john remel flotildes: ang matalinong aktor na kandidato sa face of the year 2018...




Meron talagang mga taong isinilang upang akapin ang mga artistikong alay ng mundo. Mga taong may likas na kakayahan upang ma-deliver o maibigay ang tama at angkop na kahusayan pagdating sa mga artistikong bagay.

Sa nakaraang Acting Workshop na idinaos para sa mga kandidato ng Face of the Year, isang lalaking kasali duon ang tunay namang nagpamalas ng angkin niyang galing at kakayahan. Pumaimbulog ang kanyang kagalingan sa lahat ng exercises na isinagawa sa workshop. He could transform himself in so many different ways. Lutang na lutang ang talento niya sa pag-arte.

Dahil sa kanya, nanalo tuloy ng di-oras at naging number one 'yung buong Team niya sa isang Acting Challenge sa nasabing workshop- na kung saan ay tipong isang actual film shooting na ang naganap- mula sa superbisyon ni direk Neal Tan na siyang nagturo sa kanila noon.

Ang lalaking kandidatong ito na tinutukoy namin ay walang iba kundi si JOHN REMEL FLOTILDES.

Minatyagan pang maige ng isang blogger sa araw na iyon ng workshop si John Remel. Mabilis itong maka-absorb ng mga bagay-bagay, matalino nitong nakuha ang mga lectures and exercises. Tahimik man itong nakaupo lang, pero kitang-kita sa mga mata niya ang "sharpness and accuracy" sa mga bagong knowledge na natutunan niya. He is, indeed, an amazing kid. A natural-born ACTOR.

Kaya kilalanin pa nating maige si John Remel!

"Active po ako sa mga extra-curricular activities simula pa nu'ng elementary at high school ako", panimulang sabi ni John Remel. "At isa akong traditional artist bago ako sumabak sa acting. I draw and I paint po. I also do portrait painting.

"Pero since sobra akong nahilig sa pag-arte, doon muna ako naka-focus ngayon", dugtong na sabi ni John Remel. "May mga nagawa na akong mga stage plays, short films at indie films. At ngayon, heto po, I decided to join this pageant- ang Face of the Year."

Magaling din sa sports na soccer si John Remel. At nu'ng high school pa lang, siya ang panglaban sa mga drawing contests-, at duon din siya naging Editorial Cartoonist sa school newspaper nila at Student Leader din. By that time, nagsimula na rin ang hilig ni John Remel sa Stage Acting.

Nuong elementary pa lang si John Remel, magaling naman siya sa larong Chess at naging pambato ng eskuwalahan nila sa mga Chess Tournaments. Talagang well-rounded na bata, di po ba?

"Naaalala ko pa nu'ng bata ako, pinasulat sa amin ng teacher namin kung ano ba talaga ang gusto naming gawin paglaki namin", kuwento ni John. "Ang sinagot ko doon sa 1/4 sheet of paper ay ang PAG-ARTE. Gusto ko talagang umarte."

Kaya naman nakakadagdag sa self-esteem ni John kapag sinasabihan siyang kamukha niya ang sikat na aktor na si Jericho Rosales.

"Nabu-boost po ang self-confidence ko kapag sinasabi nilang kamukha ko si Jericho", anya pa. "Pero para sa akin, mas gugustuhin ko pa rin na mas makilala sa kakayahan ko at hindi 'yung kung sino ang kamukha ko."

Naging Grand Champion na rin si John Remel sa isang pantimpalak na Welcome Got Talent sa may Libertad St., Pasay City. Taong 2016 'yun at nakuha din niya doon ang special award na Most Impressive Performer.

Laking Trece Martirez sa Cavite City si John pero sa Bicol naman siya ipinanganak. And he describes himself as: "Simple lang, madaling makuntento sa buhay."

Sa pagsali niya sa Face of the Year 2018 ay dalawang bagay ang nasa-isip niya: "Pasensya at effort."

Sa dalawang qualities na iyon, hindi nga malayong magtagumpay at makilala sa mundo ng showbiz si John Remel.


Goodluck sa iyo, John.



(sinulat ni robert silverio)


JOHN REMEL: TRUE ARTIST

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...