DENISE: ONE ARTISTIC SOUL |
Produkto si Denise Silverio Vivero ng very artistic parents and a clan of showbiz writers and artists. Kaya naman siguro minana niya sa mga ito ang mga sari-saring artistic skills na siyang mag nagpapaningning ngayon sa kanyang very attractive personality.
Denise is now concentrating on her studies sa Marist Christian School, pero 'yung mga artistic skills niya ay nagagamit niya sa mga activities nila sa school ngayon. Member si Denise ng kanilang school Glee Club, sa Christian Church naman nilang Faith Point Christian Church, member naman si Denise ng Music Team doon, wherein every Sunday morning ay kumakanta sila ng mga Christian Songs sa Church fellowships nila.
Yes, Denise inherited her singing skills sa mom niyang si Deza Silverio Vivero (this blogger's sister), dahil nu'ng kabataan ng mom niya, ilang beses itong nanalo na sa mga singing contests at nakalabas din sa mga telebisyon.
"Siyempre, like mother, like daughter", wika pa ng mom ni Denise na si Deza. "I saw the potentials of Denise as a singer. At hilig din naman niya, eh. That's why, I am deciding to enroll her now sa The Voice Academy to further improve her singing talent. Sa The Voice Academy rin kase kumukuha ngayon ng mga talents and singers ang channel 2."
Bukod sa singing, ang iba pang artistic skills ni Denise ay ang nauuso ngayong Fashion & Make-Up tutorial sa Youtube.Com. Doon niya naha-harness ang galing naman niya sa pagme-make-up, na trend ngayon sa mga kabataan.
Mahilig din sa pets si Denise. Gabi-gabi, katabi niya sa pagtulog ang pet dog niyang si Cody.
Denise is only 14 years old at youngest siya sa 4 siblings nina Deza at Alex Vivero. She grew-up having three older brothers kaya naman medyo spoiled din siya sa mga ito.
Abangan ang pag-usbong ng mga pangarap ni Denise Vivero!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
denise vivero with her parents and brothers |
denise with her family |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento