sampung minutong interbyu sa belated birthday celebrant na si tessie lagman...

karl sipat of 4-s pamilya takes the pancit being offered by tessie lagman at her biorthday lunch...

tessie lagman: evergreen (photo collage by: reymond agbada)

a birthday photo collage made by ms. malou arao

at tessie lagman's birthday lunch, with corazon garcia, nancy sipat, blogger robert and tita tessie )photo by: nancy sipat)

THE 4-S PAMILYA OF TESSIE LAGMAN!!!

TITA TESSIE: RADIO ICON



Damang-dama ng isang blogger ang tunay at tapat na pagmamahal ng lahat ng miyembro ng 4-S PAMILYA sa kanilang Kapitana ng Barko- walang iba kundi ang veteran radio icon na si Ms. Tessie Lagman-Balboa. Kasi naman, nu'ng araw na 'yun ng Linggo, July 8, ay advance birthday celebration ni Tita Tessie. Kaya naman umapaw ang mga halik, akap at madamdaming mga pagbati ng "HAPPY BIRTHDAY" para kay Tita Tessie.

Naganap 'yun mismo sa programang SAMA-SAMA, SALO-SALO last Sunday, July 8. Halos kumpleto ang lahat ng miyembro ng 4-S Pamilya, minus Ray Lucero (na nadulas at natapilok kaya hindi nakarating) at Hazel mae Ursais (na nasa ibang bansa pa at that time pero nakarating na ngayon muli sa Pinas).

Kaya naman, para kumpleto ang lahat ng 4-S Pamilya, ise-celebrate ng husto ang birthday ni Tita Tessie, kasabay ang tatlo pang July birthday celebrants na sina Corazon Garcia and his husband Cenen Garcia at si Hazel Mae Ursais after two Sundays from now. Lilipat na muna kasi ng radio station sina Tita Tessie dahil sa ilang mga kadahilanan. Kaya bale apat silang magse-celebrate ng kanilang mga kaarawan sa mga susunod pang episodes ng programang Sama-Sama, Salo-Salo. Bongga. Ia-announce na lang namin soon kung saang radio station lilipat sina Tita Tessie. As of press time, hindi pa puwedeng mai-reveal.

Teka, ano naman ba ang birthday wish ni Tita Tessie? Sa sampung minutong panayam ng isang blogger sa kanya, heto ang mga naging sagot niya:

"Ang lumawak pa ang listening viewers ng aming programa at dumami pa ang mga sponsors namin", mabilis na sagot ni Tita Tessie. "Pero sa totoo lang, on the personal side side, ang wish ko talaga ay ang pumayat. Hahaha!"

Dagdag na sabi pa ni Tita Tessie, masaya siya sa suportang binibigay sa kanya ng 4-S Pamilya. 

"Maayos at maganda", sabi pa muli ni Tita Tessie. "Basta ang mahalaga, masaya kaming lahat sa palatuntunan namin. Lahat ay nagbibigay ng kontribusyon in their own little way."

Padami na ng padami ngayon ang mga miyembrong sumasali sa 4-S pamilya. Ang pinaka-latest member ay si Reynelyn Mercado. At may mga gustong sumali pa, kasama na ang blogger na si Robert Silverio (kami po 'yun). Ano'ng masasabi ni Tita Tessie sa dumaraming kapamilya niya?

"Madami talaga ang gustong sumali sa amin pero limitado lang kasi ang oras namin, eh", sagot ni Tita Tessie. "As much as I want to welcome all those na gustong maging ka-miyembro ng 4-S Pamilya, hindi ko lahat maa-accomodate pa. They can guest anytime sa show namin, as long na kaya pa ng oras namin."

Isa sa mga adbokasiya ni Tita Tessie ang pangkalahatang awareness pa sa Musikang Tagalog- tulad ng mga Kundiman songs, Old Classical Filipino Songs, Folk Music, at iba pa.

"Iba-ibang kategorya sila, pero lahat sila ay awiting Pilipino", sabi pa ni Tita Tessie. "Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa mga Kundiman songs- lahat naman tayo, eh, may Nationalistic attitude sa bagay na 'yan. Kaya ang ginagawa ko, kada episode ng programa namin, may kakanta ng Tagalog- mapa-Kundiman man o folk songs. Nagsasali na rin kami ng mga Popular songs na inaawit ng mga kabataang miyembro ng programa namin."

Kaya good karma talaga si Tita Tessie dahil malinis ang intensyon niya at mga hangarin. Sa buong 4-S PAMILYA members na kinabibilangan nina Reymond Agbada, Karl Sipat, Corazon Garcia, Cenen Garcia, Tony Suvega, Rafael Centenera, Sammy Rascal, Ver Dayap, Nick Corong, Eddie Suarez, Ray Lucero, Dolly Favorito Cruz, Nancy Sipat, Reynelyn Mercado, Pitimini at Hazel Mae Ursais- BELATED HAPPY BIRTHDAY PO, TITA TESSIE!!!!



(sinulat ni robert silverio)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...