Hindi yata nauubusan ng modelling events and special occasions na kung saan ay kasali palagi ang magkapatid na Charmele at Jed Badiola ng Naga City, Bicol.
Aba naman, tunay na hinahangaan ang magkapatid na ito sa Naga City, kaya hindi malayong very soon ay makilala rin sila sa Manila. Hindi lang pang-modelo ang looks ng magkapatid na ito, kundi parehong artistahin din.
With the good & proper guidance of their mom- Ms. Imee Badiola and their dad na si Mr. Edwin Badiola, hindi naman nasisira ang pag-aaral ng dalawang bata maski ba sankaterba ang mall shows and modelling events na sinasalihan nila sa Naga City. Bagkus, mas lalo pa ngang nai-inspire ang mga batang ito na mag-aral maige at pareho silang naging nasa mga High Honors List sa eskuwelahan nila.
Inaayos na rin nina direk Errol Ropero at producer Prince Navarro Nicholson ang nalalapit na pagso-showing sa mga sinehan ng DepEd advocacy film na My Music Hero Teacher, na kung saa'y parehong kasali sina Charmele at Jed sa movie. Maganda ang respective roles ng dalawang bata sa nasabing pelikula.
"May mga nag-aalok na po na sa Maynila na lang kami manirahan para mas mapadali sa amin ang pagpasok sa showbiz ng dalawang mga anak ko", nasabi minsan ni Ms. Imee Badiola, ina nina Charmele at Jed. "Pero hindi po namin basta maiiwan ang Bicol. Kasi, duon na kaming lahat lumaki at duon ko ipinanganak ang tatlong anak ko. Depende siguro sa magiging mga offers kung saka-sakali."
Meanwhile, i-enjoy na lamang naten ang mga latest pictures nina Charmele at Jed na kuha sa iba't-ibang events and occasions na sinalihan nila sa Naga City, Bicol. Tunay namang FASHIONISTAS ang dating ng dalawang bata, pati na ang mga magulang nilang sina Imee at Edwin. Kaya karapat-dapat lang na sabihing: "The Badiola Family of Bicol, mga Fashionistas!" Korek.
Congrats, Charmele and Jed!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
ALL PHOTOS, COURTESY OF MRS. IMEE BADIOLA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento