photo by: wilson fernandez of manila bulletin |
NU'NG UMAAGOS ANG DUGO NA PARANG FOUNTAIN MULA SA NOO NI LANCE RAYMUNDO, NAKITA NIYA BIGLA ANG KABILANG BUHAY.
HINDI SIYA PUMIKIT, HINDI SIYA NATULOG. NANATILI SIYANG GISING DAHIL BAKA KAPAG NATULOG SIYA, HINDI NA SIYA MULING MABUHAY PA...
NU'NG HALOS BUNGO NA LAMANG ANG MATIRA SA NAPAKAAMO NIYANG MUKHA, ALAM NIYA, MAY DAHILAN ANG LAHAT.
NU'NG ILANG LINGGO AT BUWAN SIYANG NANATILI SA OSPITAL HABANG NILALABANAN ANG KAMATAYAN, NAISIP NIYA, MAY GAGAWIN PA SIYA.
AT,
UTANG NIYA ANG LAHAT NG ITO SA NAG-IISANG PANGINOON NATING LAHAT-
SI KRISTO.
**************
'YUN ANG PANAHONG NAKIPAG-LUKSONG TINIK SI LANCE SA KAMATAYAN. NAKIPAGLARO NG "HIDE EN SEEK", AT NAKIPAGSAYAW NG "TANGO".
SA NAGANAP NIYANG AKSIDENTE SA MUKHA MGA ILANG TAON NA ANG NAKAKALIPAS, NU'NG MABAGSAKAN NG ISANG HEAVYWEIGHT BARBELL ANG KANYANG MUKHA, ANG LAHAT AY NAGBAGO NGA.
ISANG PANIBAGONG DIREKSYON ANG MGA TINAHAK NI LANCE SA PAGPAPATULOY NG KANYANG "JOURNEY" SA BUHAY, SA KARERA, SA POLITIKA, AT IBA PA.
AT ANG PINAKAMAHALAGA SA LAHAT, TAON-TAON, GINAGAMPANAN NIYA ANG PAPEL NA "KRISTO".
***************
SA MULI, KUMATOK SA KANYA ANG DIREKTOR NG "KRISTO SENAKULO" NA WALANG IBA KUNDI SI GINOONG LOU VELOSO, ANG ARTISTIC DIRECTOR NG TEATRO STA. ANA. SA TAONG ITO, GUSTO NI MR. VELOSO, NA GAMPANAN MULI NI LANCE SI KRISTO, AT KA-ALTERNATE NIYA ANG ISA PANG AKTOR NA SI MIGGY MORENO.
HINDI NAG-DALAWANG ISIP SI LANCE. AT SABI NIYA:
"NU'NG NAKITA KO ANG MGA DUGO KO SA MUKHA AT ANG BUNGO KO, NAKITA KO RIN SI KRISTO NU'NG MGA ORAS NA 'YUN NA MAAKSIDENTE AKO YEARS AGO", ANYA. "NGAYON PA BA AKO TATANGGI NA GAMPANAN SIYA? SAMANTALANG ANG LAHAT NG NAUUKOL AT NANGYARI SA BUHAY KO, ALANG-ALANG SA KANYA! PATI MGA SUFFERINGS NIYA AND MIRACLES, NARANASAN KO RIN NU'NG MAAKSIDENTE AKO."
ANG 'KRISTO SENAKULO' SA TAONG ITO AY MAGKAKAROON NG PAGTATANGHAL SA CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES. KUNG DATI-RATI'Y SA PLAZA STA.ANA LAMANG AT SA GREENFIELD DISTRICT, THIS TIME AROUND, MAS MALAWAKANG MGA VENUES PA ANG SASAKUPIN NG KRISTO SENAKULO.
ISANG MAGANDANG SENYALES NG IBAYONG PAGPUPUGAY PARA SA ATING PANGINOON AT KAIBIGAN NA TUMUBOS SA ATING MGA KASALANAN.
******************
OPO. NAMNAMIN NATIN ANG PAPALAPIT NG HOLY WEEK SEASON. AKAPIN NATIN ITO NG BUONG-BUO. MAY NAIS SABIHIN SI "KRISTO"
ISANG SALITANG NUON PA NIYA GUSTONG SABIHIN....
NA DAHIL KAIBIGAN KA NIYA,
KAYA KA NIYANG SAPUIN,
KAYA KA NIYANG BUHAYIN MULI...
KUNG MAMAMHALIN MO LANG SIYA-
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS OF LANCE AS JESUS CHRIST, TAKEN BY: MR. WILSON FERNANDEZ OF MANILA BULLETIN
LANCE RAYMUNDO as jesus christ. (photo by: wilson fernandez) |
(photo by wilson fernandez) |
(photo by wilson fernandez) |
(photo by wilson fernandez) |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento