARRIE G...
-
cusi at work cusi: "i have no fear" Ito ang tunay na Sining na walang pretensyon, pagkukunwari at pagkuku...
-
world-renowned painter RAFAEL "POPOY" CUSI: parallelism with Rizal (PHOTO CREDITS: CARLO VIAJERO) Dr. Jose Rizal: national ...
-
OPM ICON, IN PERSON OF MR. RANNIE RAYMUNDO, POSTED A VERY INSPIRING MESSAGE FOR HIS YOUNGER BROTHER- LANCE RAYMUNDO, AND THAT IS, H...
-
marcella gabrielle giron speaks for novo ecijanos marcella with his father- mr. armando c. giron (chairman, nueva ecija's cou...
-
MULI, PASENSYA NA PO IF WE ARE ALL NOT YET FULLY MOVING-ON SA DEATH NG PINAKAMAMAHAL NAMING DIREKTOR NA SI DIREK MARYO J. NU'NG ...
-
carlo alvarez, director of "sabado" carlo: an uncompromising film director https://vimeo.com/375367985?fbclid=IwAR3Qdef4...
-
Only very few people knows the "other side" of actor Richard Quan. It's because he doesn't want it to be known....
-
direk treb monteras: a journey for cinemalaya What's so magical about the coming 2017 Cinemalaya Film Festival is its renewed...
-
Maybe we have all forgotten where we came from. From the humble roots of the soil, from the natural wonders of mountains and trees, an...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento