lance raymundo, muling gagawa ng pelikula kay maestro elwood perez...

direk elwood and lance: FAMILY

LANCE:OOZING! (di ba, beni saunders?)

Nagkaroon na ng Fight Workshop kamakailan lang ang actor-singer na si Lance Raymundo, in preparation for his upcoming film na isu-shoot na sa buwan na ito ng Marso, at ang pelikula'y ididirek ng Master film director na si Elwood Perez. After a series of meetings, na-finalize na ang lahat and everything's set na para sa first day of shooting.

Sa ginanap na Fight Workshop ni Lance na idinaos sa Lunar Saints Productions' studio-office, napasabak agad si Lance sa mga umaatikabong bakbakan, kasama ang ilan pang 'anonymous' actors na magaling sa Martial Arts. Naroon din si direk Elwood to supervise the Fight Workshop, dahil may mga action scenes si Lance sa movie na gagawin niya kay direk Elwood.

As of this early, hindi pa puede i-reveal ang iba pang details ukol sa movie. Pero ang natitiyak namin, isa itong magandang pelikula dahil si direk Elwood ang direktor, na laging hinahangaan sa bawat pelikulang gawin niya.

May isang naunang pelikula na si Lance kay direk Elwood, pero na-shelve 'yun temporarily, at ito na ngang bagong movie na ito ang pangalawang pelikula na kung saan ay makakatrabaho ni Lance ang pamosong direktor.

Which is a nice and a good break naman for Lance, para hindi naman maging monotonous ang activities niya lately sa pagiging isang singer and recording artist sa Viva Records. Nakagawa na kasi si Lance ng dalawang hit singles sa Viva Records. At ngayon, may kasunod na, kaya magiging tatlo na. In fact, magsisimula na rin si Lance ng shooting niya para sa MTV ng kanyang ikatlong kanta.

"Direk Elwood is a family friend of the Raymundo's", tanging nasabi ni Lance."And I've known him since I was young. Noon pa namin pangarap sa isa't-isa na makagawa ng pelikula together."

And finally, magkakatotoo na ngayon. Goodluck!



(sinulat ni robert silverio)


lance and two martial arts actors sa FIGHT WORKSHOP, nasa far right si direk elwood

lance fights back!

lance (in yellow shirt) and direk elwood (in black polo shirt) plus two executives sa meeting ng bago nilang movie.

lance on the go!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...