the late MARYO J. DELOS REYES with POPPO LONTOC: a friend knows the hidden meanings of a wakeful dream and a sudden "call" |
blogger ROBERT with direk MARYO J.: a friend can never fully move-on not until he does the right thing |
direk MARYO j.: may paboritong pagparamdaman... |
Kadalasan, ang mga tao ay madaling makalimot. Iyon ay dahil sa udyok ng mga kaisipan nila na maka-move-on kaagad. Hindi mo rin sila masisisi. Dahil marahil, hindi nila kaya ang sakit, kapag naaalala nila, nahuhulog sila, natutumba. Nagiging negatibo para sa kanila ang mga damdaming nagpapaalala sa kalungkutan. Para sa kanila kasi, tuloy pa rin ang buhay...
Nguni't ang hindi nila alam, may ilan-ilan pa ring mga tao ang NANANATILI lang sa kinalalagyan nila. Umiiyak man sila o hindi, sadyang naroon lamang sila, hindi nagmo-move-on, hindi lumilimot. Lalo pa't mahal na mahal nila ang mga taong nawala na ng tuluyan sa mundong ito at lumisan na. Dahil alam ng mga taong ito, buhay man sila, may nais pa ring ipahiwatig yaong mga taong lumisan na. Dahil alam nila, mahal na mahal sila ng mga taong iyon na wala na nga.
Ito 'yung mga taong nilalapitan siguro ng mga kaluluwang nag-"cross-over" na. Sila ang gagamitin ng mga ito para ipagpattuloy pa ang mga gawain nilang hindi na naisakatuparan nuong sila'y nabubuhay pa.
*********** ************** *************
Sa tuwing sasapit ang Holy Week o Semana Santa, bukod kay Panginoong Hesukristo, isang tao ang madalas naming naaalala at ninanasang makasama- siya ay walang iba kundi ang yumaong si direk Maryo J. delos Reyes. Maski hanggang ngayon, we so badly long for his company. Ito nga ang madalas naming sambitin nuon kay direk Maryo (nu'ng nabubuhay pa ito): "Direk, miss na kita". Sasagot naman si direk Maryo sa amin sa ngiti niyang machong-macho: "Lagi mo naman akong nami-miss. Hehehe."
Ganu'n. Palaging ganu'n ang eksena. Kaya kapag Holy Week na, tatakbo na kami sa opisina ni direk Maryo J.- ang Prod. 56 office niya sa may West Ave., para sabihing: "Direk, sasama ako sa iyo sa Holy Week." Ilang taon na laging ganu'n. Pero in later years, nawala na kami, dahil ninasa naming magsarili na at hindi na umasa sa mga blessings na ibinibigay sa amin ni direk Maryo J. We wanted to prove something to our self. Na hindi namin alam, medyo ikinalungkot pala ni direk Maryo J. ang naging desisyon naming iyon.
************** ************ *************
Buwan ng Marso, 2019. Magmula nu'ng sumapit ang buwan ng Marso, parang nag-iba ang lahat sa takbo ng aming buhay. Nakaranas kami ng mga kakaibang hiwaga, malalalim na karanasan, at maraming enlightening moments.
Sa buwan din na ito, maka-tatlong beses kaming nakarinig ng isang tinig na tinatawag ang pangalan at apelyido namin. "Robert" sa una. "Robert Manuguid Silverio!" sa pangalawa. At ang huling-huli, isang pasigaw na- "Silverio!"
Sa tuwing mangyayari iyon, hindi naman kami nakadama ng takot o panic. Dahil iba ang dating nu'ng tinig. Parang nagmamalasakit. Parang nagmamahal. Pero lalaking-lalaki ang dating at timbre ng boses. Parang pamilyar din 'yung boses na iyon sa amin. Pero, parang nanggagaling din sa isang drum na walang laman. Parang ang lapit-lapit lang sa tenga namin.
PERO HINDI NAMAN NAMIN MAKITA 'YUNG TAONG 'YUN NA TUMATAWAG SA PANGALAN NAMIN. Iikot ang aming paningin sa buong kapuluan. Walang ibang taong nagsasalita o bumubuka ang bibig. Nakapagtataka.
********** *********** **************
Dala ng aming pagtataka at kakaibang pakiramdam, nai-post namin sa FB ang karanasan na iyon. Na, may naririnig kaming boses, pero hindi namin makita. Tatlong beses na, ika namin.
May mga nag-comment. Maraming nag-LIKE. Maraming nagsabi na multo daw iyon. May nagsabi namang anghel dela guwardiya namin iyon.
Basta ang sagot lang namin: "Iba 'yung feeling".
Hanggang sa nabasa ng dating alaga ni direk Maryo J. delos Reyes na si POPPO LONTOC ang nai-post namin, at nagkomento ito:
"Kuya Robert, si direk Maryo J. po iyon. At ipi-PM ko sa iyo ang dahilan kung bakit ko nasabing siya iyon".
************* **************** **************
At that very moment, napaiyak kami. We were caught OFF-GUARD. Dahil korek si Poppo. Korek na korek.
Para kaming natuhan, nabuhusan ng malamig na tubig. Dahil hindi sumagi sa aming kaisipan ni minsan na 'yung timbre ng boses, 'yung tining nu'ng boses, 'yung pagka-lalaking dating nu'ng boses- IISANG TAO LANG ANG NAGTATAGLAY NG KALIDAD NG BOSES NA IYON.
SI DIREK MARYO J. DELOS REYES, ANG YUMAONG DIREKTOR.
Opo, sa kanya nga 'yung tinig na iyon na tumatawag sa amin.
***************** ************ *****************
Over PM messages at FB chatbox, nag-usap kami ni Poppo. At nalaman namin ang dahilan. Tama si Poppo, may rason nga kung bakit kami tinatawag ni direk Maryo.
Gaya din nuong mga panahon na nabubuhay pa siya, tatawagin kami ni direk sa telepono. "Robert", o di-kaya, "Robert Manuguid Silverio"... Pero kapag hindi pa rin kami tutugon sa mga tawag niya, magagalit na ito at tatawag muli, sisigaw ng: "SILVERIO!!!!" At doon pa lang kami sasagot o makikipag-usap sa kaibigan naming direktor na ito.
Sasabihin ni direk Maryo: "Silverio, isulat mo nga si Poppo, may bagong project siya sa Regal Films."
O, di kaya: "Silverio, may magandang role si Robert Aviles sa isang pelikula ni Jomari Yllana, isulat mo sya. Pupuntahan kita sa pad mo."
O kaya naman: "Silverio, si Zoltan Amore, may piktoryal, kailangan kita sa pictorial niya!"
Ganu'n.
Kinailangan pang tawagin ako ni direk Maryo J. delos Reyes sa apelyido ko para matauhan ako at sumunod sa kanya.
************** ************ **********
AT SA PAGKAKATAONG ITO, MASKI WALA NA SI DIREK MARYO J., IPINADAMA NIYA, MAHAL NA MAHAL NGA NIYA ANG ORIHINAL NA MARYO J. BROTHERS NIYA. DAHIL MASKI NASA KABILANG PANIG NA SIYA NG BUHAY AT PARAISO, NAGMAMALASAKIT PA RIN SIYA SA MGA ITO.
NAPAG-ALAMAN NAMIN KAY POPPO, MAY GAGAWING REUNION MOVIE ANG ORIGINAL MARYO J. BROTHERS.
AT ITO NGA SIGURO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI MULING "TINATAWAGAN" NI DIREK MARYO J.
************ ************ **************
Pero ang hindi alam ni Poppo, may isa pang dahilan kung bakit. isang dahilan na tanging AKO at si direk Maryo J. lang ang NAKAKAALAM.
************* ********* **********
SA MULI, ISANG PAGPAPARAMDAM MULA KAY DIREK MARYO J. DELOS REYES, (R.I.P.)
ANG AMING TUNAY NA KAIBIGAN.
TINURING NAMING NAGING MALAKING KAPARTE NG AMING PERSONAL AT PROPESYUNAL NA BUHAY.
NA HANGGANG SA KABILANG BUHAY NIYA,
NAGMALASAKIT PA RIN PARA SA AKIN AT SA MARYO BROTHERS...
AT IPINAPANGAKO NAMIN, DIREK, GAGAWIN PO NAMIN ANG KAGUSTUHAN MO
DAHIL
MAHAL NA MAHAL KA NAMING LAHAT-
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
BELOW, ARE MORE PHOTOS OF DIREK MARYO J. WITH PEOPLE HE LOVED THE MOST, PHOTOS WERE NOT CAPTIONED FOR A MORE 'DRAMATIC' EFFECT..*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento