RICHARD QUAN: MASKI SAAN, KAHIT KAILAN...

richard quan: an actor of high caliber

richard during a coffee interview with blogger robert silverio


Ang isang tunay na aktor ay naglalakbay, nagpupunta sa mga lugar na nais niyang makamtan, nagmamadaling makuha ang mga panlasang nais niyang matikman.

Ang isang tunay na aktor ay maihahambing rin sa isang alak na matagal nang nailaklak sa bodega ng makalumang panahon, sumasarap pa ng husto sa pagdaloy ng mga araw at ng mga taon...

Pero higit sa lahat ng ito, ang aktor ay umiibig sa tuwina, inaakap ng mahigpit ang Sining ng pelikula, tumititig ang mga matang malamlam sa kaluluwa ng isang kapwa-taong nagbabadyang matuklasan siya...

Dahil, ang aktor ay isang AKTOR. At hindi na dapat pang harangan pa ng sibat ang mga susunod na maipapamalas niya.

Ang aktor na iyon ay si Richard Quan, at wala nang iba.

Sa isang "intimate coffee interview" sa aktor na si Richard, mas lalong lumalim ang pagkakakilala namin sa kanya. Dahil sa pagtakbo ng mga oras at araw, mas lalo niyang napatunayan ang kaganapan ng kanyang pagiging isang tunay na aktor. Pero nanatili siyang "low key", mapagkumbaba, tahimik...

Unang tanong: Richard, isa ka sa maituturing na pinaka-low key na aktor sa crop of serious actors that we have now in showbiz. Hindi mo ba napi-feel na napaka-under rated mo as an actor?

"It's my choice", mabilis na naging tugon ni Richard. "And I have no regrets. Mas ginusto ko ang ganito na tahimik lang, walang masyadong intriga at hindi nakakalkal ang pribadong buhay ko. Ang masasabi ko lang siguro, mas may narating ako sa pagiging isang aktor. At mas masaya ako kung nasaan man ako ngayon. At mas naa-appreciate ko rin ang mga magagandang bagay na dumarating sa career ko."

Ikalawang tanong: Anu-ano ba ang mga most challenging movies na nagawa mo na? Yung mga naging pinaka-paborito mong pelikula, Richard?

"Para sa akin, 'yung pinaka-una ko pa ring pelikula ang pinakagusto ko", muling sagot ni Richard sa ikalawang tanong. "Ang pamagat ng pelikulang iyon ay Saan Ka Man Naroroon, na mula sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna. Unang-unang pelikula ko iyon at ang ganda agad ng naging papel ko doon. Pati billing ko, kahanay ko sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Pangalawa iyong pelikulang Karinyo Brutal, kasi ang ganda rin ng naging role ko doon. Pero ngayon, may ginagawa akong pelikula, itong Kids of War. Isa itong indie film at kasalukuyan kong sinu-shoot. Ibang klase ang papel ko dito at talagang mapang-hamon."

Sa puntong ito ng coffee interview kay Richard, isinawalat niya ang mga bagong pelikulang ginagawa niya ngayon:

"May ginagawa akong film ngayon which is very close to my heart, it's about World War Two", muling pahayag ni Richard. "Ang pamagat ay Kids of War, na nabanggit ko na kanina. Ang ganda ng script ng pelikulang ito! Istorya ito ng mga teenager na kabataan at iyong epekto ng giyera sa mga buhay nila. Kung ano'ng nangyayari sa kanila habang ang mga magulang nila ay nakikipaglaban sa giyera. It's a very ambitious script and to think, indie film lang ito.


richard quan in a scene of his latest film- "kids of war"

"Ang maganda pa, iba ang naging samahan naming lahat habang ginagawa ang pelikulang ito", dugtong na sabi pa ni Richard. "You can feel sa set ng pelikula namin na nagmamalasakit ang bawat isa, nagtutulungan, nagdadamayan. Bale ang producer kasi namin dito ay baguhan pa lamang. Kaya siya nag-produce ng pelikula ay para sa anak niyang sumali sa acting workshop. Ganun lang kasimple at nag-produce na siya. Kaya gusto ko suportahan ang mga producers na tulad nila."

Si Moises Lapid, na dating production designer ng beteranong direktor na si Gil Portes ang direktor ng Kids of War. Si Arman Reyes naman ang Associate Producer at si Rolly Palmes ang Line Producer. Kasama ni Richard sa pelikulang ito ang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin na gumaganap bilang anak niya sa pelikula.

Bukod sa Kids of War, may dalawa pang mga pelikulang tinatapos ngayon si Richard. 'Yung isa ay film entry sa darating na Cinema One Originals film fest sa November. At 'yung isa pa, isang advocacy film ukol sa mga bata.

"'Yung movie ko sa Cinema One, all-out na Panggalatok ang mga speaking lines ko doon", kuwento pa ni Richard. "Panggalatok is a Panagasinan province dialect. Kaya talagang nag-ensayo pa ako sa pananalita ng Panggalatok. Ukol ito sa mga beliefs ng mga Pangasinan people, reflecting their old traditional beliefs. Ang title ng pelikulang ito ay Malinak Ya Labi na ang ibig sabihin sa Ingles ay Silent Night.

"At 'yung advocacy film ko naman ukol sa mga bata, ang title nu'n ay Karapatan Pambata at mula ito sa direksyon ni Joven Tan", dugtong ni Richard. "Malapit ko na ring matapos ang pelikulang iyan."

Si Richard Quan, aktor pampelikula. Naglalakbay, humahayo... At lalong gumagaling at tumitibay sa pagtakbo ng panahon.

Si Richard...

MASKI SAAN, KAHIT KAILAN...

Ay isang aktor na titingalian, mamahalin...

HABAMBUHAY.



(sinulat ni robert manuguid silverio)

richard: habang tumatagal, lalong sumasarap

richard: one of the handsomest actors a blogger had met


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...