ISANG PAANYAYA MULA KAY DIREK JOSE JEFFREY CAMANAG NA PANOORIN ANG "NOLI ME TANGERE, THE OPERA"!!


direk jose jeffrey (2nd from left, in white polo shirt) with the major cast of "noli, the opera"


"noli, the opera" sizzles at the ccp main facade

direk jose jeffrey: co-director of "noli me tangere, the opera"


"Sa pagsilip ng araw bukas ay ngingiti ang mga ulap sa pagsasama-sama ng mga bituing nabigkis ng iisang adhikaing magbigay ng liwanag sa mga musmos na kaisipang nabubulagan ng technolohiyang mapanlinlang.

Tatanglawan nito ang mga matang bulag sa mga nagkukubling katotohanang minana natin sa ating mga ninuno. Mga katotohanang inilahad ng bayani ng ating lahi ilang siglo na ang nakararaan ngunit ang bawat mapait na katotohan ay namamayanin pa rin sa kasalukuyan.

Kaya't pakinggan ang awit ng mga nagniningning na bituin hayaan ang lumang himig ang magbigay gabay upang pumailanlang ang makabagong tinig na naglalayong hubugin ang kaisipang makabayan, makatao at makadiyos.

Noli Me Tangere, Huwag Mong Salingin ang nagnanaknak na kanser ng lipunan. Halina at samahan kami, muling ilalantad sa musika ng dakilang Felipe De Leon at sa mabunying panulat ng bayani ng sining na si Guillermo Tolentino ang Operang halaw sa dakilang nobelang pumukaw sa ating mga ninuno upang makibaka para sa kalayaan sa mga mapang-aliping dayuhan.

Nawa sa pagliliwanag ng ilaw ng aming tanghalan ay magliwanag rin ang kalangitang magbubuhos ng makabagong kalayaan sa ating inang bayang inupasala ng sarili niyang mga anak na nananatili sa kadiliman ng kasakiman at kawalang pakielam. Hayaang maitanim sa kaisapan ng kabataan ang mabubuting punlang magbabago ng hugis ng kanilang kinabukasan.


MABUHAY, NOLI ME TANGERE, THE OPERA!!!"---- (JOSE JEFFREY CAMANAG).***

briefing with the cast of "noli, the opera"

group shot with the staff, cast and crew of "noli, the opera"

smiles from the major cast



direk jose jeffrey rehearses a scene from the opera


direk jose jeffrey instructs the cast

direk jose jeffrey with mom olivia and bro roeder

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...