"anak, iwanan ka man ng buong mundo, nandito pa rin ako" (isang madramang paglalahad sa tatlong araw na kaganapan ng acting workshop sa general tinio, nueva ecija)....

the staff and workshop participants of the first batch of workshoppers for FERDINAND BOTE ACTING WORKSHOP in general tinio, n.e.


an acting workshop exercise

blogger robert teaches pointers and lectures for acting workshop participants

young female teenager speaks and acts in one drama exercise



"Anak, iwanan ka man ng buong mundo, nandito pa rin ako", nasabi 'yan minsan ng isang nanay ng isang great explorer na narating ang tutok ng Mount Everest. 
Nabasa ko ang kuwentong iyon sa isang lumang issue ng National Geographic magazine. Ukol iyon sa isang explorer na kakaakyat pa lang sa tutok ng Mt. Everest. Pag-uwi niya, sinalubong siya ng lahat ng importanteng tao sa kanilang bayan, mga media people, mga dating kaibigan, ng mga sikat na celebrities. Nu'ng makita siya ng mga ito, initsa-itsa siya sa ere na parang teddy bear, pinag-akapan, hinalikan, ipinagmalaki sa bawat isa...
Hanggang sa nakita niya ang kanyang ina buhat sa di-kalayuan. Hindi ito lumalapit sa kanya. Basta nakatingin lang.
Doon niya naramdaman, kulang pa siya. Na hindi pa siya tuluyang MASAYA. Not until maakap niya ang kanyang INA.
At lumapit siya ng dahan-dahan sa ina niya. Inakap siya nito, sabay sabing; "Ikaw pa rin ang maliit na baby boy ko."
Doon na napahagulgol ng husto ang explorer. At naalala niya minsan ang sinabi sa kanya ng kanyang ina: "Anak, iwanan ka man ng buong mundo, nandito pa rin ako."


*****************************



Naroon ako sa harap ng mga batang acting workshop participants ko nu'ng hapon na iyon sa General Tinio, Nueva Ecija. Yun din ang araw na ikinuwento ko sa kanila ang istorya na iyon ukol sa isang explorer. Pero ang nakaka-sorpresa, imbis na sila ang mapaiyak ko sa araw na iyon, ako ang napaiyak sa harap nila. damang-dama ko kasi ang istorya na ikinuwento ko sa kanila.


Nu'ng nagdaang araw kasi, ako lang yata ang hindi umiyak sa isang mabigat na drama exercise na ibinigay ko sa kanila, Lahat sila, napaiyak ko, pati na ang Workshop facilitator na si Dave Macariola.


Sapat na siguro 'yun para sabihin ko sa sarili ko na isa rin pala akong magaling na teacher sa acting. Nakakataba ng puso na 'yung mga batang participants sa workshop, sila ang pinaka-excited at pinaka-active sa tatlong araw ng workshop. Sila din ang pinaka-cooperative. At napakahuhusay nilang lahat.


Habang kaharap ko sila, feeling ko, nanay na nanay ako. Isang nanay na nagtuturo ng mga artistikong bagay para sa kanyang mga anak. At mga anak na nakikinig, dinadama ang lahat ng mga salitang lumalabas sa kaibuturan ng aking puso sa tuwing magsasalita ako.


Kaya ngayon, nagpapasalamat ako ng husto kay Mayor Ferdinand Bote sa pagpapaunlak niya na makapag-workshop ako sa kanyang mga kababayan. Isang malaking pribelehiyo na makahanay ako sa mga tulad nina Rafael Cusi (isang world-renowned painter), Armando C. Giron (ang head ng Culture & Arts sa buong Nueva Ecija) at Armando Sta, Ana (isang direktor sa Malolos, Bulacan). Dahil sa 3-day event na ginanap sa BIYAYA NG SINING festival sa General Tinio, Nueva Ecija, sila ang mga nakasama ko at nagutro kami ng iba't-ibang alay ng Sining para sa mga kabataan ng General Tinio.


'Yun bang akapin ka ng batang si Jill (apo ni Meyor Bote) at ibulong sa iyo: "Salamat po, Sir. Thank you po sa lahat ng mga itinuro mo." 


Sapat na nga ang lahat. Halos mapaiyak na ako. O kaya, 'yung lapitan ka sa tuwina ng mga bata at tingnan ka ng buong pagmamahal, tuwa, paghanga. Oo, sapat na nga ang lahat.

ANG SARAP NG SINING! IBABALIK NIYA SA IYO ANG GANDA NG BUHAY AT YAMAN NG PUSO!


Totoo nga yata 'yan. Dahil naramdaman ko iyan sa aking maikling paglalakbay sa General Tinio, Nueva Ecija. At napuna ko pa, napaka-'low key' man ng bayang ito, narito naman ang lahat ng MINA- sa mas malalalim pang mga kadahilanan, kagalingan at artistikong mga binhi ng sankatauhan.


***************************


Minsan, sa ating maraming naging mga paglalakbay, may mga lugar tayong nakakalimutan. Mga lugar na dapat ay nuon pa natin inakap at pinuntahan.


Tulad ng mga batang workshop participants ko na kay gagaling sa pag-arte at kaagad na natuto.


Tulad din ng tahimik na bayan ng Gen. Tinio, N.E.


Tulad ng Sining....



at,


Tulad ng isang inang laging naghihintay sa ating lahat...-


ang makita siya at mapagmasdan-




HABAMBUHAY.




(sinulat ni robert manuguid silverio).*






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...