RASH FLORES: ANG PAMPAGUENONG PAKISTANI...








Bilib na talaga kami sa mga mata ng pamosong celebrity manager at event organizer na walang iba kundi si Jojo Veloso. Alam na alam niya kung "star potential" talaga ang mga nadidiskubre niyang lalaking artistahin. Heto, may isa na naman siyang na-discover na bago. At siya'y walang iba kundi si RASH FLORES, ang Pampaguenong Pakistani.

"Hindi ko na po nakilala at nagisnan ang tatay kong Pakistani daw", bungad na pahayag ni Rash Flores sa isang lunch interview over Pork Barbeque and rice. "Pero sa Pampanga po ako isinilang. My mom kasi is Pampaguena.

"Iba-iba po ang kuwento nila ukol sa dad kong Pakistani, kaya nalilito ako", dugtong na sabi pa ni Rash. "Pero sa katagalan, nasanay na rin ako. I felt na I belonged na rin sa mga kapatid na kinagisnan ko. Lahat naman sila, minahal ako."

At sa bagong mundong tatahakin ngayon ni Rash, naka-agapay sa kanya ang ikalawa niyang ama na si Jojo Veloso. In fact, naikuha siya agad nito ng isang proyekto sa pelikula.

"Bale isang indie movie iyon na ipapalabas sa Cignal channel", dugtong na wika ni Rash. "Kasama ko doon si Ruffa Guttierez at Benjie Paras. Okey naman po, so far, masaya ang naging experience ko.

"Nu'ng una, ninnerbyos pa ako", dagdag na sabi ni Rash. "Pero after two days of shooting, nawala na po ang nerbyos ko. Pero feeling ko, hindi pa ako satisfied sa acting na ipinakita ko du'n sa direktor ko. Kaya gusto ko pong sumali sa isang Acting Workshop balang araw para lubos pa ring matuto."

Sa modelling naman, malawak na rin ang mga naging ekspiriyensya ni Rash. 

"Naging brand ambassador po ako ng Folded & Hung at Levi's", sey pa ni Rash. "Nakagawa na rin po ako ng mga fashion shows sa Under Armour underwear at iba pang mga ramp fashion shows."

Sabi pa ni Rash, ang pagkakaiba daw ng modelling at acting ay 'yung pagiging mas malakas na dating ng personalidad.

"Sa modelling, dapat maangas ka, mayabang", wika ni Rash. "Sa acting, may mukha ka lang na guwapo, okey na."

Rash describes himself as tahimik na tao lamang sa umpisa, pero later on, pakikisamahan ka naman daw niya ng maganda.

"I am 20 years old now and I feel, medyo matured na rin ako sa buhay", huling sabi ni Rash. "Kaya kung nasasaktan man ako minsan sa mga babae at naloloko, kinakaya ko na lang po. Coz I believe, God has a greater reason for me to live."

Korek ka diyan, Rash. More power.




(sinulat ni robert manuguid silverio)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...