"na-excite ako sa storyline ng fly me to the moon!"--dea formacil





Medyo abala nu'ng hapon na iyon ang resident director ng ARTIST PLAYGROUND na si Paul Jake Paule kaya hindi na namin siya inabalang makapanayam. Padating ang aktres na si Dea Formacil in any minute, at salamat naman kay Ms. Fatima Cadiz, na ka-alternate ni Dea sa role na Karayuki sa dulang FLY ME TO THE MOON dahil ito muna ang nag-istima at nagpaunlak na panayam sa amin (mababasa ang artikulo namin kay Fatima someday soon sa blog site na ito--rms*). Anyway, hindi pa man natatapos ang panayam namin kay Fatima, dumating si Dea na siyang sadya naming makapanayam talaga nu'ng hapon na iyon sa ARTS ABOVE venue ng intimate theater group na ito na nagsisimula nang gumawa ng masidhing mga alingasngas. 

Pagkatapos kasi ng matagumpay nilang mga pagtatanghal sa nagdaan nilang play na HAPPINESS IS A PEARL, very eager agad silang gawin itong FLY ME TO THE MOON at kinuha nila si Dea na nakasama ni direk Paul Jake sa dulang KANSER 2017: THE NOVEL. Si Dea ang gumanap na Maria Clara sa dulang yaon at si direk Paul Jake naman si Elias. Naisipan ni direk Paul Jake na kunin ang serbisyo ni Dea dahil sobrang ningning ang pinakita nitong kagalingan sa Kanser. Kaya hayan, nasundan agad ang proyektong pang-teatro ni Dea right after Kanser.


DEA (center) with her director at kanser2017: thenovel-direk frannie zamora (left) and actor joelmolina (right)

Anyway, nagsimula na ang interbyuhan. Unang tanong ng isang blogger kay Dea: Ano ang mga naging damdamin niya sa magagandang acting reviews na nakuha niya sa dulang Kanser 2017:The Novel?

"Napaka-surreal po ng naging pakiramdam ko, Kuya Robert", maagap na naging sagot ni Dea."With all those good reviews, mas lalo akong na-insspire ngayon to do better. Ang dami kong natanggap na mga papuri sa Facebook ko, lalo na sa PM. Hindi ko na lang na-post 'yung iba, basta nasa PM lang ng Facebook ko.

"Kaya overwhelmed talaga ako, Kuya Robert", dagdag ni Dea."May pana-panahon nga po pala talaga ang mga artista sa teatro na tulad ko. Sabi nga ni direk Frannie Zamora, ito na nga daw talaga ang TIME ko to shine."

dea internalizes as karayuki



Very well said, Dea. Ngayon, pag-usapan naman natin ang Fly Me ToThe Moon. Ano naman ang naging damdamin ni Dea nu'ng ialok sa kanya ni direk Paul Jake ang role?

"Wow, grabe, na-excite po akong talaga sa storyline ng Fly Me To The Moon",muling sagot ni Dea. "It was written by Rody Vera pa, na alam nating lahat na isang magaling na manunulat po, di ba? From a period Filipino woman in Kanser, this time naman period Japanese woman naman ang gagampanan ko. What a big challenge forme.

"Roeder Camanag helped me out sa character ko Karayuki", dagdag ni Dea. "Pinakita niya sa akin ang mga old photos ng mga Karayukis. And I researched far deeper sa role ko. Sila 'yung mga female entertainers noon sa Japan na naglalakbay sa dagat at nagpupunta sa ibang mga bansa. Ginagawa rin silang prostitutes kadalasan, at ang nangyayari sa iba, kapag nagkasakit na o may disease at nagamit na, tinatapon na lang sila sila sa dagat.

"May sorpresa sa character ko doon sa play na hindi ko pa mairi-reveal", anya Dea. "Ang lagi kong kausap dito ay Pilipinong transvestite na si Melanie. May matutuklasan si Melanie sa pagkatao ko sa bandang huli na ikagugulat ng lahat."

dea (center) withher directorin "fly me to the moon"-paul jake paule (right), and a friend (left)


Hirit na tanong pa kay Dea. Kumusta namang katrabaho ang isang tulad ni Paul Jake Paule?

"He's so cool", muling sagot ni Dea."Ang saya namin working together. Very creative ang mind niya at marami siyang inputs sa character ko na Karayuki. Actor din kasi siya kaya alam niya ang mga atake sa bawat character."

Tanong: Ano ba ang mensahe ng Fly Me ToThe Moon?

"It's about love"pagtatapos na wika ni Dea. "What you can do for love. Or how far can you go for love. Actually, the story was inspired from a true story in Japan. I just hope that I can give justice to it. Panoorin na lang po nila."

Definitely, manonood kami.



(SINULAT NI robert manuguid silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...